"Kumain ka na ba?" Tanong sakin ni Shan, a good friend of mine, tumango ako bilang sagot sa tanong niya kahit di pa naman ako kumakain, sadyang tinatamad lang talaga akong pumunta ng cafeteria. "Samahan mo na lang ako, please -- yaay Thank you beh " di pa man pumapayag hinila na niya ang kamay ko papunta sa cafeteria. Haays ayaw na ayaw ko talaga kumain dito kapag first day of school, andaming tao, tsaka ang ingay pa ng mga freshmens.
"Nabalitaan mo na ba?" Tanong niya nung di na ako nag papahila at sumasabay na ako sa mga lakad niya. Tinaasan ko siya ng kilay na nag tataka kung anong pinag sasasabi niya. "Dito na nag aaral si asdfghjkl---" Ang ingay putchang lugar to! Nakaka imbyerna! pwede naman kumain na hindi nag hihiyawan ah? Kainis-,- ayaw na ayaw ko pa naman sa mga maiingay! Na iirita ang utak ko at di ako napapakali kapag ang ingay ng paligid. Di ako nakakapag-isip ng maayos kapag maingay.I tried to calm myself... I don't wanna make a scene in the first day of class.
Kumain lang ng kumain si Shan, ambaboy niyang kumain! Nakakahiya! And takenote ilang plato na ng pagkain ang naubos niya! Wow. As in wow. Babae ba sya oh bakulaw. Parang for me di ko na nauubos yung isang plato. Pero itong babaeng to kung makakain kala mo di pinapakain sa bahay nila. Pero in fairness naman sa kanya kahit ang baboy nyang kumain di naman sya tumataba ng husto. Parang normal lang na body figure. Malaman pero may kurba ang katawan niya. Kaya lalo syang gumaganda. Di mo talaga ma kwe-kwestyon nga bakit madaming nagkakagusto sa kanya dito sa school. Pero ni isa wala syang natipuhan. Mapili din kasi.
Nagpatuloy na ako sa pag scroll ng newsfeed ko sa instagram nang biglang mas umingay ang cafeteria. Isama mo pa ang mga lalaking nag hahabol-habolan na parang mga bata. Mga bakla na kung maka tili kala mo nasa kalye at mga babaeng tawa tawa ng tawa. ! Putchang pating na walang ngipin!! Biglang nanggigil ang katawan ko.
Dahil uminit na nga ang ulo ko! Tumayo ako sa upuan ko at hinarap lahat ng mga estudyante, sigurado akong freshmens to dahil ngayon ko lang nakita ang mga mukha nila! O di kaya'y transferees.
"EVERYONE!!! KEEP YOUR SILENCE! YOU'RE IN THE CAFETERIA! NOT IN THE GYMNASIUM NOR IN A PLAYGROUND! STOP ALL YOUR CRAPS!! Freshmens! First warning from your Student Council President!"
Pag kasabi ko 'nun ay nag si tahimik naman sila. Tanging footsteps at pag ubo lang naririnig ko, "much better" tugon ko sa sarili ko. I can feel a lot of eyes on me right now but I don't care. What matters to me now is that tahimik sila.Anyways, I forgot to introduce my self, I am Patricia Valdez, 19 years old and as I have said , I am the Student Council President of the North Academy. Strict ako lalo na sa ingay at kalat dito sa campus. Also, I am against bullying kaya so far in my 3 years of leadership dito sa academy mapayapa at di masyadong marami ang kaso ng aaway o bullying dito. Meron pa din naman pero di tulad nung dati na sulok sulok ang gulo. Na parang kahit saan ka mag punta laging may banta sa buhay mo. I'm also implementing rules dito sa academy not just to discipline the students but also...
me.
"So anong plano mo ngayon?"
Pagsisimula ng usapan ni Shan. Nakalimutan kong kasama ko pa pala to. Ang baliw kung bestfriend tsaka matakaw rin. We've been friends since the 4th grade. Our family shares similar business but aren't business partners. Gusto kasi ng parents namin na mag grow and both companies alone. So if in case, in the future, pag may mag fail ni kahit sino sa kanila, may makakasalba at my plan b sila."Plano? Pupunta ako ng SC office gagawin ang dapat kanina ko pa ginawa pero hinila mo ako dito! Alam mo bang busyng-busy ako? Di ako katulad mo na maraming time mag lakwatsa. I have so many responsibilities dito sa school. " Pagtataray ko sa kanya! Sanay na yan sa ugali ko. Parang pag galit ako tinetake nya lang as a joke kasi alam nyan na di ko talaga kayang magalit sa kanya ng tudo.
"Hep-hep-hep. Teka-teka! Okay. Sorry po mahal na presidente at naisturbo ko kayo pero di po yan ang ibig kong sabihin. " napakunot-noo akong napatingin sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Ano bang pinagsasasabi nito?
"Dito na nag aaral si Ma---*kriiiing* oops gotta Go! Terror next prof ko. I can't be late. See you later. Bye. "
Bago paman ako maka react ay nawala na siya sa harapan ko.

BINABASA MO ANG
Why Us?
Teen FictionKay daming posibilidad Na pwedeng daan na pwede nating nahakbangan Pwedeng sa ibang kalye ka lumiko, Pwedeng di na tayo nag tagpo. Pwedeng ding mag kaiba ang gusto mo sa gusto ko. Pwede namang hindi na nag katinginan ang mga mata nating dalawa, Pwe...