32: Love at first sight?
AUTHOR'S POV
Kakadating lang ng EXO galing sa 3-day concert nila dito sa Korea.Lahat sila ay pagod at halos mga wala pang tulog dahil sa trabaho.
"Waah! Sa wakas natapos din!" -Chanyeol
"Ang sakit ng katawan ko!" -Chen
"Napaos ako,grabe!" -Kyungsoo
"Kamusta na kaya sila Sunshine?" -Baekhyun
Maingay na dumiretso ang EXO sa kanilang practice room.Tatambay muna sila doon since kakatapos pa lang naman ng concert nila kaya wala pang schedule.
Kaniya-kaniyang mundo ang exo pagkapasok nila sa kwarto nila. May sumalampak sa sahig, nagcharge ng gadget, naghalungkat ng bag, at nagpahinga sa sofa.
"Andiyan kaya sila Pat?" tanong ni Sehun.
"Eh si Sunshine?" dagdag ni Baek.
"Can you knock it off? Ang ingay niyo.Mag pahinga nga muna kayo!" sita ni Kris.Hindi na lamang umimik ang dalawa at nagpatuloy sa mga ginagawa nila.
*Ito talagang si lola Kris, menopausal* isip-isip ni Baek.
*High blood nito!* isip ni Sehun.
"Bisitahin natin sila?" bulong ni Baekhyun kay Sehun para hindi ma istorbo si lolo Kris. "Sige." tipid na sagot ni Sese.
"Teka, sama ako!" singit ni Chanyeol.Napahawak si Baekhyun sa dibdib niya dahil bigla-biglang sumisingit ito sa usapan.
Tahimik na lumabas ang tatlo at tumungo na sa room ng limang trainees. Hindi sila kumatok at basta na lamang binuksan ang pinto dahilan para magulat ang lima.Oo, lima.Kasama si Sunshine.Pero syempre, napanganga lang siya ng konti tapos bumalik na sa dati.
"Annyeong oppas!!" masayang bati nung apat.Binati rin sila ng mga ito.Si Sunshine, ayun nasa sulok nagcecellphone. Ni walang pakialam sa mga bagong dating.
Napansin siya ni Baekhyun kaya nilapitan siya nito. Medyo na-alarma si Sunshine sa presensya ni Baehyun kaya dali-dali siyang tumayo. "Cr lang ako." paalam niya tapos nagmamadaling lumabas ng training room.
"That's...weird." -Baekhyun
Sumali na lamang si Baek sa usapan ng trainees at nila Chanyeol at Sehun.Wala yung dapat kakausapin niya eh, nilayasan siya. Poor Baek~
"Musta concert oppa?" tanong ni Pat kay Sehun.
Masayang sumagot ito."Successful naman."
"Sayang talaga.Dapat talaga manonood ako e." malungkot na sabi ni Lauren.
"Ok lng yun.Mas mahalaga ang maka-debut na kayo." sabi ni Chanyeol tapos nginitian si Lauren dahilan para gumaan na ang pakiramdam nito.
"Asan si Kris oppa?" tanong ni Bella.Nagkatinginan si Chanyeol at Sehun at biglang natawa.
"Yon? Nasa baba.Nagpapahinga, malapit na magmenopause e." matawa-tawang sagot ni Sehun.Napa-pout si Bella.
"Ang daya talaga niya." -Bella
Bumukas yung pinto.At niluwa nito si Sunshine.Dumiretso agad ito sa pwesto niya kanina at muling pinagpatuloy ang ginagawa niya.
Napatingin si Baek kay Sunshine.Nagtataka siya sa biglang pagbago ng kilos nito.Dati kasi, si Shine pa ang unang babati kay Baek at makikipag-usap dito pero ngayon parang invisible nalang siya sa paningin ni Shine.
*Hmph.Bahala siya.Nagtatampo ako* -Baekhyun
"Eh kayo.Musta naman?' tanong ni Yeol.
"Ayun. ayos naman.Naglabas na ata si Mr. Soo-Man ng teaser photos namin e." sagot ni Nina.Tumango-tango yung iba.
"Jinjja? edi ayos! galing niyo talaga!" sabi ni Yeol at isa-isang inapiran yung apat.
Napatingin si Sehun kay Sunshine tapos ibinalik ang tingin kila Pat.
"Magkaaway kayo?"
"Hindi ah.Di nga rin namin alam kung bakit siya ganyan e.Kahapon pa yan." sagot ni Pat.
Lalong naguluhan si Baekhyun.Tumingin siya kay Sunshine at napansin niyang lumuluha ito.Napag-alaman kasi niyang lalong lumala ang sakit ng kuya niya.Nagulat siya kaya agad niyang nilapitan si Sunshine.
"Huy, bakit ka nagdadrama diyan?"
"H-ha? hindi ah. wala." agad pinunasan ni Shine ang mga luhang kumalat sa pisngi niya.Tumayo siya tapos naghanap ng pwedeng gawin para makaiwas kay Baekhyun.
Sakto namang dumating si Ms. Minra.Agad niya itong nilapitan at kinuha ang mga dala nitong documents at folders.
"Ako na po.." sabi niya.Pinigilan siya ni Ms. Minra at pinalitan ang hawak niyang papel.
"Ito dapat ang dalhin mo.Pakibigay nalang kay Ms. Jung.Manager ng BTS." sabi ni Ms. Minra.Tumango si Shine at agad lumabas ng kwarto.
----
Kumatok si Sunshine sa kwarto ng BTS.Agad naman siyang pinagbuksan ng isang member.
"A-annyeonghaseyo.Andiyan po ba ang manager niyo?" tanong ni Shine.
"Ah ne.Pasok ka." sagot ni Jin.
Lihim na napangiti si Sunshine sa hospitality ni Jin.Hindi niya ito kilala pero parang crush niya na ito.
Parang tumigil ang oras noong pumasok si Sunshine.Lahat ng members ng BTS ay napatingin sakanya.Medyo nahiya siya kaya yumuko na lang siya hanggang sa makalapit siya sa Manager nila.
"Hello po.Pinabibigay po ni Ms. Minra sa inyo." inabot niya kay Ms. Jung ang folder na hawak niya.Nagpasalamat si Ms.Jung.Aalis na sana si Sunshine ngunit pinigilan siya ni V.
"W-wait...Anong pangalan mo?" sabi nito.
"Park Sunshine.Sige alis na po ako." sagot ni Shine at tuluyan ng lumabas ng room ng Bts.
Naiwang naka-awang ang bibig ni V.Ngayon lang siya nakakita ng babaeng kasing ganda ni Sunshine.
"Manager noona!" tawag ni V sa manager nila.Liningon naman siya nito.
"We should come here often."
Napangiti si Ms. Jung at ang mga kamiyembro niya sa sinabi ni V.
"Aigoo~ na-love at first sight si V!"

BINABASA MO ANG
When you smile, Sunshine. (EXO fanfic) [editing]
FanfictionThey're just typical fangirls with typical fangirl things --buying stuffs about exo,talking about exo,dreaming about exo.Then one day,out of boredom,they made a cover of exo's song that is fortunately watched by SMent.The company got interested with...