Ch. 02 : Eavesdrop

186 14 0
                                    

Chapter Two

"Mr. Lafayette!" napatayo agad ako dun sa tawag ni Mr. Reyes. Nagspace-out na naman ako! Huling klase ko na to ngayong araw pero di ako nakikinig dahil sa letcheng guilt na yan, "Do you agree with me?"

Ano bang sinabi niya? Aist bahala na nga.

"Yes, sir!" sagot ko. Tumaas naman yung isang kilay niya bago ako pinaupo.

Hinintay kong matapos yung klase kasi may plano akong hanapin si Melody, ang problema lang eh di ko alam saan siya hahanapin eh pati schedule nun di ko alam.

Bobo! Eh di tanungin mo si Roy, sigurado naman atang alam niya surname ni Melody, saka ko hahanapin dun sa Administration Building pag alam ko na. Talino mo talaga, Andy.

-

-

-

-

-

-

"Pre, ano na?"

"Teka lang, di ko maalala maayos ehh," nako! mag-aalas sais na ohh, "Pwedeng bukas na lang yan?"

"No way! Mamaya na ako mag-iisip ng plano paano ko gagawi yunh apologizing na yan," sabi ko at isang ngisi ang natanggap ko mula sa unggoy na to.

"Crush mo noh?"

"Ulul! Magsosorry lang, crush agad? Nagi-guilty lang ako," depensa ko. Totoo naman ah. Nakangisi parin siya sa akin, "Hoy tigil tigilan mo ako ha, kung ayaw mong ipaTarpoulin ko yung picture mong nakabrief brief lang."

"G@go! Kala ko ba binura mo na yun?"

"Gago ka pa! Naniwala ka naman?" kumunot yung noo niya at ilang sandali ay natawa na kaming dalawa, "Tama na nga, may English ba kayo bukas?"

"Oo, baket?"

"Tawagan mo ako kapag andun na siya sa room niyo."

"Di ba pwedeng itext na lang? Gastos pa pang tawag eh!"

"Gago, alam mo namang di ako nagbabasa ng text. Ako na bahala, basta tawagan mo ako," kinalkal ko yung cellphone ko, "Oh anjan na"

Kinuha niya yung cellphone niya at kinalkal din yun, nanlaki yung mata niya at tiningnan ako ng masama

"Tsk, 1000 load? Loko ka! Magkakautang na naman ako sa'yo," sabi niya habang pakita nung confirmation message ng 2916 sakin. Putcha, alam kong pinasahan ko siya load bakit papakita niya pa yan?

"Hayaan mo na yan, basta bukas ha!" narinig ko na yung busina ng kotse namin sa di kalayuan kaya nagpaalam na ako kay Roy. Pinilit ko pa nga siyang sumabay kaso ayaw eh. Tigas ng ulo pero ang laking manok. Matagal na kaming magkaibigan pero ayaw talaga niyang nililibre ko siya o kaya'y isama siya ng sakay sa kotse.

Bukas, magsosorry ako. Madali lang naman yun, sabihin ko lang yung word tapos alis. Effortless lang kaya kaya na to.

-

-

-

-

-

-

-

Kinabukasan ..

"Putcha pre! Bakit di mo sinabing nasa 4th floor yung room niyo?"

(Di mo naman tinanong)

Andito ako ngayon sa may harap ng building habang nakatingala at sinasamaan ng tingin si Roy na nasa 4th floor. Hindi kami nagsisigawan ha dahil tinawagan niya ako para sabihing andun na si Ree - nickname ni Melody.

His Tears (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon