Hindi na 'ko umaasang mapapansin nya na 'ko after nyang makipag-break dun sa last boyfriend nya. Kase, ang lagay eh hahanap lang sya ng panibago.
Syempre hindi ako yun.
"San na naman ba tayo pupunta?"
"Maghahanap ng mabo-boyfriend!"
I looked sternly at her. Di ba pwedeng ako na lang? Ang dali-dali ko na ngang hanapin. Hindi na nga ako nagtatago para makita mo agad eh...
"Di ba pwedeng pahinga muna?" tanong ko sa kanya.
"Ayoko. Di ako sanay."
"Batukan kaya kita? Hindi naman tatakbo yang mga lalaking yan eh.."
Nag-pout sya. "Hindi nga tumatakbo, nagta-transform naman."
Bigla akong natawa sa sinabi nya. Come to think of it, parang karamihan na ng mga lalaki ngayon eh appearance na lang ang lalaki.
"O 'wag kang tumawa. Baka isa ka na dun." nakasimangot nyang sabi.
"Hindi noh. Madaming iiyak 'pag nagkataon." nakangiti kong sabi. Hinding-hindi ako magiging bading. May mahal ako eh..
"Psh. Madami daw."
"Talaga lang! Hindi mo ba pansin na gwapong-gwapo 'tong best friend mo?" Nag-po-pose pa 'ko para matawa sya. But my efforts are to no avail.
"Eh bakit hindi ka mag-girlfriend kung talaga?"
Natigilan ako sa sinabi nya at napaseryoso. "Bakit? Gusto mo ba?"
"Syempre ayoko. Akin ka lang eh," sagot nya naman.
"Napaka-selfish mo talaga," nasabi ko bigla. Pabiro lang pero may konting katotohanan. Dati kase... nasubukan ko ng magka-girlfriend. Ilang beses na nga... pero hindi tumatagal. Ang dahilan? Eh di sya..
Syempre, habang sya may boyfriend, nawawalan na sya ng time sa 'kin. Ayoko namang palagi na lang bumuntot sa kanya kase baka ako pa ang maging dahilan ng pagbibreak nila ng boyfriend nya. So naisip kong manligaw ng iba.
Kaso... tuwing may girlfriend naman ako, parang bigla syang nagpapapansin. Tuwing may date ako for example, saka sya tatawag sa 'kin at magpapasama kung saan. Syempre, sya ang uunahin ko. Mahal ko sya eh.
At yun yung palaging idinadahilan ng mga nagiging girlfriend ko kung bakit sila nakikipaghiwalay sa 'kin. Sabi pa nga nung isa, bakit hindi na lang daw yung best friend ko ang ligawan ko? Tutal din naman, sya palagi ang inuuna ko.
Ang sagot ko? Di pwede. Best friend ko eh.
"Kapag kasal na 'ko... saka ka lang pwedeng mag-girlfriend," sabi nya na nakapagbalik sa 'kin sa present. The thought saddens me pero hindi pwedeng ipakita.
"Ang daya mo naman."
Ngumiti na sya. "Ganun talaga..."
I sighed saka pumasok sa kotse ko. Sumunod naman sya at naupo sa passenger's seat. "San tayo?"
"Let's go clubbing. Parang trip ko sumayaw."
Kumuha ako ng maliit na flash light sa compartment ng kotse ko. Tapos itinaas ko yun at ini-on. "Oh sayaw na. Tugs. Tugs tugs tugs tugs." Saka ko pinaikot-ikot yung flashlight para gumalaw yung ilaw. Natawa sya bigla.
"Adik ka talaga. Cornetto much?"
Pinatay ko yung flashlight at ibinalik sa compartment ko. "Eh bakit pa kase sa club tayo pupunta? Mga party-goers lang ang nagpupunta dun. Wala kang matinong lalaki na mahahanap dun."
"Weh... pano kung meron?" tanong niya.
"Eh pano kung wala?" ganti kong tanong.
She shrugged. "Eh di you can say... I told you so." Ngumiti sya ulit. "Let's go na kase.."
BINABASA MO ANG
I Got You (Revised)
RomanceAh... friends. It's nice to have them around but what if you started to fall for one? At hindi lang basta friend.. kundi best friend? Tapos ang turing sa 'yo eh kaibigan lang... makakatagal ka kaya... even when they get married to someone else?