CHAPTER SIX
Minsan, kahit magkaibigan kayo, may mga times na kailangan mong magtago ng sikreto. Wala nang kaso yun sakin, naiintindihan ko itong dalawa. Iba lang talaga kinikilos ni Shin simula kanina at nababanas na ako sa kakasulyap niya sa direksyon ko.
"Ano ba, tol? Nababakla ka na ba sakin? Bakit panay sulyap mo?" inis na tanong ko kay Shin.
"Wala, tol. Wala," sagot niya, "Kailangan kong makausap si Andrea."
"At kailan pa kayo nagsimulang maging close nun?"
Lulubus-lubusin ko na ang pag-absent ko. Tutal, pa-5th class na rin naman. Kung tatanungin mo ako, malamang nababagabag parin ako sa ikinilos ni Melody kanina. Sino bang hindi? Umiba yung aura niya, hindi naman siya supernatural pero ibang iba. Bigla ring sumakit yung ulo ko kanina sa hindi maipaliwanag na dahilan.
"Last year, nagkasabay sila nung pinsan kong si Marie sa fashion designing class nila, kaya ayun," kalmadong sagot niya habang nagkibit balikat.
"Tch, dakilang feeling close na kapatid. Nahiya ako sa kilos niya," bulong ko sa sarili ko.
"Ganun talaga. Mabait naman ate mo kaya worth ang time kong makipag-usap," komento niya. Aba aba, kala ko ba snob 'to sa mga babae.
"Buti at di mo sinapak dahil nakipag-close sa'yo. At para may alam ka, hindi yun mabait, alam mo naman napagdaanan ko sa kanya 'di ba? Traydoran ba 'to, tol?" tumawa lang siya ng mahina.
"Ugok, syempre, people change."
"Sus, sabihin mo lng kung crush mo yun at isusumbong kita kay Melody," napatigil siya sa paglalakad, yung mukha niya parang nakakita ng multo. Hinayaan ko na lang siya, "Tsk, saang lupalop kaya pumunta si Roy?" kanina kasi nung umalis si Melody, bigla rin siyang umalis, nanipa pa nga ng ligaw na bato.
Ilang sandali pa at bumalik na sa katinuan si Shin. Mukha siyang engot na estatwa kanina.
"Malamang, kung saan mag-isa siya," walang ka-ekspresyong ekpresyon niyang sagot. Namilosopo pa, pero bat biglang umiba mood niya?
"Oi, Shin. 'Di naman ako sumbungero kaya hindi kita isusumbong kay Melody," paninigurado ko, "Tinamaan ka dun?"
"Tss, shut up, Lafayette."
Kabagot kasama 'tong si Shin eh. Ang daling magswitch ng mood. Daig pa ang babae.
Nagpaalam siyang pupuntahan si Andrea kaya naiwan akong mag-isa. Hindi ko alam saan ako pupunta. Alam ko namang Wednesday ngayon at may practice ang basketball team. Hindi lang ako handa. Pati, hindi ako ang kusang pupunta doon, kung utos man ng director na mapasok ako sa team na yun, eh sila ang dapat lumapit sa akin.
Naglakad lakad ako sa campus. Matagal tagal na rin nung 'di ako nakapamasyal dito.
"Hi Andy," bati ni.. sino ba 'to? "Ako to, si Bea. Ex mo."
"Ahh, Bea. Beatrice!" kumunot yung noo nung Bea. Eh malay ko bang magkaiba yun.
"It's a different person," ani niya, "Anyway, may party later sa house. My parents are there, invite sana kita as my-"
"Boyfriend?" pinutol ko na yung sasabihin niya. Alam ko na yun eh, ilang beses na akong naka-encounter ng ganitong tagpo, "Alam mo, Lea-" kumunot na naman noo niya, nagmukha na naman siyang gorilla na laging may mga linya sa noo. Aba at pumatol pala ako sa panget. Swerte niya naman.
"It's Bea," pagkokorek niya.
"Yeah, whatever, Thea," nainis na siya. Lumaki butas ng ilong eh. Nakakakilabot namang isiping naging ex ko ang isang 'to, "I don't do formalities at alam kong alam mo yun. Shinota lang kita dahil wala akong magawa. Wag kang assuming," nangingilid na yung mga luha niya. Ay tae, mas pumanget, pwede bang sipain ang isang 'to nang mawala na sa paningin ko?

BINABASA MO ANG
His Tears (On Hold)
Fiksi RemajaHe makes girls cry. He never had a serious relationship. Paano kung nakaramdam na siya ng true love? Will he have the guts to tell what he feel? And by the time he would experience the feeling of being hurt, would a tear fall from his eyes?