Chapter 12- 2 years ago

48 0 0
                                    

2 years ago with Him

-----------------
Flashback
----------------

Nathaniel Cristobal. My childhood friend, only child siya ng yaya ko. Mula pagkabata siya na ang kasama ko. At dahil only child lang din ako, madalas kaming magkasundo sa lahat ng bagay. Kaya siguro ako hindi girly manamit dahil sa kanya. He thought me everything that only boys doing. Video games,cutting classes, bullying. For others we looks like a thug, a gangster, bully. But for the two of us, we enjoy it.

Hindi siya mayaman. Nagkakilala lang kami dahil nga yaya ko ang mama nya. Most ko kasing mga kaibigan ay puro mayayaman like my family.

Then one time. Umalis sila mommy at Daddy. Nagpunta silang USA for company business.

And they said it'll took a years for them to come back.

1st year college. Akala ko magkakahiwalay na kami dahil malaki na kame at kaya na namin ang sarili namin. So I convinced my father, na i-enroll nya kami sa same university. He agreed.

Then one time habang nakatambay ako sa music studio. He text me.

"Nasan ka?"

Hindi ako nageenglish pag kasama ko siya. Dahil mahihirapan siyang intindihin ako.

"Baket?"

"Nakatambay kana naman dyan sa studio?"

Napangiti ako sasinabi nya. Alam na alam nya talaga kung saan ako pumupunta kapag bored ako.

"Tara dito."

"Bakit?"

"May sasabihin ako."

"Tawagan na lang kita mamaya. Madami akong ginagawa eh. Saka nandito ako sa library."

Nalungkot ako sa sinabi nya. Bakit pag sa iba. Sige agad siya. Pag sakin....

Dahil nainis ako. Tinawagan ko siya.

Medyo nagtagal yung ring pero nasagot nya ren.

"Ano ba yung sasabihin mo?! Nabulabog ko pa yung mga tao sa loob dahil sayo!"

"Ganyan ka ba talaga?! Bakit pag iba nagaaya sayo sige ka kaagad! Tapos pag sakin lagi na lang mamaya. Nagbago ka na! Porket nagka barkada ka na kinalimutan mo na ako. I hate you."

Mangiyak ngiyak ako habang sinasabi ko sa kanya yan.

"I hate you mo muka mo Madisson! Paano kita kinalimutan eh maya't maya kang nagte text at tumatawag saken! At gusto ko lang sabihin na araw araw po tayong magkasama sa bahay nyo! At hoy! Kapag nagugutom ka pag may regla ka kahit hating gabi pumupunta akong seven-eleven para lang ibili ka ng isang galon na ice cream!"

Napangiti na lang ako habang sinasabi nya yun.

"Kapag may sakit kang babae ka, asan ako? Diba nandyan ako sa tabi at inaasikaso kita! Imbis na si Mama yung mag alaga sayo ako tong binubulabog mo sa pagaaral ko!"

"Oo na! Tama na! Hindi na kita hate! Love na kita!"

OMG! Anong sinabi ko?!!

"Intayin mo ako dyan. Paakyat na ako."

"H-hindi! Wag ka ng pumunta! Mag aral ka na lang! Naggi gitara lang naman ako dito eh!"

Rinig ko mula sa kabilang linya yung yapak ng paa nya sa hagdan.

FAKE| Lee Sung Kyung | Nam Joo Hyuk | Won HOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon