Chapter Three
"Oh bakit mukha kang nalugi jan?" salubong sakin ni Roy kinaumagahan, "Parang nanganak eyebags mo, tol."
"Tigilan mo nga ako, Roy. Putol tulog ko," binisita kasi ako ng Melody na yun. Pinapaguilty niya ako eh -_- kaya ayun nagising ako at di na nakatulog ulit.
"Hulaan ko. Multo nasa panaginip mo noh?" pang aasar niya sabay siko sakin.
Multo ba si Melody? Hmm pwede kasi mahaba naman buhok niya tsaka maputi, pwede na siyang Sadako.
"Tigilan mo ko baka maupakan pa ki-"
"Hi Ree good morning!" bati ni Roy sa babaeng kadadaan lang na si Melody, lumingon ito at nginitian si Roy, pagtama ng mata niya sakin eh biglang kumunot yung noo niya. Teka ano bang meron sa mukha ko?
"Walang good sa morning kapag kasama mo yang hunghang, Kev," aba at tinalikuran pa kami.
Humakbang ako at hinablot yung librong dala dala niya. Ewan ko bakit ko yun ginawa kasi dapat braso niya yung hahawakan ko para pigilan siya kaso iba ata ginawa ng kamay ko.
"Bakit mo yan kinuha?" galit na tanong niya sabay hawak dun sa mga libro pero di ko yun binitawan.
"Bakit ba ang laki ng galit mo sakin? Dahil pinahiya kita last day? Sorry na okay? I was about to apologize yesterday pero anong ginawa mo? Aist!" putcha! Anong sinasabi ko?
"Bitiwan mo nga yan," nakipag-agawan siya sakin tapos ayun bigla kong binitawan, napaupo tuloy siya dun sa sahig.
"Tsk, sabi mo kasi bitawan. Bahala ka jan," umalis na ako at sinenyasan ko rin si Roy na umalis na.
Ang labo ng babaeng yun. Buti siya di ko pinatulan yung pagtawag niya sa akin ng hunghang.
"Tol, bakit mo binitawan?"
"Tanga ka ba o sadyang bingi ka lang? Sinabi niyang bitawan eh, sinunod ka lang."
"Ibang klase ka talaga."
"Ano ibig sabihin mong ibang klase? Klase ng specie?"
"Corny mo, tol," nagpatuloy na kami sa paglalakad. Lumingon pa ulit si Roy sa likod. Alam kong gusto niya yun balikan para tulungan, "Bilis naman niyang nawala."
"Yun na nga," pagsang-ayon ko sabay balik sa paglalakad nang nakabangga ko si Oliver. Ang malas naman ng araw ko.
"Tingnan mo yung dinadaanan mo, pre," bungad niya na ikinasama ng tingin ko ng tingin.
"Unang una, ikaw dapat ang tumabi, kalaki mong tao di mo makita mga tao sa harap mo. Pangalawa," tinap ko yung balikat niya, "Huwag mo akong tawaging pre kasi hindi ako nagnininong sa kaninumang anak," lalagpasan ko na sana siya nang bigla siyang nagsalita.
"Malakas lang loob mo dahil kayo ang may-ari ng paaralang ito. Ang totoo, manok ka!" Nagulat ako sa sinabi niya kaya hinarap ko siya. Aba! Sa gwapo kong to? Manok? Bulag ba siya?
"Ikaw! Basketball player na parang poste, di ko gusto yang tabas ng dila mo."
"Poste? Nagpapatawa ka ba, Lafayette? Ano tawag mo sa height mo? Mas matangkad pa nga siguro yung kapatid kong babae eh," sabi niya tapos nagtawanan sila ng mga alipores niya. Uupakan ko na 'to ehh.
"Tama na yan, Andrei," pagpigil ni Roy. Napansin kong pumapalibot na rin yung mga estudyante samin, "Masisira pangalan mo kapag pinatulan mo yan," pabulong niyang sabi. Putcha! Kung di lang din talaga maimpluwensiya tong unggoy na to eh kanina pa siya jan nakipaghalikan sa sahig.
"Alagad ni Lafayette, wag ka ngang mangialam!" sabat nung isang kasama ni gago, "Epal ka eh, kunwari ka pang kaibigan eh pera lang habol mo sa kanya," tumahimik ang mga tao sa paligid, maski ako di ko alam anong sasabihin ko dun. Pero kailangan kong ipagtanggol ang kaibigan ko.
Handa na sana akong bigyan siya ng leksyon pero may di akong inaasahan na gagawin ni Roy.
"T@ngina!" nagpunas ng dugo niya sa labi yung lalaking sinuntok ni Roy, "T@ng-"
"Daig mo pa ang babae kung makatalak, yung totoo..." lumapit si Roy sa nakaupong alipores ni gagOliver at saka ito kinwelyuhan. Nagulat ako sa ginawang yun ni Roy dahil isa siya sa mga taong kilala kong kalmado, "nakakain ka ba ng pwet ng manok?"
*silence*
"HAHAHAHA!" di ko napigilang di tumawa kasama nung ibang estudyante. "Hanep, tol. Ganda ng punch line mo, nanununtok."
Binitiwan na ni Roy si alipores at lumapit sakin.
"Brofist," ayun ng brofist kami sabay apir. Nakita kong nanggagalaiti sa galit si alipores at yung gagOliver. Teka, bakit kanina pa tahimik tong gago?
Nilapitan ko si Oliver na siyang ipinagtaka niya. Kinuha ko yung wallet ko sa bulsa saka bumunot ng isang libo. Ipinatong ko yun sa palad niya na ikinagulat niya.
"Kailangan mo yan, GagOliver," kumunot yung noo niya at tiningnan ako ng masama. Akmang ibabalik niya yung isang libo kaya ikinuyom ko yung kamao niya para mahigpit yung pagkakahawak niya dun, "Pambili mo ng isang kilong pwet ng manok para naman sa susunod nating pagkikita, ikaw naman yung tatalak," tinalikuran ko na sila saka umalis kasama si Roy. Narinig ko pang nagmura yung unggoy at yung mga nakapaligid samin eh nagsipalakpakan, mukhang pabor sakin yung madla ahh, "Ano ba yan, wala na nga binatbat sa kagwapuhan ko, pati man-to-man confrontation lulit parin," patawa kong sabi, "Ibang klase ka rin pala, tol."
"Di ko napigilan eh," kibit balikat niyang sabi, "Patok yung pwet ng manok di ba?"
"Haha! Oo eh. Saan mo napulot yun?"
"Narinig ko lang kay tatay, binanggit niya eh yung sermon ng sermon si nanay. Laughtrip noh?"
"Sabi mo pa!" Nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa room namin, classmate kami eh.
Pagpasok namin eh natigilan ang lahat. Nagtaka naman ako bakit ganun ang nangyari. Nagsibalikan din sila sa mga upuan nila at biglang tumahimik ung klase.
"Tol, horror ba yung mukha ko?" tanong ko nang hindi nililingon si Roy.
"Pwede pero mas matakot ka siguro sa taong nasa likod mo," sagot niya saka ko siya nilingon.
"Ano?" biglang may tinuro si Roy sa likod kaya sinundan ko yun.
Anak Ng! Nanlaki yung mata ko sa taong nasa likod namin.
"ANONG GINAGAWA MO DITO?"
-ends-
Sensya if late ako mag-update. On the spot ko to ginagawa kaya nahihirapan ako :D Busy rin ako sa school kaya lipad ang isip ko para gumawa ng next scene. Sana nagustuhan niyo tong chapter na to kahit maigsi lang :)
Belated HAPPY VALENTINES PALA SA LAHAT :)

BINABASA MO ANG
His Tears (On Hold)
Teen FictionHe makes girls cry. He never had a serious relationship. Paano kung nakaramdam na siya ng true love? Will he have the guts to tell what he feel? And by the time he would experience the feeling of being hurt, would a tear fall from his eyes?