Chap. 24 : Tada!

53 1 1
                                    

24: Tada!

LAUREN'S POV

"Lau-eonnie,may kasalanan ka sakin." medyo galit na sabi ni Shine.O bket ako? Anong ginawa ko? Non molla! (i dont know!)

"Bwo?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

Nandito kaming lima sa bahay ni Shine.Kakauwi lang namin galing SMent.Nakakapagod grabe! Sana friday na.Huhu! Kaso Monday pa lang eh.

"Bakit mo sinabi kay Yeol oppa na iba na ang bias ko? Yan tuloy kinwento niya kay Baekhyun."sabi niya ng naka pout.

"Bakit? Hindi ba totoo?"tanong ko sakanya.Sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Siyempre Hindi!! Joke ko lang yun eh." sigaw niya. Eh sorry naman.Wala naman siyang sinabing joke lang yon eh.And! uto uto po ako.Hehehe

"Mianhae!" nag peace sign ako sakanya.Napangiti naman siya dahil doon.Wahaha! Kahinaan niya talaga yung aegyo ko eh.

"Ayos na noh! Nakausap ko na siya kanina sa rooftop." masaya niyang sabi.Yung ngiti niya,aabot na sa langit eh.I smell something fishy!

"Bakit ang lawak ng ngiti mo diyan?" tanong ko.Siguro dahil na naman yan kay Baekhyun oppa.Nakooo! Eto talagang si Baby Araw namin! Nagdadalaga na.Umiling iling lang siya habang nakangiti pa rin.

Iniwan ko na siya doon sa sala at dumiretso sa kwarto ni Nina sa taas.Ano kayang ginagawa nun?

Naka-tatlong katok ako bago niya binuksan.Ang haggard niya ha.Anong meron?

"Oh.Lau!" sabi niya pagkabukas niya ng pinto.Pumasok na ako sa loob.Ang linis ng kwarto ni Nina.Lahat ng gamit,organized.Lumapit ako doon sa isang frame na collage ng mga pictures niya at ng Kaisoo.Ang kyoooot!

"Nins,san ka nakapagpagawa ng mga ganito?" tanong ko.

"Ahh..gawa ko lang yan." sabi niya at humiga dun sa kama niya.Talaga?! Ang galing naman.

"Jinjjaro?!"

"Ne." tamad niyang sagot.

"Bakit parang nabagsakan ka ng langit at lupa diyan?" Napatawa siya ng konti.

"Eh kasi eh,hindi ako makakapunta sa concert ng mahal nating exo." sabi niya tapos kunwaring umiyak."Diba kasi,wala na dapat tayong sched sa mga susunod na buwan sabi ni Ms. Minra...eh yung concert nila next month na eh." Tumango-tango ako.Oo nga daw.Bakit kasi natapat pa yung concert ng exo sa important sched namin?! Eottoke?

"Okay lang yan.Siguro naman may mahalagang dahilan kung bakit sinabi ni Ms. Minra iyon noh." umupo ako sa kama niya at hinagod-hagod ko ang likod niya.Pang comfort ba.

Humiga rin ako at dinukot yung phone ko sa bulsa ko.Magiinternet na lang ako.Pampalipas-oras.

Nag log-in ako sa fb.Pagkaopen ko,may new message sa chatbox ko galing kay Jamie.Siya yung school friend ko sa SPES dati.Agad kong binuksan ito.

"Jamie: Lauren! Musta na? San ka na nag high school? Di na tayo nagkausap after nung graduation.Bonding naman tayo oh. :)"

Bigla akong nalungkot.Wala kasing nakakaalam bukod sa mga pamilya namin ng tungkol sa pagiging trainee namin dito sa Korea.Minabuti kasi ng SM na ilihim na lang ito para makaiwas sa issue.

Di ko na lang siguro siya sasagutin.Maiintindihan niya naman ako someday eh.Sana nga lang,mag debut na kami.

Tinignan ko si Nina.Tulog na pala siya.Anong oras na ba? Ah, kaya pala.Nine o'clock na kasi.Makababa na nga lang.

---

BELLA'S POV

Nanonood ako ng M Countdown.Nagpeperform ang exo ngayon ng Growl.Ang galing talaga nila.Walang ka-kupas kupas eh.

"Anong pinapanood mo Bel?" tanong ni Lauren na kakababa lang.Umupo siya sa tabi ko at nakinood rin.Di ko na siya sinagot.Alam na naman niya eh.

"San ka galing?" tanong ko.

"Ah,sa kwarto ni Nina.Tumambay lang saglit."sagot niya.

"Asan si Nins?" Kanina ko pa yun hindi nakikita simula nung umuwi kami dito.

"Ayun.Tulog." Ahhhh.Ang aga naman.Kami ni Lauren kung matulog.. ten o eleven ng gabi eh.Sabagay, puyaterz kami nito eh.Hahaha

"Lupet ng exo oh." comment nito ni Lauren.As always naman.Walang tatalo sa kanila.

"Lau,patawag nga dun sa dalawa." sabi ko.Sama-sama na lang kami dito para masaya.Sayang,tulog na si Nina.

"Sinong dalawa? Si Pat at Shine?" tumango ako.Tumayo na siya at umakyat sa kwarto ni Shine.

Nagpatuloy lang ako sa panonood.Maya-maya,narinig ko na silang bumababa.

Ayan kompleto na kami.Ano bang magandang gawin?

"Hi Bel!" bati nung dalawa sakin.Kumaway naman ako.Umupo si Pat-eonnie sa tabi ko habang yung dalawa naman,umupo sa carpet.

"Uhm,Shine may album ka ba ng exo?" tanong ko kay Sunshine.Liningon naman niya ako at tumango."Pahiram ako.Patugtog tayo tapos food trip."

Matagal na rin namin hindi nagagawa itong ganito.Nakakamiss rin.

"O'sige." sabi niya at kinuha sa Cd rack yung album.Isinalang niya ito sa dvd player.

"Yo! okay! ..."

Nagsimula na tumugtog yung 'Growl'.Nakisabay kami sa pagkanta.Kabisado ko na ito eh.Haha!

"Matagal na rin nating hindi nagagawa to." masayang sabi ni Pat.

"Ne~" pag sang-ayon namin.

Biglang tumayo si Sunshine.San punta nito? Tinignan ko siya.

"Kukuha lang po ako ng pagkain sa kitchen." sabi niya."Yung pang FOOD TRIP." inemphasize pa niya talaga yung food trip.

"Oo na! Shupi!" sabi ni Lauren at kunwaring tinataboy si Shine.Tatawa-tawa siyang naglakad sa kitchen.

Ano kayang ichichibog namin ngayon? :))

---

SUNSHINE'S POV

Kumuha ako ng Tortillos,Piattos,at Lays sa cabinet.Kumuha rin ako ng malaking mangkok tapos sinalin ko lahat 'yon doon.

Magtitimpla rin ako ng ice tea.Favorite namin yun eh.Kasalukuyan akong nagtitimpla nang may marinig akong ingay galing sa labas.May back door kasi dito sa kitchen.Paglabas mo,andoon na yung garden.Noong una,inignore ko lang at hinalo halo na yung iced tea.

Ayan okay na.Kumuha ako ng tray tapos nilagay ko lahat yon doon.Kumuha ako ng mga baso tapos nilagay ko din doon.

Babalik na sana ako sa sala nang may marinig na naman akong ingay galing sa labas. Parang may nag-uusap eh.Shit.Bigla akong kinilabutan!

Nilapag ko muna yung tray sa kitchen counter tapos lumapit ako sa pintong nakabukas.

"May tao ba diyan?" sabi ko.Lumabas ako sa garden tapos nilibot ko yung tingin ko hanggang sa..

"Chanyeol?!"

---

When you smile, Sunshine.  (EXO fanfic) [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon