AUGUSTUS THIRD LOPEZ' POV
"Hoy pre san ka ba napadpad kahapon after class? hindi ka na namin nakita eh" nag tatakang tanong ni Andrei.
"Oo nga bro where have you been? hindi na tuloy tayo nakapag jam sa tambayan" isa pa tong si Nico, puro tanong.
"Wait, wait! Pwede ba tama na muna tanong? paupuin niyo muna ako" eh paano ba naman kasi, pag kadating ko dito sa classroom eh puro satsat na nila ang sumalubong sa akin tss.
Naupo na ako at humingang malalim. Nanatiling nakatikom ang bibig ko at halata naman sa mga mukha nilang hinihintay nila akong mag salita. Sa totoo lang, nag-iisip ako ng idadahilan. Alam kong part ng warning yung kahapon pero kung iisipin, gusto ko lang talaga makita at makasama si Samantha. Cheesy right? pero kahit ako, hindi maipaliwanag ang lahat ng ito.
"Hoooyyyy August! ok ka lang?!"
Nawala ako sa pag-iisip ng malalim nang mabingi ako sa boses ni Jake.
"Wow Jake, marunong ka pala manigaw no?"
"Ayy sorry boss, nadala lang hahaha"
Huminga ako ng malalim at nag simula nang mag paliwanag.
"So ayun nga, after class I went to the plaza for my blog"
"And?" tanong ni Nico na hindi sang-ayon sa paliwanag ko.
"I needed a personal photographer so I took this advantage to make Samantha suffer as also part of the warning"
"Ow really? bakit di mo kami sinama bro?" Jake asked.
"Oo nga! I think it would be fun kung nandun kami" dagdag ni Andrei.
I can't think of excuses pero ayoko lang talaga sila isama because they could ruin everything.
Flashback...
After ng pictorial ko sa plaza, niyaya ko muna si Samantha na kumain. Mukhang napagod siya sa kakakuha ng magagandang shots sa akin para sa sinasabi kong blog. To be honest, wala naman talaga akong blog kasi hindi naman ako blogger. At kung kailangan ko man ng photographer for awesome pictures, I could hire a professional one. Pero hindi ko na talaga alam mga pinag-gagawa ko lately. Sobrang ubelievable na gagawin ko itong lahat just to be with her like, HELLO I'M AUGUSTUS THIRD LOPEZ pero nawawala ako pagdating sa kanya.
"Bakit?"
Nabalik ako sa realidad nang bigla nalang siyang nag tanong.
"Anong bakit?" nag tataka kong tanong.
"You don't need to treat me. I mean, why are you being nice? eh its part of the warning kaya ok lang, hindi naman ako makakapalag"
I don't know what to answer to her. She's right! Why am I being like this? Eh kung sabagay, kahit ako, hindi ko rin alam.
"It's just because I'm nice for today" what?! ano ba itong pinagsasabi ko?
Inilayo ko ang tingin ko pagkasabi ko noon, nakakahiya eh. Bigla naman siyang humalakhak ng malakas.
"What's funny?"
"May mood ka din pala ng pagiging nice no! HAHAHAHAA"
my ghad she's so damn cute when laughing! wait, what? noooo, stop it third.
"Yeah so treasure it while it lasts" yun nalang ang nasabi ko.

YOU ARE READING
Love Warning
FanfictionThis story is inspired by the official MV of Love Warning by Third of Kamikaze. He says: "Once you've been warned, wala ka nang kawala." She says: "If the place is jungle, well, I'm the tiger." WARNING: MAIINLOVE KA SA ISTORYANG ITO. March 7 2017