CHAPTER SEVEN
Shin Kurt's POV
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Amnesia?
"Selective amnesia, Shin," sagot ni Roy. Napaupo ako sa damo at saka tumungo. Gulat ako sa mga nalaman ko. Kaya nga ba wala siyang reaksyon kanina dahil wala talaga siyang maalala? Ngunit, bakit si Melody lang ang di niya maalala?
"Ginagago mo ba ako, Roy?" tiningnan ko ng masama si Roy na siyang taimtim na nakatingin sa malayo.
"Shin, yun lang ang alam ko," sagot niya. Ikinuyom ko ang aking mga kamao.
"Kailangan tong malaman ni Melody," ani ko at saka tumayo. Nagulat na lang ako nang tumayo rin si Roy at hinawakan ang balikat ko.
"Tol, wag," sabi niya. Seryoso lang siyang nakatingin sakin. Hinawakan ko ang braso niya at saka inalis ang pagkakahawak niya sa balikat ko.
"Naririnig mo ba yang sarili mo?" naaawa man ako sinapit ni Andy, mas nangingibabaw parin ang katotohanang si Melody ang nasasaktan sa sikretong ito na wala siyang kaalam-alam, "Gusto mo bang patuloy na maghirap si Melody?"
"Mas masasaktan lang si Ree," kinwelyuhan ko siya pero hindi parin nagbabago yung ekspresyon ng mukha niya, "Ayokong malaman niyang 'di siya naaalala ng taong mahal niya, mas masakit yun. Ayoko ring makita siyang ipagpilitan ang sarili niya sa taong di natin alam kung makakaalala pa."
Binitiwan ko siya at saka napasabunot ng buhok. Litong lito na ako sa sitwasyon.
"Anong gusto mong mangyari?" tanong ko, "Just look at what's happening! Nahihirapan na yung tao, Roy. Mananahimik ka lang ba?" hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako, "Pare, kaibigan nating dalawa si Melody, hahayaan mo lang bang ganito?"
"At kaibigan din nating pareho si Andy."
"Kung naduduwag ka, huwag mo akong idamay. Gaano ba kahirap sabihin ang totoo?"
Tahimik ang buong paligid. Nagbuntong-hininga si Roy at muling tiningnan ako ng seryoso.
"Sinabi ko ito sayo dahil kaibigan kita. Masakit din saakin ang maglihim kay Ree, pero wala akong magawa. Duwag ako, oo. Pero malaki ang utang na loob ko sa pamilya nina Andy.
Pinakiusapan din ako ni Andrea na huwag ito ipaalam kahit kanino."
Dahil magkaibigan? Tsk. Kung bakit kailangang pumagitna ng salitang yan.
"May magagawa ka," wika ko.
"Sa tingin mo ba, sasaya si Ree kapag nalaman niyang di siya maalala ni Andy?" napa-isip ako sa sinabi niya. Kung sakaling malalaman nga ni Melody, anong gagawin niya? Anong magiging reaksyon niya? "Shin, minsan, may mga bagay na tinatago para sa ikabubuti ng iba. Di na kita pipigilan kung sasabihin mo man ang totoo kay Melody o hindi."
"8pm, condo ni Andy," sambit ko saka umalis na sa lugar na iyon. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon kong manahimik na lang. Gustuhin ko mang agawin si Melody kay Andy, di ko naman magagawa yun dahil lang sa walang maalala yung lalakeng yun. Hahayaan ko na lamang na ganito. Kapag masyado nang nahihirapan si Melody, saka na ako gagawa ng paraan para malaman niya ang totoo.
MICHAEL ANDREI'S POV
"Akala ko di ka na makakarating, tol," bati ko sa kadarating lang na si Shin. Kanina pa dumating si Roy na mukhang problemado, "Alas nuebe na. Ang alam kong sabi ni Roy na usapan niyo ay otso."
"Ang bida, laging huli dumadating," pumasok na siya sa loob saka tumingin sa paligid, "Gara ng condo tol."
Kibit balikat akong ngumisi sa kanya.
"Gwapo ng may-ari eh, syempre dapat magara ang condo," sagot ko.
"Yabang," nauna na akong pumunta sa may mesa dahil mukhang naaliw pa yung loko sa kakatingin sa may lagayan ng mga alak. Nakatitig lang naman sa inumin niya si Roy, "Andy, bakit may mga wine kang koleksyon dito?" lumakad na si Shin sa kinaroroonan namin at naupo sa kabilang sofa.
"Para sa mga bebot na may datung yan," sagot ko at saka tu-make ng shot sa botelya ng beer. Napansin kong nag-iba yung ekspresyon ng mukha ni Shin, "Kung natatae ka, andun yung CR sa may kanan ng ikatlong kwarto, tapos yung may silver na hawakan."
"Ulul! Di lang talaga ako makapaniwala na ang laki ng pinagbago mo," sagot niya at saka binuksan yung bote ng beer na di pa nabubuksan, "Ibig sabihin, nakapag-make-out ka na sa mga babae sa sofang ito?"
"Tingin mo?"
Tinapunan niya ako ng chicharon.
"Hoy, gayshit! Bakit tinapunan mo ako ng popcorn?" singhal ko.
"Cassanova? Dude, ang tunay na lalake, naghihintay," sagot niya. Kumuha din ako ng chicharon at saka hinagis sa kanya.
"Gago, old style. Modern time na ngayon."
"Wala kang pinagkaiba sa slut."
Tumawa ako at inihagis yung bote ng mineral water na may laman. Nasalo niya naman ito.
"Nanay mo yun," kumunot yung noo niya.
"Wala akong nanay, gago!" akmang ihahagis niya pabalik yung bote nang nagsalita si Roy.
"Alam niyo," lumingon kami ni Shin sa kanya na sa wakas, umimik din, "May problema ako."
Tinamaan na siguro etong si Roy, nakayakap na sa unan ng sofa eh, Indian style pa yung pagkakaupo niya.
"Hahaha, alaws na," komento ko. Tahimik lang si Shin, "Ano ba yun?"
"May mahal kasi ako," simula ni Roy. Nakinig lang kami, "Simula nung High School pa kami."
"Wow. Tagal naman niyan?" sambit ko habang nagsisiksik ng chibog sa bibig. Ngumiti lang si Roy habang nakakatitig sa bote niya.
"Bestfriend ko yun," pagpapatuloy niya. Nagpakawala ng mabigat na paghinga si Shin at saka uminom ng beer, "Pero mahal niya yung bestfriend kong lalake," nabigla na lang ako ng may tumulong luha sa mga mata ni Roy. Di na ako nagkomento. Seryoso siya dito at nirerespeto ko yun, "Ako naging tulay nilang dalawa," napansin kong humigpit ang pagkakahawak ni Roy sa bote niya, ganun din si Shin, "Naging sila. Ang saya nila nun, tol. Sa sobrang saya, parang di na sila mapaghihiwalay."
Sa hindi maipaliwanag na dahilan eh sumikip yung dibdib ko.
"Pero may nangyari," kasunod na sabi niya, "Nawala yung lalake, naiwan yung babaeng mahal ko."
Bakit biglang nakaramdam ako ng kaba? Na parang may kung ano sa sinasabi ni Roy na kailangang pakinggan ko ng mabuti?
"Kukuha lang akong beer sa ref," tumayo ako at tinungo ang ref. Napahinto lang ako nang marinig kong muling nagsalita si Roy. Hindi ko alam kung bakit, ngunit nung marinig ko iyon, may part sa sarili kong nais alamin kung sino ang tinutukoy ni Roy.
"Sa muling pagbalik nung lalake ngunit hindi niya na kilala yung babae. Ang masakit dun, patuloy paring umaasa yung taong mahal ko, na sana sila parin sa huli."
-
-
-
-
-
-
A/N : yaho! pasensya na at maigsi ang update.. ang hirap kaya magtype sa cellphone lalo na kung di android (sorry, poorita lang ang author nito kaya hanggang ngayon di parin nakakabili ng bagong cellphone)
unang una, may mga dahilan ako kung bakit madalang na lang akong mag-update *Nanakawan ako ng android na cp (kung saan ako nagtatype ng update) *Busy po sa school kaya walang time mag-isip ng ia-update *Nanlalabo na mata ko kaya laging away from any gadget
anyway .. back to the story
nabanggit ko sa pinost ko sa facebook na short story lang ito kaya mamadaliin ko na yung revelations.. kung kakayanin man ng powers ko, sa revision ko na lang dadagdagan.. nagreresearch parin din ako about Selective Amnesia, baka magtatanong na lang din ako sa mga Psych/Nursing students or mga doctor para mas dagdag info xD
pasensya na talaga, motivated naman ako pero sadyang pinagkakaitan ako ng oras ..
read, enjoy, comment and vote (kung nais) -KimChii10

BINABASA MO ANG
His Tears (On Hold)
Novela JuvenilHe makes girls cry. He never had a serious relationship. Paano kung nakaramdam na siya ng true love? Will he have the guts to tell what he feel? And by the time he would experience the feeling of being hurt, would a tear fall from his eyes?