13: Problem Solved
3rd Person's POV
"Nakita niyo ba si Sunshine?"
Yan ang tanong na nagpabahala sa apat na dalagang kasalukuyang nagpapahinga mula sa kanilang pag eensayo.
Naalala nilang kanina pa nila hindi nakikita Si Sunshine simula noong magpahinga sila.
"Baka naman nag banyo lang?"sabi ni Bella."Hindi eh.Kanina pa siya wala.Ano yun na-call of nature?"sabi ni Lauren na siya namang ikinatawa ni Pat.At nagtawanan nga silang tatlo."Ano ba? Kita niyong nawawala na nga yung tao! Parang wala kayong pakialam ah!" sabi ni Nina na kinakabahan na rin. "Hindi niyo ba napapansin?! Sobrang iba ang kilos niya nitong mga nakaraang araw.Malungkot siya tapos parang may mabigat na problemang dinadala! Haist,ewan ko!" dagdag pa nito at tila gulong-gulo na.
"Mabuti pa,hanapin na natin siya.Baka naglibot lang yon or kasama ang isang exo member." suhestyon ni Lauren na inaayos ang kanyang damit at lalabas para hanapin si Sunshine. "Tama.Sige,sasama ko sayo Lau."sabi ni Bella na nagaayos na rin.
"Sige.Kayong dalawa,umikot kayo sa building at magtanong-tanong din kayo sa mga staff tapos ako,tatawagan ko ang exo.Arraseo?" sabi ni Eonnie Pat.
Akmang aalis na si Nina pero pinigilan siya ni Pat.
"Nins,wag mo kong iwan dito.Natatakot ako.Jebal!!" sabi ni Pat na nagmamaka-awa na ngayon sa harap ni Nina.
"Oo na.Oo na! Parang mas matanda pa yata 'ko sa'yo eh." inirapan na lamang ni Pat ang dalaga at nagsimula nang tawagan ang isang miyembro ng EXO ----si SeHun.
"hello? Sehun-oppa? pasensiya na po sa istorbo ha.Nakita mo po ba si Sunshine?"
"Hello Pat,mianhae~ di ko pa siya napapansin mula kanina eh." sabi ni Se Hun na ngayon ay nasa cafeteria ng building kasama si Luhan hyung niya. Sa kabila ng problemang kinakaharap nila ngayon,nakuha paring ngumiti ni Pat dahil sa kanyang bias na si Sehun.Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig. Pag-ibig nga ba?
"Ay ganon po ba? sige po,sorry sa abala."
"Wala yon noh! Sige,bye.Ingat palagi." sagot ni Sehun at binaba na ang telepono.
Samantala....
"Yoboseyo?"
"Hello? Chanyeol-oppa? Nakita mo po ba si Sunshine? Kanina pa siya hindi bumabalik sa room namin eh." sabi ni Nina.Naisipan niya kasing tawagan na lang rin ang ibang members dahil wala naman siyang ibang maisip na paraan.
"mmm,Nina? Pasensya ka na pero di ko pa siya nakikita simula kanina.Baka naglibot lang..." sagot ni Chanyeol sa kanya.
"Baka nga po,Oppa.Sige salamat" at binaba na nito ang telepono.
At dahil naka-loudspeaker ang phone ni Chanyeol,narinig ng mga kasama niya sa training room na sina Baekhyun at Lay ang pag-uusap nila ng dalaga.Nagtaka si Baekhyun dahil hindi naman madalas mag gala si Sunshine.Nag-isip siya hanggang sa may pumasok sa isip niya ---ang rooftop.
----
Sa kabilang dako...
Naglalakad ngayon sina Lauren at Bella sa corridor habang nagtatanong-tanong sa mga taong nakakasalubong nila.Kanina pa sila naghahanap sa nawawalang dalaga ngunit hindi pa rin nila ito makita.
"Oh!! Suho-oppa! nakita niyo po ba si Sunshine?" tanong ni Lauren sa nasalubong nilang si Suho.
"Nako,hindi eh.Ikaw,nakita mo ba?" sabi nito sa kasama niyang si Kris. "Hindi ren eh." sagot ni Kris.
BINABASA MO ANG
When you smile, Sunshine. (EXO fanfic) [editing]
FanfictionThey're just typical fangirls with typical fangirl things --buying stuffs about exo,talking about exo,dreaming about exo.Then one day,out of boredom,they made a cover of exo's song that is fortunately watched by SMent.The company got interested with...