Chap. 14 : Bittersweet

63 1 0
                                    

14: Bittersweet

SUNSHINE'S POV

Alam niyo yung feeling na mareject,mapagiwanan,makalimutan? Kasi ako palagi ko 'yang nararamdaman.Napaka unfair ng mundo noh? Mabait naman akong bata ah.Nagdadasal naman ako.Pero bat ganun? Quotang quota na 'ko sa mga problema.

Tangina,nakakasawa na.Nakakasawang umiyak,nakakasawang manahimik.Kahit minsan,di ako naglabas ng hinanakit sa iba.'Yong kay Baekhyun? Aksidente lang yun.Nakakahiya nga eh.

Si Kuya Niko.Tuwing naalala ko siya.Nagiiba emosyon ko.Nagiging malungkot,balisa.Mga ganon.Sobrang close kasi namin dati.Pero simula noong mag high school siya,wala na.Nag seminaryo kasi siya non.Kaya minsan na lang siya umuwi.Tuwing weekends na lang.Dagdag mo pa ang pagkakaroon niya ng girfriend.

Haay.Nakakatanga noh?

Eto na naman ako sa rooftop ng SM.Nagiisa,nagsesenti,kayo na mag describe.Tinatamad ako eh.

At si daddy.Isa pa yon.Kahit kailan,hindi niya ko nayakap,nakamusta o pinagbigyan ng atensyon.Minsan nga,naisip ko,totoong anak ba ko? May birth certificate naman ako at nakalagay don na ama ko siya.

Kahit kailan,hindi ko naramdaman na ama ko siya.Ang bittersweet ng buhay ko.Natupad nga yung pangarap ko na mapunta sa SM,may family problems naman ako.Wala nga talagang perfect sa mundo.Si Lord lang.

Makababa na nga lang sa training room.Mamaya,mabaliw na naman sila sa kahahanap sakin eh.

---

NINA'S POV

Naglalaro ako ng flappybird dito sa traing room nang bumukas ang pinto.Inangat ko ang tingin ko at nakita ko ang best actress in town. -_-

"Annyeonghaseyo,Sistar!!" masaya niyang sabi habang lumalapit sa'kin.

"Ohh! Flappybird.Palaro ako." at hinablot na nga niya ang Ipad ko.Ang ganda.Hindi pa ko umo-oo eh.

Tinitignan ko lang siya habang naglalaro dito sa harap ko.Nakakaawa naman 'tong sistar ko.Kahit ganyan yan,alam kong may problema 'yang tinatago.Base sa mga kilos niya,halatang malungkot siya eh.Yung mga ngiti niya,hindi umaabot sa mata.Yung tawa niya,halatang pilit.Tapos minsan mahuhuli ko na lang siyang nakatulala.Pag tinatanong ko kung anong problema,sasabihin niya lang ..

"Problema? Ansinasabi mo diyan? Wala kaya."

Ganyan lang palagi ang sinasagot niya.Natatanga na nga 'ko kakaisip kung anong problema niya eh. Eh andito na nga kami,trainees na kami ng SM. 'We're living the dream' ika nga ni Lauren.Ano pang iniisip niya? Hay nako. Itong kapatid ko talaga,masyadong secretive.

Pero alam niyo,minsan nahuli ko yan si Sunshine.Umiiyak sa kwarto habang nakatingin sa kawalan.Yayayain ko sana siyang manood ng movie non kaso naabutan ko siya,yun nga,umiiyak.Hindi ko nalang tinanong kung bakit at iniwan ko na siya mag-isa non.Pero bago ko tuluyang maisara yung pinto ng kwarto niya,narinig ko siyang nagsalita ng "Kuya".

----

BELLA'S POV

Jongina,ang heavy ng atmosphere dito sa training room! Nakita ko si Nina,nakatingin lang kay Sunshine na busy sa paglalaro ng flappybird.Kahit ako,feel ko rin na may problema ang baby araw namin.Di ko lang matanong kasi,ayoko manghimasok.Kasi malay mo,too personal.

At dahil hindi ko ma-take ang situation ngayon,tinext ko na lang itong dalawang nasa tabi ko.

"To: Pat,Lauren

Labas tayo.Amboring eh ..

*sent*

Ahehe.Tumunog yung phone nung dalawa.Nagkatinginan kaming tatlo at nag tanguan.And we do the grand exit.

When you smile, Sunshine.  (EXO fanfic) [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon