Chapter 13- Picture

51 1 0
                                    

Picture

Dahil di pa ako nadi- discharge sa hospital hirap kami sa paghahanap sa ex- girlfriend nya na si Niana.

Pero sa tulong ng mga kaibigan ko. Nalaman nila ang pangalan at cellphone number nya.

Hindi ko alam kung paano nila nahanap yun sa loob lang ng 2 araw.

Habang naka tanaw ako sa kawalan biglang nagring yung phone ko.

Unknown number.

"Ano to? Spam message? Uso pa ba yung mga ganito sa panahon na ito?"

Inoff ko yung phone ko at natulog na lang.

Ree's POV

"Haist! Bakit di nya sinasagot yung tawag ko?!"

Sigaw ko habang gigil na gigil.

Kailangan nyang malaman na nahanap na namin yung bahay ni Niana.

"Puntahan na lang natin siya."

Sabi ni Rui na hanggang ngayon ay nagme make up parin.

"Oh siya puntahan natin. Pag tapos ka ng mag make up. Nahiya ako sayo eh minamadali yata kita, isang oras ka palang nagme make up eh. Tagalan mo pa!"

Inis kong sabi. Alam nya na ibig kong sabihin pag ganun.

"Eto na nga. Tara na! Init ng dugo eh!"

At pinuntahan na namin si Madi.

20 minutes kaming bumyahe at nakarating na kame.

Sumakay na kami ng elevator at pasara na sana iyon kaso may kamay na pumigil doon.

May sumakay na isang lalaki. Nakka cup siya na Black, naka leather jacket na black, naka black na pants, at naka black na sapatos.

Haist... Parehong pareho lang ng porma ni Madisson.

Tinignan ko yung lalaki sa Reflection ng elevator.

Teka... Pamilyar yung muka nya ah. Parang nakita ko na siya dati.

Inisip kong mabuti pero hindi ko matandaan.

Bumukas yung elevator at lumabas na kami. Dun din yung floor na nilabasan nya.

Tumingin ako ulit sa kanya at napatingin siya sakin.

"Oh!" sabi ko pagkatalikod nung lalaki.

Napatingin naman sakin si Rui.

"Bakit?"

Sabi nito na parang interesado sa sasabihin ko.

"Naaalala ko na kung saan ko nakita yung lalaking nakasabay natin kanina sa elevator!"

Tama! Hindi ako pedeng magkamali! Siya ang kasama ni Madi sa picture nya na nakita ko sa bahay nya.

"Diba pumunta tayo sa bahay ni Madi last time? Binuklat ko yung mga drawer nya just for fun. Pero may nakita akong picture na nakaipit sa libro. So kinuha ko, nakita ko si Madi sa picture kasama yung lalaki na yun."

Sabi ko kay Rui.

Nakakapagtaka, bakit hindi namin alam ang tungkol dun. Sino yung lalaki na yun?
.......

Pagkapasok namin sa kwarto ni Madi. Nakita namin si Carlos na naka upo sa sofa at nagce cellphone.

"Alam mo konti na lang lalamunin ka na ng cellphone mo!"

Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Sa tuwing nakakasalubong kase namin to. Walang ibang ginawa kundi magcellphone ng magcellphone.

FAKE| Lee Sung Kyung | Nam Joo Hyuk | Won HOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon