Shit.
That was my first reaction nung sinabi ni mama hindi pa tapos ang kasal. Akala ko kase tapos na kaya bigla akong tumawag. Kanina pa 'ko sa bahay. Pagkadating ko pa lang ng airport kanina, napaatras ako agad.
Nakakatakot palang lumayo.
And with the prospect of never seeing her again... mas natakot ako. Kaya bumalik ako dun sa taxi na sinakyan ko at pinabalik ko sa bahay. Nagtataka man, sumunod na lang yung driver. Akala ata may nakalimutan lang ako.
But then she said na si Kian at Cynthia daw ang kinakasal. Ang tagal bago nag-sink in sa 'kin. At ang una kong naisip nun eh pano si Issa? Baka umiiyak na naman yun. Mahal nya si Kian eh. She chose him, right?
Saka ko narealize na pano na lang sya kapag wala na 'ko? Kapag nasaktan sya... kanino sya tatakbo? So I went back to the airport. Sabi ni mama nagpunta daw sa airport si Issa. Maybe to seek comfort from me. Tama nga ako, sa akin sya unang tatakbo kapag nasaktan sya.
Pagdating ko naman sa airport, wala sya dun. Nagtanong-tanong ako sa guards. May ilan daw na nakakita ng isang babaeng naka-wedding gown kanina. Tapos umalis na daw.
Nagpunta ako sa bahay nila. Sarado. Walang tao. Where could she be?
And then I remembered. The cliff!
Shit. If she ever tries to jump off that cliff—Arrgh! She can't do that! I stepped on the gas pedal and drove in full speed. Wala pang 10 minutes, nakarating na 'ko. At nakita ko sya, nakatalikod sa 'kin. Veil still intact. Nakatayo sya sa may edge ng bangin. It looks like she was about to jump.
Dali-dali ko syang nilapitan at hinila papunta dun sa safe na lugar.
Umiiyak sya.
I embraced her. So tight na feeling ko hindi na sya makahinga. But she didn't complain. "Sige... iiyak mo lang yan."
"A-Andre..."
"Sssh... he doesn't deserve you."
Kumawala sya sa 'kin. Kunot ang noo nya habang nagpapahid ng luha.
"Sira ulo ka talaga! Ano na naman yang pinagsasasabi mo?" iritado nyang tanong. Nalito ako bigla.
"Umiiyak ka kase iba ang pinakasalan ni Kian, di ba?"
To my surprise, she laughed.
"Ano, nabaliw ka na?" naiinis kong tanong sa kanya. Tss. Dapat kase umattend ako ng kasal nya ng nasuntok ko na yung Kian na yun. How dare he marry someone else?
She stopped laughing and smirked. "Akala mo ba si Kian ang iniiyakan ko?"
Umiling ako. "Ako lang naman ang iniiyakan mo eh. Si Kian... sya yung dahilan.."
"Hindi kaya."
"Ha?"
"I was crying because of you.. stupid," sabi nya sabay poke sa noo ko.
"Ha? Bakit?"
Bigla syang yumakap sa 'kin. "Akala ko kase mawawala ka na talaga..."
Napabuntong-hininga ako. Saka ko hinagod ang likod nya. "Ano ka ba... di ba sabi ko sa 'yo hindi ako aalis sa tabi mo? I nearly broke my promise but then I came to my senses. Pangako, kahit masakit, hindi na kita iinjanin sa kasal mo. Kahit bestman lang ako..."
She looked up to me. Confused. "Is that even possible?"
"Oo naman. Titiisin ko na lang ang sakit."
Umiling sya. "No. Not that."
I frowned. "Eh ano?"
"Bestman ka na, groom ka pa. Posible ba yun?"
Bigla akong natigilan. Ngumiti sya.
BINABASA MO ANG
I Got You (Revised)
RomanceAh... friends. It's nice to have them around but what if you started to fall for one? At hindi lang basta friend.. kundi best friend? Tapos ang turing sa 'yo eh kaibigan lang... makakatagal ka kaya... even when they get married to someone else?