Ch. 05 : Revelations; Melody's Mask

165 9 5
                                    

CHAPTER FIVE

"Hoy, Shin," tawag ko, bored na lumingon naman siya sakin.

"Oh?" tsk. Boses niya pa lang nababanas na ako.

"May split personality ka ba?"

"Wala. Bakit mo natanong? Interesado ka ba sakin?" sabay akbay sakin. Itinulak ko nga. Nasa hallway pa naman kami.

"Hoy gago. Umayos ka nga," bakla neto. Bubugbugin ko na ito ehh. Bwisit.

"Away na naman kayo, tulad parin ng dati," pansin ni Roy sabay tawa. Isa pa to, sasapatusin ko na 'tong dalawa eh.

"Malayo pa ba?" tanong ni Shin. Papunta kasi kami sa swimming club. Nagmamadaling makita magiging team mates niya eh. Tss, kabanas talaga tuwing naaalala kong alis nako sa grupo.

"Malayo kung iisipin mong ganun," sagot ko sabay patuloy na naglakad.

Nakita kong maraming nakatingin sa amin. Hula ko karamihan 'to kay Shin.

"Anong tinitingin tingin nila?" inis na bulong niya. At dahil conceited ako, di ako papayag na ganun.

"Sakin nakatingin ang mga yan, panget," inakbayan na naman niya ako sabay tinuro turo yung sintido ko, "Hoy, tatamaan ka talaga sakin."

"Alam mo, Andrei. Okay lang umaming talo ka," sabay kutos sakin. Sinamaan ko siya ng tingin tapos pinat niya yung ulo ko.

"Potek! Di ako aso, Reiss!"

"Tama na yan, may dumarating na mga chix ohh," singit ni Roy. Awtomatiko namang umayos kaming dalawa ni Shin.

"Excuse me, artista ka po ba?" tanong nung nakapig tail na babae kay Shin. Sige, sige, wala ako dito.

"Hindi," tipid na sagot niya tapos naunang naglakad samin. Anong problema nun? Tinignan ko yung mga babae na lumapit samin, mukha rin naman silang nagulat.

"Lokong yun," bulong ko, "Nagmamadali kami mga miss."

Sinundan namin si Shin hanggang sa naabutan namin siya. Kibit balikat siyang nagpatuloy sa paglalakad nang di kami pinapansin.

"Trip mo ba yun o sadyang di ka parin nagbabago?" tanong ko.

"Girls are annoying," sabi niya, "And I don't like the attentions they were giving me."

"Nasa Pinas ka tol, magtagalog ka naman," pagpalaalala ni Roy.

Galit si Shin sa mga babae. At tulad ko, problema din sa pamilya. Niloko kasi ng ermats niya yung erpats niya kaya etong si Shin eh nangakong hindi mahuhulog kahit sa sinong babae, ganun din panata ko, pero di tulad niya, napapasaya ko pa yung mga babae. Lumuluha nga lang sila sa huli, tulad ng sinabi ko, di ko na kasalanan yun.

"Ayaw mo nun, dagdag pogi points may sumusunod sayong babae," sakaling magbago yung pananaw niya. Conceited din 'to, pero nakatago. Kami lang tatlo ang nakakaalam kung gaano ito kayabang kung walang ibang tao.

"Alam kong gwapo ako, at di na yun kailangang patunayan gamit ang pagpapasunod ng babae," nagpatuloy kami sa paglalakad, "Tsaka, Andrei, yung kagwapuhan ko, to the highest level na, kaya di ko na kailangan ng points na tinutukoy mo," lumingon siya sa samin sabay ngisi. Sabi ko sa inyo eh, ang yabang eh kamukha niya lang paa ko.

Lumiko kami kasabay naman ng pagiging witness namin sa isang insidente. Di naman insidente. Di ko lang alam kung anong salita ang dapat dun.

"Lumanding na naman siya," bulong ni Roy, sabay takbo dun sa natumbang si Melody. Here comes hero boy ang tema niya eh.

His Tears (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon