KABANATA 18

93.7K 1.4K 147
                                    

Samantha's P.O.V.

Hah! Mukhang effective ang pagtaboy ko kay Karl. Dalawang buwan ko na itong hindi nakikitang sumusunod-sunod at nagbabantay na daig pa ang aso. Mukhang kuntento na ito sa binigay kong halaga though...nakapagtatakang hindi pa ito nagki-clear sa bangko.

Hmp. Pakipot pa. Kunwari pang ayaw sa pera, pero dinala naman n'ya yung tseke.

"O, eh kung nagpapasalamat ka at hindi ka na n'ya inaabangan, bakit nanghahaba ang leeg mo d'yan?" pagpuna sa akin ni Onin habang nag-aagahan kami sa verranda. Napapansin pala nito ang pagtingin-tingin ko sa may gate.

"Naniniguro lang."

"Naniniguro? Naniniguro saan? Ang sabihin mo, nami-miss mo s'ya at nagi-guilty ka sa huling ginawa mo sa kanya. Kunwari ka pang hipokrita ka, nagpapaka-mega-kontrabida ka pa eh hindi naman bagay sa 'yo."

"Ikaw ha! Masyado mo naman yatang sinasamantala ang pribilehiyong pagsalitaan ako nang ganyan ha. Anong hipokrita? Hindi ako hipokrita 'no? Wala kang alam sa lahat ng kawalanghiyaang ginawa sa 'kin ni Karl kaya wala kang karapatang husgahan ako 'no?"

"Alin ang hindi ko alam? 'Yung sineduce ka niya to have sex with him noong dose anyos ka at trese naman s'ya dahil sa sobrang pagkagusto n'ya sa 'yo?"

Nagulat ako. Pa'no kaya n'ya nalaman yun?

"Alin pa?" pagpapatuloy n'ya. "Yung kinailangan pa n'yang gamitan ka ng pera n'ya, para pumurmi ka na at tumigil sa pagpu-puta mo? Ano pa nga ba? 'Yung tinanggap ka pa rin n'ya sa sobrang pagmamahal n'ya sa 'yo, kahit kung sino-sino na ang sumawsaw r'yan sa pek-pek mo? Aba, Samantha, baka ikaw ang walang alam sa hirap ng dinanas n'ya sa paghahanap sa 'yo! Araw at gabi, araw-araw, as in araw-araw sa loob ng dalawang taon, hinalughog n'ya ang buong Pilipinas para mahanap ka. Kami nga ni Nenita, sumuko na sa sobrang dediksyon n'ya. Kaya nga no'ng bandang huli, s'ya na lang ang naghahanap sa 'yo. Kahit may sakit, umaarya s'ya. Kahit nawawalan na s'ya ng lakas at pag-asa, hinanap ka pa rin n'ya. Baka ikaw ang walang alam na halos ikamatay na n'ya ang paghahanap sa 'yo, lalo na no'ng tinamaan ito ng pulmunya dahil sa umula't umaraw na paglalakbay n'yang mag-isa kung saan-saan."

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung bakit ang daming nalalaman ni Onin. Ayokong makunsensya sa ginawa ko. Tama lang 'yun kay Karl dahil sinaktan din nito ako sa gano'ng paraan. Bahala s'ya sa buhay n'ya, wala na akong pakialam sa kanya. 

Halos ikamatay? Bakit? Hiningi ko bang gawin n'ya 'yun para sa 'kin? Kung namatay s'ya no'n, kasalanan na n'ya 'yon. Bakit ako pa rin ang kailangang magkargo sa pagkakapahamak n'ya dahil sa sarili n'yang kagagawan?

"Eh ano naman sa 'kin? Ako ba ang humingi sa kanya na hanapin ako?"

"Alam mo ikaw? Nagkapera ka lang nag-iba na ang ugali mo! Lalo ka ngang gumanda pero bumaho naman ang pag-uugali mo. Mas mabuti ngang hindi na magpumilit sa 'yo si Karl, he deserves better than a total bitch you have evolved into. Mas deserving n'ya yung babaeng masusuklian ang loyalty n'ya. Hmp. Makaalis na nga rito sa magarang mansyon mo! Mas gugustuhin ko pang makasama ang mga kapitbahay kong tsismosa at mababaho ang hininga, kesa naman sa isang taong hindi ko na kilala. Hindi na kilala, Sam. Hindi na ikaw yung kaibigan kong mabait, mapagmahal at mapagkumbaba. Baboo!" Tumayo na ito at umakmang paalis.

"Onin, sandali lang!" Hinila ko ang braso nito.

"O baket?" makahalukipkip ito; tinaasan ako ng kilay.

"Eh ano ba ang gusto mong gawin ko... eh si Fidel na nga ang mahal ko eh."

"Si Fidel? Sinong Fidel? 'Yung ex-husband slash step-father mong kinalimutan ka na kasi mas mahal pala naman n'ya ang Nanay mo?"

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon