Chapter 7- He's so cruel

52 2 0
                                    

He's so Cruel

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa may hagdan paakyat ng rooftop.

At may hawak akong beer na nasa can.

Yup alam kong bawal. Wala namang masyadong pumupunta dito sa taas eh.

Dumungaw ako sa magandang tanawin.

Binuksan ko yung beer at iminom dito.

"Aray! Tama na nasasaktan na ako!"

Natungo ang atensyon ko sa narinig kong boses ng babae.

Uminom akong muli at naglakad ng madahan at walang ginagawang kahit na anong ingay. Sumilip ako sa may gilid at dun ko nakita ang nakaupong babae na dumudugo ang binti at may pasa ang mga braso.

Habang nandoon din si Forth, Denver at Hanz. Wala doon si Carlos.

Nakita kong may hawak na baseball ball si Forth habang naka upo sa monoblocks.

Tinignan ko kung paano nya batuhin ng malakas ang babae sa kanyang braso.

Habang si hanz at Denver ay nakikitawa lang sa gilid.

Kaya hindi na ako nakapag pigil.

"It looks like your having fun doing that kind of bullshit?"

Naglakad ako habang naka lagay sa bulsa ko ang isa kong kamay.

"I always seeing this kind of situation... Yung may isang leader na nambu bully tapos may dalawang alalay na nakikitawa lang."

Naibato na lang ng malakas ni Forth ang bola sa may sikmura ng babae.

Tumayo ito at lumapit sakin. Sobrang lapit.

"Ano hahalikan mo nanaman ako?"
Sabi ko.

"Nagbabadya pa lang yung mga labi ko."

"Subukan mo lang gawin. At kakagatin ko yang labi mo hanggang sa magdugo yan!"

Nilapit nya yung muka nya sakin.

Palapit..

Ng

Palapit..

At biglang...

"Ugh!" sabay untog ko ng malakas sa noo nya.

"Why did you do that?"

Umiling ako.

"Teka nga..."

At lumapit itong muli sakin.

"Amoy ka beer. Uminom ka?"

At tinaasan ko lang siya ng kilay.

Umalis na ako sa awkward kong pwesto at lumapit sa babae.

"Transferee?" sabi ko habang deretsyo akong nakatingin sa mga mata nyang umiiyak.

Pinagmasdan ko ang muka nya.

Ang maganda nyang muka napuno ng pasa at dugo sa labi.

"T-transferee lang ako, p-pero bakit ginaganito nila ako?"

Hinawi ko yung buhok nya na natatakpan ang kalahati ng muka nya.

At nagulat ako sa nakita ko. Bakat na bakat ang palad na halatang fresh pa sa pagkakasampal.

This is Fucking bullshit!

Kinuha ko yung braso nya at umaray siya dahil siguro mariin ang pagkaka kuha ko.

Napakagat ako sa lower lips ko yung sandamakmak nyang pasa.

Napatingin din ako sa binti nyang may maraming gasgas at pasa.

FAKE| Lee Sung Kyung | Nam Joo Hyuk | Won HOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon