Chapter 9- Kidnapping

47 2 0
                                    

Kidnapping

"Pardon?"

Hay. Mukang di pa siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Narinig mo naman diba? Wag mo ng ipaulit sakin."

"Tsk. Baka ang ibig mong sabihin sa parents mo nanggaling yung money. Hindi sayo."

Napangisi na lang ako sa kanya.

"Hay. Wala akong parents, and Everything I said is not enough for you to believe me, right?"

"Haha! Kahit anong sabihin mo hindi ako maniniwala dahil mas mayaman parin ako sayo."

Habang nakatingin ako sa kanya may kinuha siya sa shoulder bag nya.

Kinuha nya yung wallet nya.

"Ano. Ipapamuka mo saakin kung gaano kadami yang Credit cards mo?"

At binalibag nya lahat ng laman ng wallet nya. Binalibag nya sakin yung pera at mga cheque nya sama mo narin yung credit cards nya.

"Kunin mo na lahat ng tinapon ko. Sayo na lahat yan. Marami akong pera kaya okay lang na mawalan ng laman wallet ko."

Pakiramdam ko unti unti ng nawawala ang bait ko.

"You."

Sabay turo ko sa kanya.

"I have a name and it's Kendell."

Magagalit na sana ako kaso yung pangalan nya nakakatawa.

"HAHAHA! Omg! Really?! Candle as in kandila?!"

Nagtawanan ang lahat ng nasa paligid.

Inis na inis na siya.

Nagulat ako ng bigla nyang hilahin yung buhok ko.

"Hoy! Sino may sabing pwede mong hawakan yung buhok ko?!"

Pilit kong inaalis yung kamay nya sa buhok ko dahil masakit na yung pagkakahatak nya.

"Tanggalin mo yang kamay mo."

Sabi ko habang nagpipigil pa ako ng galit. Ayoko sa lahat may humahawak sa buhok ko eh.

"Kendell bitawan mo na siya!"
Sabi ni Carlos na hawak hawak ang braso ni Kandila.

"Wag kang makielam kuya!"

Whoah! So galit na siya. At kuya?!

Napapikit na lang ako kase masakit na. Ayokong gumanti no. Patatagalin natin itong away na to.

"Ang sabi ko bitawan mo ang buhok ko kandila!"

Gigil kong sabi.

"Sino may sabing bastusin mo ang pangalan ko?!"

"Bitawan mo sabi ako eh!"

Sa sobrang inis ko hinatak ko bigla yung braso nya at pinilipit iyon sa likod nya.

"Aww! Let me go!"

Nagpupumiglas siya pero hindi ko parin siya pinapakawalan.

"I said let me go!"

"Bakit?! Nung sinabi ko sayo kaninang bitawan mo ako,binitawan mo ba ako?! At saka ayoko talagang gumanti eh. Kaso hindi ako nakapag timpi!"

Nagulat ako ng biglang may humawak sa braso ko.

Pagtingin ko... Ang sama ng tingin sakin ni Forth.

"Let go of her."

At binitawan ko si kandila.

FAKE| Lee Sung Kyung | Nam Joo Hyuk | Won HOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon