This story is inspired by the official MV of Love Warning by Third of Kamikaze.
He says: "Once you've been warned, wala ka nang kawala."
She says: "If the place is jungle, well, I'm the tiger."
WARNING: MAIINLOVE KA SA ISTORYANG ITO.
March 7 2017
Nandito kami ng EZ Warning Gang sa spot. Hinihintay namin si Third. Dahil wala siya, nagkaroon ako ng pagkakataon na i-open up yung topic about sa nangyari kahapon.
"Sa tingin niyo, bakit hindi binigyan ng warning card ni Third si ano... ano ngang pangalan nun?"
"Alcantara lang naalala ko eh" sagot ni Andrei.
"Oo yun si Ms. Alcantara. Dapat second warning na niya nung sinapal niya si Third eh"
Nakakapagtaka lang kasi lahat naman ng may ginawang masama sa kanya, binibigyan niya agad ng warning card. Kahit nga matapunan mo lang siya ng juice sa uniform nang hindi sinasadya o kahit yung pa harang harang ka sa dinadaanan niya, may warning ka na agad na matatanggap. Pero yung kahapon, nganga!
"Hmm oo nga nuh" see? Nag tataka din si Andrei.
"Ah alam ko na kung bakit!" biglang salita ni Jake sa gitna ng katahimikan.
"Bakit?"
"Kasi dumating si sir kaya nawalan siya ng time na warningan si Ms. Alcantara"
Sabagay may point tong si Jake. Pero pwede naman nung after class diba? Tss.
"Anong ganap?"
Nabigla naman ako sa pag sasalita ni Third. Nandito na pala siya. Narinig kaya niya ang usapan namin? Patay!
"K-kanina ka pa diyan?" nauutal ako sa kaba.
"Hindi kararating ko lang. Bakit?"
"Eh kasi tong si Nico, nag tataka kung bakit hindi mo binigyan ng warning card si Ms. Alcantara kahapon"
Ay bwisit talaga tong si Andrei! Napaka daldal.
"Ah yun ba? Oo nga nuh! I forgot tsk"
Ah so nakalimutan niya ba talaga? Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala. Sa lahat ng bagay, ang pag bibigay ng warning ang hindi niya nakakalimutan.
"Tara basket!" pag iiba ko ng topic.
"Tara!"
Nag si sakayan na agad kami sa kanya kanya naming sasakyan at nag drive patungo sa school. Mas trip namin na dun nalang mag basketball kasi mas komportable kami dun at yun ang pinaka malapit na court na maaari naming mapag laruan.
Larong laro na kami. Nakapang basketball na attire na kami at dala ko na din ang bola. Kaso may nag lalaro pala ng volleyball sa court.
"Next time nalang tayo mag laro" tss masyadong mabait itong si Jake.
"Magagawan yan ng paraan. Diba August?" ngumiti naman si Third.
Kinuha niya sa akin ang bola at pumunta sa gitna ng court.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.