"AHH! Mamatay ka na! I hate you! Sana mawala ka na sa mundong ibababaw impakto ka! Ampanget mo! Mamatay ka na ngayon na!"
She breathed in deep... saka sumigaw ulit. This time, she picked up some rocks saka ibinato sa bangin. Opo. Bangin. Nakaupo kase kami sa edge ng isang bangin... favorite tambayan namin. Kase kahit sumigaw ka ng sumigaw, walang magagalit sa 'yo.
In this case... sa kanya.
"Ano okay ka na?" tanong ko sa kanya. Tumingin sya sa 'kin. Galit pa rin. Inakbayan ko sya. "Umiyak ka kase ng mawala yan..."
Pinalis nya ang kamay ko. "Ayoko nga! Bakit ko sya iiyakan?! Hello! Kung ayaw nya na sa 'kin eh di 'wag! Hindi naman ako ang nawalan kundi sya! Sa ganda kong 'to, ipinagpalit nya pa 'ko?! At sa mukha pang butiki! Fine! Mahilig pala sya sa mga mukhang animal... eh di dun sya!"
I gave out a laugh. At dahil dun, nag-glare na naman sya. I held up my hand. "Whoa. Sorry. Natawa lang ako sa sinabi mo."
"Tulak kita dyan eh," sabi nya ng nakasimangot.
"Subukan mo lang ng mawalan ka ng gwapong best friend," natatawa kong sabi sa kanya. She crossed her arms.
"Tseh!"
"Umuwi na kase tayo. Gabing gabi na oh." Mag-aalas-dyes na kase. Apat na oras na ata kami dito. Kase kanina, bigla-bigla nya 'kong tinawagan. Sobrang galit ng boses nya kaya alam ko agad na boyfriend nya na naman ang dahilan. Kaya dito kami nagpunta. Tatalon daw sya eh. Kaso natakot.
"Eeee... ayoko umuwi sa 'min."
"Bakit na naman?" Ano yun, pati sa bahay may problema pa rin?
Sumandal sya sa balikat ko saka yumakap sa bewang ko. "Ayoko dun... nag-aaway na naman sina mama."
I brushed her hair then kissed the top of it. Hmmm... kabango talaga ng best friend ko. "So anong plano mo?"
Tumingala sya. "Sa inyo na lang ako."
"Neh hindi kami evacuation center."
Dumila sya with a matching crinkle of nose. Ang cute... Saka sya sumimangot. "Sige na... Kahit sa sala nyo lang ako matulog. Sige na...." pagpapaawa nya.
Alam naman nyang papayag ako kahit anong tanggi ko eh. I sighed. "Sige na nga."
At dahil dun ngumiti na sya. Sa sobrang ngiti nya para lang syang batang binigyan ng imported chocolates. "Yan naman eh... kaya mahal kita eh."
I love you too, sagot agad ng puso ko.
"Sus. Nambola pa."
"Hindi nga... I love you talaga best friend..." Siniksik na naman nya yung ulo nya sa may kili-kili ko.
"Oo alam ko. Tara na, inaantok na 'ko."
"Okay!" She said enthusiastically. Ako muna ang unang tumayo saka ko sya itinayo at sumakay na kami ng kotse. Ako ang driver, syempre. Habang ako nag-da-drive, kumapit sya sa braso ko at sumandal sa balikat ko. Maya-maya, tulog na sya..
Ngalay na ngalay na ang balikat ko pero bakit naman ako magrereklamo? Kung para naman sa ikaliligaya ng mahal ko eh... kahit ipaputol ko pa ang balikat ko ayos lang.
Pumara na 'ko sa tapat ng bahay namin pero tulog pa rin sya. Hindi ko na muna sya ginising. Tinitigan ko na lang. Mahirap tsumempo kapag gising sya eh. Baka kung anong isipin. Well, tama naman yung mako-conclude nya pero... ayoko.
Tinapik ko ng mahina yung kabila nyang pisngi. "Issa, gising na."
Umungot sya.
"Oy mahal kong best friend... bumangon ka na. Nandito na tayo..."
BINABASA MO ANG
I Got You (Revised)
RomanceAh... friends. It's nice to have them around but what if you started to fall for one? At hindi lang basta friend.. kundi best friend? Tapos ang turing sa 'yo eh kaibigan lang... makakatagal ka kaya... even when they get married to someone else?