KABANATA 16

106K 1.4K 154
                                    

Samantha's P.O.V.

Strikto at ruthless maging boss si Fidel, pero mabait at malambing naman itong asawa. Halos lahat ng bagay, napagkakasunduan namin. Hindi tulad namin ni Karl na wala nang ginawa kundi ang magbangayan. Mukhang tama nga ang naging desisyon ko nang si Fidel and pinili ko. Dahil kung si Karl siguro ang napangasawa ko, pihadong araw-araw ang pagtaas ng presyon ko.

Lahat na yata ng pag-aalaga, ginawa na ni Fidel sa akin. Sa piling n'ya, daig ko pa ang isang reyna, at wala pang nag-alaga sa akin nang ganito...not even Karl.

"Fidel..."

"Yes?" Nakangiti ito.

Nakaupo kami sa kama namin. Nagbabasa ako ng paborito kong nobela habang abala naman ito sa pagtata-type sa laptop niya. Tsk. Workaholic talaga.

"Ga'no na katagal dito si Leticia?"

Ang tinutukoy ko ang ang kanyang masungit na mayordoma.

"Gaano nga ba?" Tumingin siya sandali paitaas; nag-iisip, "Actually, hindi ko alam... Mayordoma na kasi 'yun ng una kong asawa. Hindi ko na tinanggal bilang kortesiya. Bakit?"

"Wala lang. Para kasing ayaw n'ya sa akin."

Tumawa si Fidel.

"Same here," Sagot naman ni Fidel, "I don't think she likes me either. " Alam kong loyal 'yun sa una kong asawa. Hanggang ngayon siguro iniisip pa rin n'ya na pinakasalan ko ang amo n'ya nang dahil sa pera. Hindi ko na lang pinapansin." Nakatutok pa rin ang kanyang mga mata sa laptop n'ya.

"Ang hirap hindi pansinin kung kasama ko s'ya rito araw-araw. Ewan ko ba, masama talaga ang kutob ko sa kanya. Paano naman kasi, kung tingnan n'ya ako eh, parang gusto na niya akong patayin."

Natigilan si Fidel. Isinara nito ang kanyang laptop. Ipinatong muna n'ya ito sa bedside table bago s'ya tumagilid paharap sa akin.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ko sa kanya. Kung makatingin kasi'y tila may gusto itong sabihin na hindi nito masabi-sabi.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

"Parang ganyan din kasi ang sinabi ng mga nasira kong asawa matapos ang una."

"Bakit? Ano ba ang sinabi nila sa 'yo?"

"Na ganun nga, parang ganun nga raw makatingin sa kanila si Leticia."

"Oo, at saka pati yung hardinero mo, parang masama lagi ang tingin sa 'kin. Parang nabubuwisit sila sa 'kin. Madalas ko nga silang nahuhuli na nagbubulungan, pero kapag nakikita nila akong lumalapit, bigla silang naghihiwalay. Halata ko naman na ako ang kanilang pinag-uusapan."

Napakunot-noo si Fidel na ngayo'y nakatingin na sa kawalan. Tila may malalim itong iniisip.

"Hoy," Sabay alog ko sa kaliwang balikat n'ya. "Ang lalim naman yata ng iniisip mo. Ano ba 'yan? Share ka naman d'yan!"

"Pasensya na, may naalala lang ako."

"Anong naalala mo?" Dumikit ako sa kanya. Hinahalik-halikan ko ang jawline n'ya. Ginantihan naman n'ya ako ng smack sa labi.

"Inaanilalisa ko lang ang mga pangyayari sa buhay ko simula ng lumipat ako sa bahay na 'to. Simula kasi ng lumipat ako rito. Katakot-takot na kamalasan na ang naranasan ko. Nando'n na yung, namatayan ako ng tatlong asawa kasama na yung bilis ng turn-over ng mga naninilbihan dito."

Hindi naman inilihim sa akin ni Fidel na pang-apat na n'ya akong asawa. 'Yung una raw n'yang asawa'y yung mabait n'yang boss noon na nagkagusto sa kanya. Pareho raw silang mga wala nang malapit na kamag-anak at mahal sa buhay, kaya mabilis silang nag-click. Minahal naman daw n'ya ito nang totoo, kaya nga halos mabaliw raw s'ya nang mamatay ito. Ayon sa kanya. Namatay daw ito sa pagkalunod sa swimming pool. Wala raw s'ya sa bahay ng mga panahon na 'yun kaya hindi niya alam kung ano talaga nangyari. Ang sabi ng mga katulong, baka inatake raw sa puso, ang ipinagtataka naman daw n'ya, wala naman daw sakit sa puso ang ex-wife n'ya na 'yun. Ang totoo pa nga raw, she was physically fit at mahusay lumangoy. Kaya nga hanggang sa ngayon,  misteryo pa para sa kanya ang tunay na dahilan ng pagkalunod nito.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon