"Sige hija, iri na!" Utos ng kumadrona. Bum'welo naman ng isang mahabang pag-iri si Sam.
"Ayan na. Nakikita ko na ang ulo niya. Hinga ng malalalim, sandali, sige, iiri mo ulit."
Humiyaw si Sam, "Ang sakit! Hayup ka Karl ayoko na talaga!"
Natataranta si Karl. Hindi malaman ang gagawin. Hindi kasi n'ya inaasahang mapapaanak ng mas maaga si Sam. Kaya heto, dito na ito napaanak sa pinagbabakasyunan nilang cottage sa Aklan.
"Weh?" Paismid na sinabi ni Onin, nakahalukipkip ito habang nagpapaypay, "Wala ka ng credibility 'neng! Hindi ba, 'yan din ang sinabi mo ro'n sa panganay, pangalawa at pangatlo n'yo? Ibahin mo na kaya muna ang script mo this time para bumenta! Nakakalurkey ka, kung bakit naman kasi nakapag-asawa ka lang eh, nalakdawan ka lang ng kaunti eh buntis ka na agad."
"Tseh!" Singhal ni Sam kay Onin, "Bakit mo ba ako kinukontra? Eh kung ikaw kaya ang manganak dito!"
"Sure! Eh kung idinudonate mo na lang kasi sa akin 'yang mayabong mong matris, I am more than willing na magbuntis at umiri on your behalf 'no? 'Yung nga lang, kasama si Karl sa donation. Hmp! Ang hirap naman kasi sa 'yo, ang hilig mong mangalabit sa asawa mo, tapos s'ya pa ang sisihin mo kung bakit buntis ka na naman! If I know, wala pa ring isang taon ang batang 'yan, may kasunod na naman." Humalakhak si Onin.
Hinagip ni Samantha ang pinakamalapit na throw pillow at ibinato na niya ito kay Onin. Sumapol naman ito sa mukha ng huli.
"Manahimik ka na nga!" Bulyaw ni Sam kay Onin. "Karl ang sakit." Pagbaling nito sa asawa sabay abot ng kamay n'ya kay Karl. Hinawakan naman ito ni Karl. Hinahaplos at hinahalikan nito ang kanyang noo.
"O sige hija, kaunti na lang 'to, pagkabilang ko ng tatlo, iiri mo ulit ha? O sige...isa...dalawa...tatlo..."
Buong p'wersang umiring muli ni Sam. Sinundan ito ng pagsilang ang isang sanggol na babae. Pinutol ng kumadrona ang umbilical cord nito, ibinaligtad at pinalo ng bahagya sa puwitan.
Tila musika sa mag-asawa ang pag-iyak ng bago nilang sanggol.
Masaya sila. Sa wakas kasi'y nakababae na sila. Puro kasi mga lalaki ang tatlong nauna; nagkasunod-sunod ang mga ito sa bawat taon dahil sa pagsubok nilang magkaanak ng babae.
"Nasaan ang mga bata?" tanong ni Sam kay Karl. Katabi na nito ang nakabalot na sanggol na kagagaling lamang sa kanyang sinapupunan.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.
"Huwag kang mag-alala Mahal. Kasama nila sina Mama, Papa at ang mga yaya sa kabilang kuwarto."
"Ang ganda niya, Karl." Hinahaplos ni Sam ang maliit na mukha ng kanilang unica hija.
"Mana sa 'yo." Nakangiti si Karl.
Ngumiti rin Samantha sa kanya at saka magkasabay nilang pinagmasdan ang bagong silang nilang supling.
"Karl..." Pagbasag ni Samantha sa kanilang pananahimik.
"Ano 'yun?"
"Salamat ha..."
"Salamat saan?"
"Sa pagbibigay mo sa akin ng ganitong kasayang pamilya. Isang bagay na wala ako noon."
"Mas ako ang dapat magpasalamat sa 'yo, Sam. Kung hindi dahil sa 'yo, hindi ako magiging ganito kakuntento at kasaya sa buhay ko. Alam mo namang nag-iisang anak din lang ako kaya sobrang nagpapasalamat ako sa pagpayag mo na bumuo tayo ng mas malaking pamilya. Sulit talaga...sulit talaga ang pagpupursigi kong mapasaakin ka. Sulit ang mga paghihirap at pagdurusang dinanas natin noon."
Napangiti si Sam sa mga sinabi ng kaniyang buting Mister--na isa ring mabait at mapagmahal na Ama ng kanilang mga anak.
"Huli na ba natin 'to?" Nakangising tanong ni Sam.
"Kung ako ang tatanungin mo," Tatawa-tawang sagot ni Karl, "Gusto ko pa. Pero ikaw ang inaalala ko, ikaw ang naghihirap magdala, magbuntis at manganak sa mga bata. Nakukunsensya rin naman kasi ako na ang mag-punla lang ang contribution ko. Unfair pa nga 'yun kasi ang sarap-sarap itanim no'n." Napapahalakhak na tinuran ni Karl, "Nasa 'kin kasi ang sarap, nasa 'yo naman ang hirap, kaya...sa 'yo ko na ipapasa ang pagdedesisyon tungkol do'n. Ayoko rin naman kasi na masyadong maisangkalan ang kalusugan mo sa hirap ng pagbubuntis at panganganak."
"I guess we should play it by the ear then..."
"I guess..." hinawakan n'ya ang pisngi ni Sam. "Ang mahalaga, kahit ano mang mangyari, magkasama tayo at hindi na maghihiwalay pa."
Tumango si Sam sa pagsang-ayon.
"I love you, Karl."
"I love you too, Sam."
Sinelyuhan nila ito ng isang matamis na halik.
[KATAPUSAN]
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
RomanceKatropa Series Book 7 [Completed] Language: Filipino [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Adult Romance Series: Katropa Series Cover Design (WP): A. Atienza Started: March 2014...