MARIA SAMANTHA ALCANTARA'S POV
"Siya yung babaeng kumalaban kay warning August diba?"
"Unbelievable! Nagawa niya yun?"
"Oo at may first warning na nga siya"
Okay okay! Ako agad talk of the campus? Ganun ba kabilis kumalat yung virus este balita dito? Eh ang dami palang tsismosa dito. Hindi ko nalang pinansin ang mga babaeng akala mo naman ay kagaganda pwe.
Dumiretso nalang ako sa classroom. Himala ang tahimik nila. Naupo na ako sa upuan ko.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" nag sitawanan silang lahat ng sobrang lakas.
Paano ba naman, may something na sticky akong naupuan. Tatayo na sana ako kaso hindi ako makaalis sa pag kakaupo ko. Bwisit! Glue ata to. Siguro alam nilang lahat na mangyayari ito kaya ang tahimik nila kanina pag pasok ko hays.
"That's it. First warning palang yan. Wait for more"
Pamilyar na boses hmm. Lumingon ako at tama nga ako. Siya nga! Si August tss. Siya ang may pakana nito malamang. Unti unti siyang lumapit sakin. Palapit nang palapit. Hanggang sa halos 1 inch nalang ang pagitan ng mga mukha namin.
"Ang ganda mo dyan. Dyan ka nalang huh" sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko.
Hindi na talaga ako makapag pigil. At dahil malapit lang ang mukha niya sa mukha ko, I slapped his not so charming face. Akala niya hindi ako makakaganti. Hahaha nagkakamali siya. Kahit pa idikit niya buong katawan ko gamit ang glue, makakaganti pa din ako. Maria Samantha Alcantara to eh!
Sa sobrang lakas ng pag kakasampal ko ay napaupo siya. Agad namang lumapit ang mga ka gang niya.
"Okay ka lang August?" sabi nung isa sa kanila.
"Do I look okay? Duh!" Tss bakla eww!
Habang ginagawan ko ng paraan para makaalis ako sa pag kakadikit ko sa upuan ay dumating na ang aming teacher.
"What happened here?!" bigla naman akong tinuro ng mga kaklase ko.
Tss so ako pa sisisihin nila sa nangyari? Hello! Ako yung biktima dito oh!
"Ms. Alcantara go to the guidance office now!"
Wow naman! Guidance agad? Hindi mo pa nga tinatanong kung anong nangyari. Kakaiba din tong teacher naming ito eh. Pero wait, hindi ako papayag na ako lang haha.
"Sir, I know I'm not the only one" pakanta pa ang pag kakasabi ko.
Tumingin ako kay August at bakas na bakas sa kanyang mukha ang pag kainis. This is what you call revenge!
"What do you mean Ms. Alcantara?" slow lang sir? Tss.
"Pupunta lang ako sa guidance office if I'm with Mr. Lopez"
YOU ARE READING
Love Warning
FanfictionThis story is inspired by the official MV of Love Warning by Third of Kamikaze. He says: "Once you've been warned, wala ka nang kawala." She says: "If the place is jungle, well, I'm the tiger." WARNING: MAIINLOVE KA SA ISTORYANG ITO. March 7 2017