Ch. 01 : The Girl Behind Those Glasses

579 17 10
                                    

Chapter One (no prologue, mahina ako jan)

"Pare chicks ohh," sabi ni Roy sabay siko sa akin. Napalingon naman ako sa sinasabi niya at nakita ko ang isang babae na mag-isang nakaupo sa isa sa mga bench sa quadrangle.

"Eh mukha ngang nerd yan," puna ko. Totoo naman, kasi ang kapal ng frame ng eyeglasses niya tapos nagbabasa pa ng libro, yung damit niya naman ang haba haba. Mukha siyang timang.

"Grabe ka naman, classmate ko yan sa English namin. Maganda naman siya," sagot niya na may pahawak effect pa sa dibdib na parang nasasaktan.

"Oh tapos?"

"Ang pihikan mo, kaya siguro marami kang napapaiyak na babae kasi isang turn off characateristic lang eh bebreakan mo agad nang walang patumpik-tumpik," mahaba niyang sabi. Aba parang pinalalabas niyang playboy ako. Oo marami ako napaiyak pero di ko kasalanan na minahal nila ako. Pwede namang magGf/Bf eh pero di ko sinabing kaiangan magmahalan. Tsk. Loyal naman ako dun sa naging exes ko, di lang seryoso, sapat na yung boyfriend nila ang isang gwapong katulad ko. Magmahal ka naman ng seryoso eh paano kung ikaw yung saktan nung babae? Minus kagwapuhan yun nuh.

"Sermon?" asar kong tanong.

"Kailangan mo talagang baguhin yan, tol. Ikaw din, baka mapangasawa mo sa future eh panget pala as in lahat ng negatives andun sa kanya. Pwede nga mangkukulam na lang ang asawahin mo— Aray!" binatukan ko na. Anu-anong lumalabas sa bibig eh. Tsk, mangkukulam? Gayumahin niya muna ako bago ako mapasakanya, "Gayuma katapat mo pramis!"

"Isa pa tol ha at ingungud-ngod ko yang mukha mo dito sa damo," pagbabanta ko, bigla namanng lumakas yung hangin at medyo nagulo ang buhok ko. Shet! Parang bed hair sa umaga eh.

"Ang cute niya."

"Uy bagay yung kalayat na buhok sa kanya, sexy niyang tingnan."

"Picturan mo dali."

Yan lang ang ilan sa naririnig ko sa palagid namin. Eh sino pa bang tinutukoy nila? Eh di ako. Alangan naman si Roy eh mas gwapo pa ako dito. Napasmirk ako nung naririnig ko yung giggles ng mga babae. Mas lalo akong gumagwapo eh.

Ako nga pala si Michael Andrei Lafayette. One word to describe me - GWAPO. Mayaman naman kami, kami nga ang may-ari nitong school. Ahh ano pa ba, syempre matalino ako, sa sarili kong pananaw. Lahat naman ng tao eh matalino, tanga ka lang kung di ka pa magka-crush sakin at ang bobo mo kung ako ang nakalaban mo sa school na 'to.

"Haay, tol. Di ka talaga mawawalan ng fans noh? Kahit siguro mangulangot ka jan, they will still find it cute," sinamaan ko ng tingin si Roy at nagpeace sign lang siya. Siya nga pala si Roy Mustang este Kevin Roy Marquix. Tunog mayaman ba ang pangalan? Think twice. Mahirap lang sila pero bestfriend ko yan. Hindi siya plastic na gusto lang makipagkaibigan sa akin dahil sa mayaman ako. Tanggap niya nga ang pag-uugali kong mahangin kaya mahal ko yan - as a brother ha hindi yung Bromance. Siya yang nagsisilbi ko ring magulang kasi panay ang sermon sakin tungkol dun sa girlfriend issues.

"Pakyu pre, pati ba pangungulangot ko gagawin ko sa public? Di pa ako nasisiraan ng ulo," tinabig ko siya onti at bigla namang may lumitaw na papel sa harap namin at biglang tinakpan ang pagmumukha ko. Aba! Kanino 'to?

Inalis ko yung papel at tiningnan ito.

His tears?

Yun yung nabasa ko sa may upper center ng papel tapos may mga pangungusap doon na ni-crash out ng ballpen. Parang composition siya ng either poem or song. Di ko na nabasa yung ibang content kasi may biglang tumayo sa harap ko.

"Excuse me po," mahinhin na sabi nung babae. Si nerd to ahh.

"Bakit dadaan ka ba?" pang-iinis ko. Napansin kong nagtwitch yung eyebrows niya and I find it funny.

"Hindi," sagot niya. Wow, parang kanina ang eh may po yung salita niya.

"Teka Melody, anong meron? Eto kasi si Mr. Yabang di nakikipag-usap sa strangers," so Melody pala name niya. Nice pero ..

"Hoy anong yabang ka diyan? Baka gusto mong bangagan kita?" sabihin ba namang mayabang ako sa harap ng babae. Walang laglagan pre!

"Eh, Kev alam ko dito napunta yung papel kanina. Nailipad ng hangin eh," sagot ni Melody.

"Kev? Pft! Ampanget."

Tiningnan ako nung babae as in eye to eye at napalunok ako, ewan ko kung bakit pero nahiya ako bigla. Shet! Ang ganda ng mga mata niya.

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Parang yung ay ewan. Di ko gets eh.. Nagugutom lang siguro ako.

"Papel ba?" tanong ni Roy kay Melody at hindi pinansin yung sinabi ko, "Di ba pre hawak mo yun kanina?"

"Ahh, eto?" sabay pakita nung papel na nantakip ng mukha kanina.

"Kala ko kinain mo na," pang-aasar ni Roy. Ano kala niya sakin? Paper bin?

"Loko!" sabi ko sabay batok. Inilahad ko yung papel kay Melody at nung nahawakan niya na yun eh binawi ko kaagad kaya ayun nadapa siya pero hindi sa harap ko kasi umusod ako agad nung binawi ko yung papel. Napakaclumsy naman nang babaeng to, pwede naman niya bitawan yung papel, nakisama pa sa paghila ko. Tanga talaga.

"Hahaha! Panget ng landing mo!" tatawa tawa kong sinabi habang tinuturo turo siya.

"Nako tol, ang sama mo," sumbat ni Roy tapos tumayo at pumunta sa kinalalagyan ni Melody. Nakalimutan ko alang banggitin na nakaupo kami sa carpeted grass, "Ayos ka lang ba?" Isa pa tong tanga, nadapa na nga yung babae eh itatanong niya pa kung ayos lang.

"Ayos lang ako," sagot ni Melody. Wehh? Di nga?

Tumingin siya sa akin at nakita kong may anong kumikinang sa mata niya na parang there were stray tears on her eyes. Bigla niyang kinuha yung papel saka tumakbo palayo. Hala!

"Teka lang, Ree," tawag ni Roy pero nawala na si Melody sa paningin namin, "Tae ka tol! Kung di lang kita kaibigan eh kanina ka pa napahiga diyan sa damo," sabi niya habang nagkakamot ng ulo.

"Tol," simula ko, iritableng lumingon naman siya sakin sabay upo ulit, "Umiyak ata yun."

"Malamang! Tanga ka ba? Walang ginawa sa'yo yung tao eh, di mo dapat ginawa yun sa kanya," umiling iling siya habang ako, iba talaga ang nararamdaman ko. Parang ang bigat sa dibdib nung nakita kong may luha sa mata niya.

"First time ko, tol."

"Ang?" kunot-noo niyang tanong.

"First time kong makakita ng luha ng isang babaeng hindi ko naging gf o hindi nagtapat sakin," ano ba tong sinasabi ko? Oy Andy, naririnig mo ba yang sarili mo?

"I think you should apologize," napalingon ako kay Roy at seryoso yung mukha niya.

"Pero alam mo namang-"

"Ma-pride ka? Oo alam ko."

"Hindi yu-"

"Yun yun! Takte pre, gusto kitang konsintihin pero pinaiyak mo yung crush ko," huh? Crush niya? Kailan pa? "Wag kang mag-isip ng iba. Crush lang yun wala ng iba." Ahh

Napag-isip isip ko, mali nga yung ginawa ko. Nabored lang siguro ako kaya napagtripan ko si Melody. Hayst. Bakit kailangan pa kasing mag-apologize eh mukha namang matalino yun kaya gets niya nang bored lang ako at di ko yun sinasadya, uhh sadya nga pero aist!

Napasabunot ako ng buhok saka tumayo.

"Una na ako, tapos na vacant ko eh," nagpaalam na ako kay Roy saka umalis at pumunta sa Room 3HQ sa 2nd floor ng building. Madali lang naman puntahan, pinasadya ko talagang ipalipat yung ganapan ng classes ko dito sa second floor kasi ayoko nang masyadong nakakapagod na adventure papunta ng magiging room ko for my subjects.

Nagi-guilty parin ako dun sa nangyari kanina. At another first time yung guilt na pakiramdam na yan. Ang sama ko.

-

-

-

-

-

-

-

This story will be continued when I want to xD Leave your wonderful comments :D

His Tears (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon