IGY: Regrets and Realizations[Melissa's POV]

17.2K 702 55
                                    

One o'clock in the afternoon ang flight nya. I still have time to see him off after the wedding. Sasaglit muna ako sa airport pagkatapos ng kasal.

Actually... pwede nga syang pumunta eh. There's still plenty of time. Umaga naman ang kasal ko... pero ayaw nya.

Para tuloy... nagdadalawang-isip ako.

It just... doesn't feel right when he's not around. Even the dress seemed too unlike me. Tama nga sya. Dapat yung isa na lang ang pinili ko. But I never trusted his taste. Kahit saang bagay. Pero mas mahirap aminin sa sarilli ko na palagi syang tama.

Sa lahat ng naging boyfriend ko, may nasabi syang hindi maganda. Noong una, nagagalit ako kase nangengealam sya... pero after sometime, every relationship I've had in the past just seemed to fall out. At palagi syang nandun para damayan ako.

Kay Kian lang sya walang nasabi.

And I was so happy that for the first time, I made something work. And it was all going out well until... well... until last night.

Kagabi... nagtapat sya sa 'kin. And he was saying goodbye at the same time. I wanted so bad to chain him para hindi na sya makaalis ng bansa. I don't know... I just feel so lost without him. Sya lang kase yung tao na nakapagpapangiti sa 'kin sa tuwing malungkot ako.

Sya lang yung for better or worse... laging nandyan. Laging ako ang inuuna. Laging kaligayahan ko ang nasa isip. Laging ako.

Mas mahal nya nga ata ako kesa sa sarili nya eh...

Haaay... eto na naman. Sumasakit na naman ang lalamunan ko kakapigil ng luha. Ang sakit. Parang may malaking bubog na nakabikig sa lalamunan ko.

Hindi ako makahinga...

Hanggang ngayon... hindi ko pa rin maisip kung pano tatakbo ang buhay ko ng wala sya. Parang tanga lang eh noh? Here I am... already getting married... and yet still having second thoughts about the whole thing.

"Melissa?" I heard someone call. Paglingon ko, tuloy-tuloy ng tumula ang luha ko. Si papa, nakatayo sa may pintuan. Nakabihis. Patakbo akong yumakap sa kanya.

"Papa!"

"Tahan na anak. Baka masira yang ayos mo." Pinahid nya ang luha ko.

Pano naman ako hindi iiyak? Eh matapos ang ilang buwan na hindi ko sya nakita, bigla-bigla syang susulpot... tapos sa kasal ko pa? Eh matagal ko ng pangarap na kapag ikakasal ako, he would walk me down the aisle.

Sino ba namang daughter ang hindi nangarap ng ganun di ba?

"Papa kase eh... buti dumating ka!"

Ngumiti si papa sa 'kin. "Actually, gusto ko naman talagang pumunta kaso hindi ko lang magawa dahil alam kong galit sa 'kin ang mama mo."

Umiling ako. Hindi man aminin sa 'kin ni mama, alam kong namimiss nya si papa. Siguro kahit disfunctional marriage lang ang meron sila, sobrang mahal pa rin nila ang isa't isa na mas gusto nilang nasasaktan ng magkasama...

"Eh bakit ka pumunta?"

"Abah syempre! Kasal ng kaisa-isa kong anak eh. Hindi ko nga lang planong ihatid ka sa altar pero sabi ni Andre, malulungkot ka daw kapag hindi ko ginawa yun."

"Nagka-usap kayo pa?"

Tumango si papa. "Kanina lang."

Namilog ang mata ko. "Nandito ba sya?"

Lumungkot ang mukha ni papa saka umiling. "Pinipilit ko sya pero ayaw nya talaga. Hindi nya daw kaya..."

Ayan na naman ang bikig sa lalamunan ko.

I Got You (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon