IGY: Unhinged

16.6K 740 74
                                    

That single date turned out to be an everyday thing. That simple friendship turned out to be a commitment. And every day, I find myself growing unworthy of her time.

Hindi ko naman sya masisisi.

I can't find any fault with Kian. Yun pa nga ang mas masaklap kase parang feeling ko unti-unti na 'kong napapalitan ng pwesto sa buhay ni Issa. Si Kian kase, he can be her boyfriend and best friend at the same time. Ako... hanggang best friend na nga lang... naagaw pa.

Like this one incident with Issa's father. Isang araw kase tinawagan nya 'ko at umiiyak sya. Ang sabi nya, nilayasan na daw sila ng papa nya. I was in the middle of an interview. But when I heard her crying, dali-dali akong umalis. Ni walang paalam sa nag-iinterview sa 'kin.

I drove like a maniac to her house to comfort her. And what did I find?

I saw them sitting on the couch. Inaalo sya ni Kian habang umiiyak sya. Hindi ko alam kung san ba ako mas masasaktan: dun ba sa nakikita ko syang umiiyak kay Kian o dun sa simpleng realization that I went all the way there only to find na hindi naman pala ako kailangan.

What did she call me for? Spectator lang?

Nevertheless, tinabihan ko pa rin sya at nakihagod ng likod nya. Pati sa likod nya, kaagaw ko pa rin si Kian. Tss.

"A-Andre..." Bigla syang yumakap sa 'kin.

"Sssh.. Sige, iyak lang."

Later that day, I found out that I was accepted on a company overseas. VP kase dun ang tito ko. And he liked my work kaya pinapapunta nya 'ko sa Seattle para magtrabaho sa company nila.

It was good news of course... pero hindi ko alam kung good time din ba.

Ngayon ako mas kailangan ni Issa eh...

The next day, I decided to talk to her. Sinakto kong may trabaho si Kian para kami lang dalawa ang makapag-usap.

"Ano ba yung sasabihin mo?" tanong nya sa 'kin. Nasa gilid ulet kami ng bangin. Hindi naman kataasan yun kaya lang nakakamatay din kapag napasama ang bagsak.

"I've got a job offer," panimula ko.

"Oh? Talaga? Ayos yan! I'm happy for you!"

Tumingin ako sa kanya. "Abroad."

 At biglang nawala yung ngiti nya. "H-Ha? San?"

 "Seattle."

Nakita kong nangingilid ang luha nya. Tapos ngumiti sya. Yung ngiting ipinapakita lang nya kapag ayaw nyang umiyak sa harap ko. It was a painful smile.

 "Hindi ka naman siguro tutuloy?" tanong nya sa tonong umaasa.

 "I'm still thinking about it."

 "Will you at least be here for the wedding?"

 Natigilan ako. "What wedding?"

"My wedding." After saying that, inilabas nya yung kwintas na binigay ko sa kanya nung high school pa kami. Nakatago kase yun sa collar nya kaya hindi ko agad napansin. May pendant yung friendship ring. Kapareho nung nakasabit sa leeg ko.

Pero... Nung nakita ko yun ulet... may ibang pendant na nakasabit.

Isang engagement ring. Nagmukhang dukha yung friendship ring ko.

"Kian proposed to me last week pero sabi ko pag-iisipan ko pa muna. Gusto ko lang sabihin sa 'yo bago ko sya sagutin."

Parang pakiramdam ko nun, hinihila ng gravity ang mga paa ko pababa. Parang gusto kong tumalon bigla. But I didn't because it'll break her heart.

I Got You (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon