Ch. 04 : His Sister, His Nightmare

125 9 0
                                    

CHAPTER FOUR

Alam mo yung akala mo okay na. Akala mo tapos na ang paghihirap mo. Yung akala mong di na babalik ay bumalik para guluhin na naman ang buhay mo.

Eto oh. Nasa harap ko siya ngayon. Ang taong nagbigay sakin ng ibang pananaw sa mundo. Ang taong kailanman ay di ko matatanggap sa buhay ko na ng dahil sa kanya kaya ayaw kong seryosohin ang pakikipagrelasyon ko. Nang dahil sa kanya kaya lumaki akong ginustong makitang umiiyak ang mga babaeng nakakasalamuha ko.

"ANONG GINAGAWA MO DITO?" tanong ko na batid sa mukha ko ang inis, galit at pagkamunghi sa taong nasa harap ko.

"Ganyan mo ba batiin ang kapatid mo, Andy?"

"Kahit kailan hindi kita tinuring na kapatid, Andrea," Oo. Ang taong tinutukoy ay mismong kapatid ko. Mapait na nakaraan ang naranasan ko nung magkasama pa kami sa bahay. Mayaman kami, may mga katulong pero ako ang inuutusan niyang gumawa ng mga gawain. Di ko alam kung may galit ba siya sa akin o sadyang ayaw niyang matamasa ko ang paghahari-harian sa bahay.

Umexit na si Roy at umupo sa kanyang upuan. Tae! Iwan ba naman ako.

"Tch," lalabas na sana ako pero naalala kong may itinanong nga pala ako, "Hoy babae, ano nga ba ginagawa mo dito? Akala ko ba nasa France ka?" Potek! Bakit parang ang casual ng tono ng tanong ko? Galit ako. Galit

"Pinamamahala sakin ni dad ang school," straight-faced paring nakatingin ako sa kanya, "Ako ang bagong director slash president dito," ANO? "I was checking if the students are in their rooms at inuna ko itong icheck knowing that you were always cutting your classes."

"Pwede ba? May isip na ang mga tao sa school na to. Unlike you in the past. Mas mature na ang mga college students ngayon at isa pa, di mo ako ganoon kakilala," sagot ko. Nagulat naman siya tapos sinamaan ako ng tingin.

"I don't like the way you said those lines, Mr. Lafayette," sambit niya. Napascoff ako sabay tingin sa kanya, yung tinging kay tagal ko ng gustong ipakita sa kanya.

Kunot-noo akong lumapit sa kanya, 3 years ko na pala siyang di nakita at sa tatlong taon na yon, ibinaon ko sa isip kong ayaw ko na siyang makita.

"I am not going to follow the likes of you, Ms. Lafayette," nagtitigan lang kami tapos may asungot na sumingit.

"Andy, pinapatawag ka ni coach," Ayos, di ko makikita itong witch na to.

"Excuse me? But tell your coach that I'm still talking to him," singit ng witch. Peste lang!

"Mas importante naman ang sasabihin ni coach kaysa sa walang kwenta mong sinasabi," at boom! I received a slap. Admit kong I deserve that slap di ko lang tanggap na ginawa niya yun sa harap ng mga kaklase ko.

"An-" pinutol ko ang sasabihin niya saka hinawakan ko yung pisngi ko na natamaan ng malabasag pangang sampal niya.

"Don't apologize kasi di rin naman kita mapapatawad," sabi ko saka umalis kasama nung team mate ko sa swimming team. Narinig kong tinawag niya ako pero sobra na yung drama namin sa room at ayoko nun. Ang storyang ito ay hindi drama kundi comedy kaya di ko hahayaang magkatagpo ang landas naming dalawa dahil baka maulit na naman yung sagutan namin at seryoso. Gusto kong suntukin siya para siya naman yung pagtawanan kong umiiyak pero di ko magawa. Di naman kasi ako nanununtok ng babae ehh. Sus, magiging girl's enemy #1 pa ako.

"Captain, sino yun?"

"Di ko kilala," bored kong sagot. Nakikichismis pa tong team mate ko.

"Eh parang kilala mo, sinampal ka nga pero di mo pinatulan," mabugbog ko na talaga to. Matanong talaga.

"Kailan ka pa naging madaldal, Josh?" tanong ko saka siya tumahimik na lang. Buti yun kasi ayaw kong makipag-usap ngayon kahit kanino.

His Tears (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon