Chapter 10- I act strong outside but im fragile and weak inside

43 1 0
                                    

I act strong outside, but im fragile and weak inside

Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar.

Madilim at tanging isang maliit na ilaw lang ang nagbibigay liwanag.

It looks like an abandoned place.

At naka upo ako habang nakatali ang dalawa kong kamay sa likod at ang mga paa ko ay ganun din.

"Who are you?! Why did you do this to me?!"

Ilang segundo akong tumahimik at may naririnig akong yapak ng paa.

Heels. Babae ang naglalakad papunta dito.

"Hi there Madisson!" sigaw ni Kendell habang may kasamang mga armadong lalaki.

"Hello there Kandila!"

At ngumiti ako. Hindi ako pasisindak sa katulad nya.

Lumapit siya sakin. At dun nakita na may hawak siyang baril.

"Mahinhin na babae sa harap ni Forth pero walang hiya pag ako ang kaharap. Tsk. Plasti na kandila!"

Sabay tingin ko ng masama.

Slappp!

Isang malakas na sampal ng baril ang natanggap ko sa kanya.

Muntik na akong mabuwal sa kinauupuan ko.

Tinitigan ko siya ng masama.

"BITCH."

Slappp!

At nakatanggap akong muli ng isang pang malakas na sampal.

"Hoy kandila! Ayokong ikaw ang pumatay sakin! Ipaubaya mo na dun sa gwapo mong alalay yang baril mo. Para pag namatay ako wala ka sa preso nandun ka sa burol ko habang nakatulos!"

Napangisi siya.

"Tsk. Ang lakas din ng loob mong sagutin ako no?"

At kinindatan ko yung alalay nyang gwapo.

"Bakit hindi? Huling sandali ko nalang to kaya susulitin ko na yung pang gagago ko sayo."

At tumawa siya ng malakas at tinutok sakin ang baril.

"Ikasa mo na, nahiya ka pang gago ka!"

Sabi ko habang nakatingin sa baril nya.

Kinasa nya yung baril at lumapit sakin, sabay tutok nya sa noo ko.

"Wait! Wait! Ayokong ikaw ang pumatay sakin! Bigay mo dun sa gwapo."

Sabay nguso ko sa lalaking kinindatan ko kanina.

At tinignan siya ni kandila at sumenyas na pumunta dito.

Kaya lumapit ang lalaki.

Binigay ni kandila yung baril sa lalaki at ninenyasan nya ito na itutok sakin.

Tinitigan ko ng masama yung lalaki.

Nanginginig ang kamay nya na may hawak na baril.

Unti unti siyang lumalayo sakin pero yung tutok ng baril hindi parin nalalayo sa noo ko.

"Hey! What are you doing?! KILL HER!" gigil na sigaw ni Kandila.

Unti unti ko ng natatanggal ang tali sa mga kamay ko. Ngunit hindi ako nagpapahalata.

"Oh! Easy lang kandila! Tine tense mo naman si pogi eh!"

OKAY! Natanggal ko na yung tali. Ang problema ko nalang ay kung paano ko maaalis yung tali sa paa ko.

FAKE| Lee Sung Kyung | Nam Joo Hyuk | Won HOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon