Chapter 6- REVENGE

52 3 1
                                    

Revenge

"Gusto kong sabihin sa lahat ng mga kaklase ko na itong lalaking nasa harapan ko ay may malaking kasalanan. Sa sobrang walang awa nya sa mga babae. Sa sobrang kayabangan niya. Hindi nya na alam ang mga ginagawa nya. Hindi na nya nararamdaman yung nararamdaman ng ibang tao."

Yung galit na gusto kong ilabas. Napunta sa patak ng luha mula sa mga mata ko.

"This person killed an innocent girl."

Mahina pero mariin kong sabi habang nakaturo ang hintuturo ko sa kanya.

Nagbulungan ang lahat ng mga kaklase ko. May mga tao na rin na nakasilip sa bintana.

Nakita ko ang gulat sa mga mata niya.

Nagulat ako ng biglang hawakan ako ni Carlos para hatakin palabas pero bumitaw ako. Ngunit hinigit nyang muli ang braso ko paalis.

Hindi ko namalayang nandito na kami sa rooftop ng Demonical Academy.

Patuloy parin ang pagpatak ng mga luha ko.

"What are you talking about?"

Sabi nya.

Humarap ako sa kanya at ngumiti.

"Hindi mo alam kung anong ginawa nyo? You killed an innocent person!"

"What are you talking about?"

"Last year. May nagtransfer dito sa Demonical Academy na isang nerd na babae. She's my cousin. Lagi nyo siyang binubully. Sinasaktan sa ibat ibang parte ng katawan.

Sa araw araw na umuuwi siya sa bahay nya. Lagi na lang siyang madumi. Then we asked her what happened. And she replied "It's nothing. It's just... im so clumsy."

Hindi ako naniwala sa sinasabi nya na kaya lang siya nagkakaganun dahil lampa siya. Hindi yun yung dahilan. Alam kong hindi yun. Kaya i hired a spy for her.

Lahat ng nangyayari sa kanya nalalaman ko. Lahat ng pambababoy nyo sa kanya,ALAM KO LAHAT!"

Nakayuko ngayon si Carlos habang ako ay umiiyak na. Nawalan ako ng lakas na makipag gaguhan at makipag lokohan.

"Ang gawin siyang pancake? Alam ko yun. Ang pasayawin siya sa harap ng madaming tao? Alam ko yun. Ang utos utusan nyo siya? Alam ko din yun. At yung huling araw na sinaktan nyo siya. Sinundan ko siya sa may tunnel habang iika ikang naglalakad. Bigla na lang siyang natumba. Tumakbo papunta sa kanya at nakita kong nagglaslas siya sa pulso nya."

Sabi ko habang galit na galit akong nakatingin sa kanya.

"A-anong ibig mong sabihin? Hindi kami ang may gawa ng laslas nya sa pulso."

"Hindi nga kayo ang may gawa nun. Pero kayo ang nagtulak mismo sa kanya para gawin nya yun sa sarili nya! Dalawang taon nyo siyang ginaganun. Kung nalaman ko lang ng mas maaga... Baka... Baka buhay parin siya hanggang ngayon. Hindi ko ine-expect na aabot siya sa puntong magsu-suicide siya."

"Madi im sorry. We didn't intend to kill anyone."

Hahawakan sana ni Carlos ang braso ko pero napaatras ako.

"Pwede ba?! You already did! Hindi ako papayag na ganun na lang yun. Gaganti ako!"

Sabay pahid ko sa luha ko at ngumiti.

"Prepare for my Revenge."

Sabay alis ko dun.

Dumiretsyo ako sa parking lot at sumakay sa kotse ko.

Napasuntok ako sa manibela sa sobrang galit ko.

"Ugh!!" sabay untog ko ng ulo ko sa manibela.

Huwag kang magaalala Alexandra. Ipaghihiganti kita.

Inayos ko ang sarili ko. Nagretouch at naglipstick ako ng dark red. Tinanggal ko ang eyeglasses ko at sinuot ang contact lense ko.

At dahil tinted tong kotse ko. Na mula sa labas wala ka talagang makikitang kahit na ano.

Kaya napalit ako ng damit.

Naka shorts ako at naka Croptop na fitted. Kaya kitang kita ang pusod ko na may hikaw at ang tattoo sa kamay ko. Naglagay din ako ng eyeliner.

At nagpalit ako ng high heels na kulay black.

Saka ako bumaba ng kotse.

Pagpasok ko nakatingin ang lahat sakin.

Wala akong pakielam at dumiretsyo lang ako sa Cafeteria at dun ko nadatnan si Ree at Rui na nilalapitan ng mga lalaki. As always.

Lumapit ako dun at umupo.

"Luh! Bat ganyan itsura mo?" sabi ni Ree. Ngayon lang kase ako nagganito sa harap nila. Kadalasan kase akong naka jeans at polo o di kaya ay hoody sa harap nila.

"La lang! Trip ko lang."

"Hindi ka ganyan mangtrip Madi." sabi naman ni Rui.

"Tsk." at tinaas ko ang kamay ko.

Oorder ako. Parang restaurant lang kase ito eh. May list of menus may tagakuha ng orders.

"Red tea lang."

Agad namang dumating yung red tea ko.

Nilibot ko ang paningin ko. Nahinto ito sa flatform na may piano.

Ibinaba ko ang red tea ko at tumungo sa flatform.

"Huy! Anong gagawin mo?" sigaw ni Ree.

"Hayaan mo na yan. Kakanta yan!"

Umupo ako at humarap sa may piano.

Sinimulan kong tugtugin ang "Let me be the One"

Habang kumakanta ako nakatuon sa akin ang lahat ng atensyon. At sa pangalawang pagkakataon.

Nakita ko si Carlos na tila manghang manghang nakatingin sa akin.

Napaka misteryoso mong lalaki Carlos Javier.

Nagawa kong sabihin sayo ang lahat ng galit ko. Pakiramdam ko. Kaya kong ibuhos sayo lahat ng lungkot at problema ko. Parang kaya kong magtiwala sayo.

Let me be the one
To break it up
So you won't have to make excuses
We don't need to find a set up where someone win and somone loses

We just have to say
our love was true but it's now become a lie
So im telling you
I love you one last time
And goodbye...

-----------
Please vote and comment...

Thank youuu

FAKE| Lee Sung Kyung | Nam Joo Hyuk | Won HOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon