BAEKHYUN'S POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw.Teka,asan ba ako?
Minulat ko yung mata ko at nakita ko si Sunshine,nakahiga sa lap ko at mahimbing na natutulog.Ang ganda niya talagang bata.
Nakatulog pala kami dito sa bubong.Grabe kasi yung lamig kagabi.
Ginising ko na si Sunshine.Grabe,ang hirap gisingin! Ang himbing kasi ng tulog eh.Tulo laway pa nga oh.Hahaha! Laughtrip yung mukha.
Maya-maya,nagising na din siya sa wakas.Bumangon siya tapos nag-unat.
Nangalay yung hita ko! Grabe naman kasi tong si Shine eh.Gawin ba namang unan? Amf.
Half-asleep pa rin siya kaya inalalayan ko na.Baka tumumba eh,gumulong pa yan pababa! Hahaha. Ang sama ko.
Inalalayan ko siya hanggang sa baba.Gegewang-gewang pa nga eh.
Maya-maya, nagsalita siya. "Baekhyun-ahhh~ saranghaeyo. Hehe" para siyang lasing.Natatawa na lang ako sa kanya eh.
Inalalayan ko siya hanggang sa kwarto niya.Inihiga ko siya sa kama niya at pinagpatuloy na niya ang kanyang pagtulog.
Bago ako umalis,iniwanan ko siya ng note.
"Shine,bumalik na ko sa dorm ah... Kain ka na pagkagising mo.I had fun last night.Take care. xoxo -Baek oppa"
Nilagay ko yon sa bed table niya tapos tuluyan na akong umalis ng bahay nila.Kailangan ko ng bumalik sa dorm.Baka hinahanap na ako don, alas nuwebe na ng umaga eh.
---
CHANYEOL'S POV
Asan na ba yun si Baekhyun? Hindi siya dito natulog sa dorm.Pati si Sehun.Aba,sinulit ang free day namin ha.
Dapat pupunta ko kahapon sa bahay nila Lauren kaya lang may pinagawa pa si Manager-hyung. Bwiset. Buti pa sila Baek.Haaay.
Biglang bumukas yung pinto.Oh! Andito na pala si Byun Baekhyun.
"Hi Yeol,morning!" bati niya sakin.
"Hi.San ka galing? Hindi ka dito natulog kagabi ah." sabi ko sakanya.
"Hehe.Mianhe! Di ako nakapagpaalam.Dun ako natulog kila Shine." sagot niya at pumunta na sa kusina.
Sus! Kavibes niya talaga yun si Sunshine.Madalas silang magkasama.Sabagay,the feeling is mutual.Bias rin siya ni Shine eh.
Nagseselos na ako ah!!!
Dejoke lang.Close kasi kami niyan ni Baek eh.Tsaka roommates din.Kaya sanay ako sa presence niya.
Tumayo ako at pumunta sa kusina.Nakita ko siya,kumakain ng Bacon. Hahaha. Maasar nga.
"Baek!" tawag ko sakanya.
Tumingin siya sakin."Oh?"
"Bakit mo kinakain 'yang sarili mo?" tanong ko habang nakaturo dun sa bacon. Hahaha!
"Sinabi ng hindi nga ako Bacon! Baekhyun ako! Baekhyun!" nanggagalaiti niyang sabi.Hahaha! Asar na asar kasi yan pag inaasar na bacon eh.
"Joke lang! Ang pikon mo." sabi ko.
"Pssh."
Iniwan ko na siya dun.Kumuha lang ako ng chichirya dun sa cabinet.
Pagkatapos,bumalik na ako sa sala.Manonood na lang ako ng t.v.
Nakita ko si Luhan-hyung nakaupo dun at nanonood.Naunahan ako.Tch!
Umupo din ako at binuksan na iyong chichirya.Napansin naman niya ako.

BINABASA MO ANG
When you smile, Sunshine. (EXO fanfic) [editing]
FanfictieThey're just typical fangirls with typical fangirl things --buying stuffs about exo,talking about exo,dreaming about exo.Then one day,out of boredom,they made a cover of exo's song that is fortunately watched by SMent.The company got interested with...