MARIA SAMANTHA ALCANTARA'S POV
"Huy ikaw na"
Nabalik ako sa realidad nang sabihan ako ng kaklase ko sa likod ng pila. Nag re-register kami ngayon para sa nalalapit na year end party ng academic year na ito. Akalain mo iyon, nakatagal ako ng isang taon?
Hindi ko rin namalayan yung bilis ng panahon. Parang kahapon lang nang pumasok ako sa academy na ito at na warningan. Teka, speaking of warning, medyo nabawasan na yung bigat ng mga consequences ko. At si August? Ayun, weird pa din. Madalas nang ttrip ng gang niya, pero minsan talaga parang ibang tao pag nakikitungo sa akin. I'm still confused though. Paano kung totoong may gusto siya sa akin gaya ng sinabi ni Karyl? Pero imposible yun, diba?
"Sana okay ka pa" sabi ng estudyanteng nasa likuran ko
"Ha?"
Ngayon ko lang na realize na kanina pa pala ako nakatayo lang ditto at hindi pa rin na fill-upan ang form hay nakakahiya. Nagmadali nalang akong fill-upan ito. Pero laking gulat ko nang pag lingat ko, parang mga bulang napawid yung mga estudyanteng kanina pang nakapila.
Hindi ako nagkamali, sila nga. Ang EZ warning gang. Unti unti silang lumalapit sa kinaroroonan ko, malamang mag fill-up ang mga ito. Pero ako? Naiwang nakatayo dito. Hindi pa rin naaalis ang titig sa lalaking nasa gitna nilang lahat. Matangkad, masasabi kong may kapogian nga, at sobrang seryoso ng mga mata.
"Is this freeze? hahahaha"
Nawala ako sa pagkakatulala ko nang magsalita na ang isa sa kanila. Rinig ko ang tawanan nila, maliban sa isa na tila seryoso pa rin talaga. Akmang kikilos na ako paalis sa kinatatayuan ko nang bigla siyang mag salita.
"Are you done already?"
Nanlaki ang mga mata ko at hindi kaagad naka sagot. Kung anong gulat ko, ganun na rin ang mga ka gang niya pati na rin ang mga estudyanteng nasa paligid.
"A-ako?" Nauutal kong tanong.
Hindi na siya sumagot at itinabi akong tuluyan gamit lamang ang kanyang mga kamay. Ito ang sinasabi kong he's being "weird." Ngayon lang nangyaring sobrang naguguluhan ako sa mga ikinikilos niya. Alam niyo yung hindi mala bad boy at meron ding parang soft side? Ahh basta! Hindi ko gets.
AUGUSTUS THIRD LOPEZ' POV
"You okay bro?" tanong ni Jake.
Actually, sa totoo lang. Hindi ko rin alam. I'm so confused. Ngayon lang ako nagging ganito sa tanang buhay ko. Imagine, I'm Augustus Third Lopez leader ng isang gang, mayaman, Malaki ang share sa academy, kinatatakutan at inaadmire ng lahat. Pero pag dating kay Samantha, I feel nothing. I'm feel like a shit. Like wala ako ma prove.
"Pag sinabi ko bang hindi, maniniwala kayo?" I said with a serious tone
Nagtinginan sila na tila ba hindi rin alam ang isasagot. Minsan nadidismaya din ako sa mga ito eh, parang hindi talaga kilala buong pagkatao ko tss. Pero sabagay gaya nga ng sinabi ko, ngayong lang ako nagkaganito.
"Oo naman. What are warning gang for? Diba"
Nabasag ang katahimikan nang mag salita si Jake. Wow! I just didn't expect that from him. I mean bihira lang talaga to mag salita pero may sense lagi. Binaling ko ang tingin ko kila Nico, at Andrei na nag nod bilang pag agree kay Jake.
Huminga akong malalim at umayos ng sa pagkakaupo bago nagsalita.
"I have a lot in my mind recently. But I guess this isn't the right time to tell it to you guys. Give me some time. I just need to figure out something."
Nagulat ako kasi bigla nila akong pinagyayakap tss gayshit talaga mga ito. Pero thankful talaga ako sa samahang meron kami. I could say solid talaga mga ito.
"Bro, kung ano man yan nandito lang kami. Kahit di mo ma voice out" sabi ni Nico.
"Tama tama! At dahil dyan, pa burger ka naman!" tss kahit kalian talaga itong si Andrei puro pagkain at libre nasa isip.
"Oo nga. Burger! Burger! Burger!!" pag gatong pa nung dalawa.
"Eh ano pa nga ba. Let's go"
NICO ANGELO VALDEZ' POV
We already sensed August's problem dati pa. I mean na hindi siya okay. Simula nung lagi nang weird ang pagkilos niya. Ang kaso nga lang, hindi naming alam ang reason kaya hindi rin naman kami makatulong. Pero alam ko naman na sapat na yung nandito kami palagi para sa kanya.
Nandito kami ngayon sa isang malapit na fast food chain sa academy. We don't actually eat here. Ito nga ata ang first time. May next class pa kasi kami kaya limited ang time so we decided na sa malapit lang. We already seated and thought of our orders. Tumingin lang kami kay August.
"What?!" pagsusungit niya.
Ngumiti lang kami at alam na niya ang minimean namin. Nasanay kasi kami na kung sino ang may treat, siya na rin ang mag order hahahah oh diba slavery na ata ito joke. Wala siyang choice kaya tumayo na siya at nagiwan lang sa amin ng death glare.
Habang wala siya ay hindi naming maiwasang pagusapan siya syempre.
"Sa tingin niyo about saan problem ni August?" tanong ni Andrei.
Kahit ako personally, wala akong maisip na posibleng maging problema nito. Sa tagal naming magkakaibigan, dalawa lang naging problema niya. Una about sa mom niya. Pangalawa..
"Lovelife?"
Nagulat sila Jae at Andrei sa nasabi ko na kahit ako nagtaka sa nasabi ko. Pero malay ba namin?
"Imposible. Lagi natin yang kasama si August. Tsaka remember his last? Hindi naging maganda. Baka masaktan lang ulit yan." point taken Andrei.
Napahinto kami sa pagkukwentuhan nang sabihan kami ni Jake na ibaling ang tingin sa kinaroroonan ni August. Nagtatrabaho pala dito si Samantha bilang part time.
"I guess she's the reason why" napaisip kami sa sinabi ni Jake. Si Samantha? Ang mortal na kaaway ni August sa Kamikaze Academy? No way.
"Paano mo naman nasabi Jake?" Nagtataka kong tanong.
"Look at his eyes. Tignan niyo kung paanong tumitigil yung mundo niya pag nasa harapan na niya si Samantha"
Binaling ko ulit ang tingin ko kay August at parang tama nga itong si Jake. Nagiging mala estatwa at parang unti unting natutunaw itong si August.
"But still, we can't jump into conclusions. Hintayin nalang natin na si August ang mag sabi sa atin what keeps on bothering him."
Tumigil na kami sa kwentuhan dahil pabalik na si August dala dala ang mga orders namin. Pero nagulat nalang kami sa biglang pagbago ng mood niya.
"Let's go. I don't like the vibes here."
Nauna na siyang naglakad palabas at agad naman kaming sumunod. Clueless pa rin sa kakaibang ikinikilos ni August. Kung related man ito kay Samantha, what's with her? Don't tell me na gusto nga siya ni August?
YOU ARE READING
Love Warning
FanfictionThis story is inspired by the official MV of Love Warning by Third of Kamikaze. He says: "Once you've been warned, wala ka nang kawala." She says: "If the place is jungle, well, I'm the tiger." WARNING: MAIINLOVE KA SA ISTORYANG ITO. March 7 2017