28: April Fools
SUNSHINE'S POV
Busy ako sa pagsscroll ng newsfeed ko nang mahagip ng mata ko ang isang update galing sa official page ng EXO.
"EXOfficial: Baekhyun and Kim Taeyeon of SNSD, caught dating." tapos sa baba niyan ay ang picture nila na magkahawak-kamay at nakangiti sa isa't- isa.
Biglang may tumulong luha sa pisngi ko. Shit. Akala ko hindi totoo.Akala ko rumor lang yun.Akala ko gawa-gawa lang yon ng mga fans na mahilig gumawa ng kwento. Pero lahat ng yon, akala ko lang pala.
Umakyat na lang ako sa kwarto ko kesa naman gumawa ako ng eksena sa baba.Ayokong masira yung party.Sayang naman.Dapat masaya ako ngayon e.Sa totoo lang, mas masakit pa yung nakita ko ngayon kesa sa paglihim sa'kin ni kuya.Doble ay hindi.Triple yung sakit na nararamdaman ko.
Akala ko wala na.Akala ko, kapatid na lang ang turing ko sakanya.Pero nung nakita ko yung picture? Tangna, sobrang sakit.Mas masakit pa sa break-up ng magsyota.Eto kase, idol mo siya, fan ka niya.Nagka-girlfriend siya, nasaktan ka.Hindi niya alam.Kumbaga, Fangirl-love. Napatawa ako ng mapait.Ano ba tong sinasabi ko. Fangirl love? Puta, ambaduy.
Napahagulgol na lang ako ng iyak.Sana hindi nila marinig.Wala eh, first love e.
---
PAT'S POV
Teka nga, kanina pa ako nandito sa sala pero hindi ko pa nakikita si Shine.Asan na ba yun? Dapat nandito siya.Party namin 'to e.
Haist! Baka may session sa banyo...magpapakita rin yun mamaya.Hayaan na lang nga.
Hindi ko alam pero may nag-uudyok sakin na tignan yung fb ko kaya kinuha ko yung cellphone ko at nag log-in sa fb.
Nothing new.Mga post lang naman ng friends ko ito ah.Pero bakit kanina,kating-kati ako na mag fb? Weird.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Puta, ANO TO?! BAEKHYUN AND TAEYEON CAUGHT DATING?! HUWAAT?!
Hindi ako makapaniwala.Ayokong maniwala---pero kitang-kita dun sa picture e.Holding hands pa sila.Napailing na lang ako habang nakatitig sa picture nila. Grabe ka Baekhyun.
"Huy! Huy! Pat!" Napabalik ako sa katinuan nung alugin ako ni Nina. "Insan, anyare sayo?" takang tanong niya sakin.
"H-ha?"
"Sabi ko, anong nangyayari sayo? tulala ka diyan sa phone mo oh!"
"Ah w-wala.. wala.Asan nga pala si Sunshine?" kailangan ko siyang puntahan.Baka nakita na niya. Shit.
Hindi ko na hinintay yung sagot ni Nina at agad-agad na akong kumaripas ng takbo paakyat sa kwarto ni Sunshine.Kakatok na sana ako nang marinig ko ang malakas na hagulgol niya.Shit I'm too late.
Pumasok ako sa loob at naabutan ko siyang umiiyak habang nakasandal sa headboard.Agad agad ko siyang nilapitan at niyapos.
"Shhh.Shhh." Niyakap ko siya tapos hinimas ko yung mahaba niyang buhok.Kawawa naman ang baby araw namin.
"May girlfriend na siya.May girlfriend na siya, ate." sabi niya sa pagitan ng mga paghikbi niya.
"Shhh.tahan na.Okay lang yan.Marami pang members ang exo!" pagbibiro ko para gumaan yung pakiramdam niya.Napatawa siya ng konti. "Loko ka, Pat." ngongo na siya.Kanina pa siguro to umiiyak.
"Yah! Pat nanaman ang tawag mo sakin! Aish!"
"Ahehe.Ganun talaga~" tumawa siya tapos humikbi na naman.Aish akala ko okay na e.Umiiyak na naman siya.
"Pat ang sakit eh.Ang sakit-sakit!"
"Shh.Tahan na...hindi naman natin masisisi si Baekhyun oppa, tao lang naman din siya noh.Marunong magmahal.And besides, six years ang tanda sayo ni oppa.Get what I mean?"
tumango naman siya.
Paano kaya kung si Sehun ang magkagirl-friend? Magiging ganito rin kaya ako? Ugh. Di ko ma-imagine.
---
NINA'S POV
Naiwan ni Pat yung phone niya dito sa sofa kaya tinignan ko kung ano yung tinignan niya kanina.
Haha! grabe kinabahan ako dun ah! Akala ko girlfriend na talaga ni Baek oppa si Taeyeon sunbaenim.Pagka scroll ko oh.... "© Jongdae" Hahaha. loko yung admin nun ah. Chineck ko yung mga comments, inedit lang daw yung picture.Infairness, ang daebak ng pagkakaedit.Mukhang totoo e.
April Fools nga pala ngayon noh! Haha! Lumapit ako kay baek tapos pinakita ko yung picture.
"Whatdafck.Hindi ko papatulan yan si Noona! Noona yan eh!" di makapaniwalang sabi ni Baekhyun nung makita niya yung pic.
Yeah right! Wag niya lang subukang patulan yan si Taeyeon kundi pupunuin ko ng eyeliner yung mukha niya! joke.
Asan na ba si Pat at Shine? Kanina pa sila wala ah.Papakita ko dapat sakanila yung pic tapos titignan ko yung reaksyon. Mwahaha! Baka ma-Jongdae! *evil grin*
---
A/N: Trollolol!! Please vote and spread :D (ano toh peanutbutter) haha thankyou! xoxo
BINABASA MO ANG
When you smile, Sunshine. (EXO fanfic) [editing]
FanfictionThey're just typical fangirls with typical fangirl things --buying stuffs about exo,talking about exo,dreaming about exo.Then one day,out of boredom,they made a cover of exo's song that is fortunately watched by SMent.The company got interested with...