MARIA SAMANTHA ALCANTARA'S POV
Monday na naman. Kahit kakasimula palang ng klase para sa taon na ito, nawawalan na agad ako ng ganang pumasok. Ikaw ba naman tong makabanggaan palagi ang gang ni Augustus, idagdag mo pa yung mga classmates at schoolmates ko na fan na fan nila.
Pag pasok na pag pasok ko sa may gate ng school, ang sasama na agad ng mga tingin ng mga estudyante sakin. Hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso nalang sa paglalakad. Dahil sa fourth floor pa ang classroom namin, mahaba habang paglalakad pa ang gagawin ko.
Sa wakas nasa fourth floor na ako! Kaso, pag minamalas ka nga naman talaga oh oh. Natapilok lang naman ako kasi nakaharang yung paa nung isang estudyanteng hindi ko kilala.
"Hindi ka ba marunong tumingin sa dinaraanan mo? Tss"
Aba at siya pa tong galit. Hay nako naman, ang aga aga ganito na agad ang eksena. Ako na nga tong natapilok, ako pa may kasalanan?
"Excuse me! Kasalanan ko bang nakaharang yang paa mong mala uling"
Hindi na ako makapigpigil kaya kung ano ano na ang nasabi ko. Eh totoo naman kasi eh, mala uling naman talaga ang kulay ng paa niya.
Hindi na siya sumagot pero akmang susuntukin na niya ako. Hindi naman ako uurong sa kanya kaya nag ready na din ako para sa self defense.
Lalapit na sana siya kaso biglang may dumating kaya napatigil siya.
"G-Good morning warning August"
Si Augustus lang pala tsk. Bakit siya napahinto? Ganun ba na sobrang makapangyarihan niya ay kailangan na siyang katakutan ng lahat? Tsk. Basta ako, hindi niya ako matatakot. Ayoko lang talaga mawala yung scholarship ko huhu.
"Diba Junior High ka?" tanong ni Augustus.
Bigla namang nataranta yung estudyante.
"O-Opo"
"Then why are you here? Get lost!" pasigaw niyang sinabi.
Kumaripas naman sa pagtakbo yung estudyante.
"And you!" mukhang galit na siya kahit wala pa naman akong ginagawang masama hays.
"What?"
Hindi ko napansing napataas pala ang boses ko. Tumakbo nalang ako papasok ng classroom dahil baka ma warningan na naman ako. Pag nagkataon, third warning ko na and I'm dead.
Naupo na agad ako sa upuan ko. As usual, ako na naman ang pinaguusapan nila. Bulungan dito, bulungan doon. Akala naman nila hindi ko naririnig mga pinagsasabi nila o siguro sadyang nilalakasan nila para marinig ko.
Ang tagal dumating ng teacher namin. Medyo nabobored na ako kaya kinuha ko yung cellphone ko at earphone. Tinodo ko ang volume nito para hindi ko sila marinig. Nakakarindi din kasi mga pinagsasabi nila. Hindi naman nakakatuwa.
"Psst"
"Hoy!"
May kumalabit sa akin kaya tinanggal ko yung earphone ko.
"Ano?"
"Tss. Break na!"
Lumingon ako sa paligid at waaah! Kaming dalawa nalang pala nitong nerd na katabi ko ang nandito. Kung hindi pa ako sinabihan nito, malamang naiwan akong mag isa dito. Nice naman! May mga tao pa pala ditong concern kahit papano.
"Dalian mo! Sabay na tayo"
Kakaiba din itong babaeng ito eh nuh. Hindi maintindihan kung concern ba talaga o ano eh nuh.
YOU ARE READING
Love Warning
FanfictionThis story is inspired by the official MV of Love Warning by Third of Kamikaze. He says: "Once you've been warned, wala ka nang kawala." She says: "If the place is jungle, well, I'm the tiger." WARNING: MAIINLOVE KA SA ISTORYANG ITO. March 7 2017