19: Its my turn to cry
SUNSHINE'S POV
Nagising ako sa ingay nung pesteng alarmclock.Tinignan ko yun.Ten A.M na pala.Kahit gusto ko pang matulog,hindi pwede.Kailangan ko na kasing mag-ayos para mamaya.Magcocover ulit kami ng kanta.This time,My turn to cry naman ng exo.I'm so exoited~
Waaaah!
Bumangon ako at nagdasal muna.I asked guidance from God throughout the whole day.Isa yun sa mga pangaral ng mommy ko sa'kin.
"You should pray first when you wake up in the morning and before you sleep at night,anak." sabi niya dati.
Pagkatapos kong magdasal,bumaba na ako para kumain.
Nagulat ako dahil wala si Nina sa sala.Usually kasi,pag bababa ako tuwing umaga,nandoon siya,nanonood.Siguro napuyat kagabi.Mahilig kasi yun mag facebook bago matulog.Weird noh? tch.
At dahil wala pang almusal,nagluto ako.Dinamihan ko na para kay Nina din.Nagluto ako ng bacon at spam.Sarap kaya nun! Haha
Pagkatapos kong kumain,umakyat na ako para maligo.Nakaapak pa nga ako ng isang envelope na may pangalan ni Ms. Minra sa harap.
Pinulot ko iyon at nilagay sa table sa sala.Bubuksan ko sana kaso naalala ko yung pinakulo kong tubig.
Iniwan ko nalang yon doon at pumunta na sa kusina.Baka kumukulo na.
Trip kong magmainit na tubig.Ang lamig kasi ngayon.Mahirap maligo. hahah
Naligo na ako tapos nagbihis.Sa park daw malapit dito ang venue namin.
Nagprotesta pa nga ako kasi paano namin mapapatugtog yung instruments,eh wala namang plug doon.Park nga kasi eh.Sabi naman nila,sila na daw bahala.
Nakasuot ako ng long sleeves na damit tapos skirt na knee length.Nag sandals din ako na black.
Kinuha ko na yung DSLR cam at tripad na gagamitin naming pang-video.Yung ibang instruments,sila na daw magdadala.Oh well,Pabor sakin.Hahaha
Nauna na ko umalis.Di pa daw tapos si Nina magprepare eh.Maglalakad lang ako.Malapit lang naman yun.
Excited ako kasi ngayon na lang rin kami nakapagcover ng kanta.Busy kami sa training eh.Yung last ata na cover namin,last two months pa.
---
MS. MINRA'S POV
Nababaliw na ako sa kakahanap nung envelope na yon!
Haynako! Saan ko ba nalapag yun? Nako naman oh.Di ko pwedeng mawala iyon.Importante ang laman noon.Lalo pa't tungkol sa pag dedebut nung lima ang nakalagay doon.
Oo tama kayo,magdedebut na sila Nina,Sunshine,Pat,Lauren,at Bella.Sabi ni Mr.Lee Soo-Man,after daw ng dalawang buwan,maglalabas na siya ng teaser photos nung lima.
Official na iyon pero di ko pa pinapaalam sa kanila.Kaming dalawa lang ni SooMan ang nakakaalam ng tungkol sa bagay na iyon.Sabi kasi niya,i-announce nalang daw sa birtday ni Shine.Ang thoughtful rin ni Chairman eh noh. :)
Mabalik tayo,SAAN KO BA KASI NILAPAG IYONG LOKONG ENVELOPE NA YON?!
Wala talagang dapat na makaalam tungkol sa bagay na iyon..Malalagot ako kay Soo Man!
Pilit kong inaalala kung saan ko huling nadala ang envelope na iyon.
Isip...
Isip...
Nanlaki yung mata ko.Yung katulad ng mata ni Kyungsoo.
Potahamnida! Naiwan ko sa bahay nila Sunshine! Anakngexo naman oh.Sa lahat ba naman ng pwedeng mapagiwanan ng envelope na iyon,doon pa.Sana walang makabasa non.
BINABASA MO ANG
When you smile, Sunshine. (EXO fanfic) [editing]
FanfictionThey're just typical fangirls with typical fangirl things --buying stuffs about exo,talking about exo,dreaming about exo.Then one day,out of boredom,they made a cover of exo's song that is fortunately watched by SMent.The company got interested with...