*Patricia's POV*
Tulala akong nakatingin sa salamin. Di ako makapaniwalang ganito pala ang nagagawa ng mga mala paint na nagkukulay sa mukha. Napapaganda nito ang mga taong di naman kagandahan tulad ko.
Kinuha ko yung bag na binigay ni Lucas kanina. Ito yung binili namin kahapon na cocktail dress. Nakalimutan ko nga pala to sa kotse niya.
*Lucas' POV*
Prenteng nakaupo lang ako sw sofa ng Salon namin. Ate ko ang may ari nito. Ano na kaya ang kinalabasan ng make over niya
Well kahit naman di sya mag make up maganda na naman sya. Kaya nga nagustohan ko siya. Tatlong taon. Tatlong taon ko syang ginusto pero hanggang ngayon di ko pa naaamin sa kanya. Improvements ngayon dahil naging close na kami di gaya noun na hanggang tingin lang talaga ako."Tapos na po siya Sir Luke." -nakangiting sabi sa akin ni Nina isa sa mga empleyado dito.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at hinarap ang pinto na pinasukan niya kanina.
"Eto na po." -at just like that NAKATULALA na ako sa harap niya."Wag mo nga ako tingnan ng ganyan. Nakaka-awkward." -sita niya. She really have no idea how beautiful she is. If only ako nalang si Marcus. Hinding hindi na kita pakakawalan.
"You look nice" -nahihiyang ngumiti ako sa kanya. Hay natotorpe na naman ako. Ano ba kasing meron sa babaeng ito.
"Oo nga eh. Di nga ako makapaniwalang mukha ko ang tinitingnan ko."- inosenteng inosente syang nakangiti sa tuwa. And it makes her more beautiful.
"T-tara na?" -nauutal man pero nakaya kong ayayahan syang umalis na.
*Ann's POV*
Nag gather na lahat sa gymnasium, pero wala pa si Pat. At di naman mag sisimula hanggat wala siya. How special! Bakit ba sa lahat ng bagay sya yung importante? Kaylan ba magiging ako? Bakit ba? Napaka attention seeker talaga. We're so-called-bestfriend since then pero nakakainis na kasi ang kaplastikan nya. Nakakainis sya.
Nagseselos? Ako? Sa kanya? YES! FUCK YES!! Lahat nalang nasa kanya. Lahat-lahat pati ang praises ni dad sa kanya, kesyo gayahin ko sya sa ganyan ganyan. Nakakairita tangina!"Acknowledging the school's SC President. Now we can start our program after a few minutes." -lumingon halos lahat ng tao sa entrance ng gym. And there I saw her. In her blue cocktail and she------ she look different. W-what happened to her? She's stunningly beautiful. Dahil don mas lalong nag init ang dugo ko sa kanya. Nakakainis. ATTENTION-SEEKER bitch!
"She's so beautiful. Isn't she?" tanong ni Marcus na nasa tabi ko. Biglang kirot sa puso ang naramdaman ko nang sabihin yun ni Marcus. Feeling ko natalo nanaman ako. Gusto kong umiyak.
"Yeh."- mapakla kong sagot. Why'd you always catch his attention? What's in you ba?
Ano bang meron sayo na wala ako? AHHHHH I HATE YOU!! I don't care. Handa akong mawala ang years of friendship namin para sa'yo Marcus. I'll do anything for you, even if it takes our friendship to end...*Patricia 's POV
"MISS PAT! GOOD THING NANDITO NA KAYO. *hinga* kanina pa po kaayu hinahanap ni miss Cha. Hindi mag sisimula ang program pag wala ka." hingal na tugon ni Kezzia, our Public Information Officer. Matapos nyang sabihin yun ay nag madali na kami ni Lucas. Nakakahiya. Nalate nga kami. Bwesit naman kasi na traffic yun. Di naman kami maka overtake kasu bumper to bumper yung traffic. Buti sana kung gamit namin yung motor ko for sure kanina pa kami nakarating dito.
Nang makarating kami sa labas ng gym nauna nang pumasok si Kezzia at ako namay inaayos ang sandals ko para komportable ako sa pag lalakad.
"Pat..." nilingon ko si Lucas sa deriksyon nya at nakita ko syang may hawak hawak na box. Binuksan nya ito at bumungad sa akin ang isang napakaganda ngunit simpleng kwintas. Napahawak ako sa suot kong simpleng kwintas din. Di ko to tinatanggal dahil bigay sakin to ng mama ko na ngayon ay, wala na.
"Don't worry, you don't need to take that off." sabi nya sabay punta sa likuran ko at sinout ang bigay niyang kwintas. Ewan ko, pero parang may naramdaman akong kakaiba sa dibdib ko. This is so strange. But I managed to ignore it. Ayaw kong lagyan ng malisya ang simpleng pagkakaibigan.Papasok na kami sa gym nung in-aknowledge ng MC ang presence ko. Nakakahiya to. I'm the leader of this school pero di ako magandang influence dahil late akong dumating.
Normal lang ang lakad ko habang naka hawak sa braso ni Lucas papuntang front seat na reserved para sa amin. Pagkarating namin ay bigla namang nagmaktol si Lucas dahil di raw kami magkatabi. Nakakatuwa sya. Pero mabuti na rin yun para ma relax ko tong nararamdaman kong kakaiba.
Nag start na yung program and all I can say is marami talagang talent ang nga students dito sa school namin. Something that the school should be proud of.
At the middle of the presentations, tinawag ako sa stage para mag bigay ng message. Habang nakaharap ako sa lahat ng estudyante, nahagip ng mga mata ko sina Ann at Marcus, magkatabi sila, they look very happy, HE LOOKS VERY HAPPY. His eyes are happy. Should I be happy for him?
Di ko namalayan na tumutulo na ang luha ko. Sa harap ng lahat ng students dito sa gymnasium.
BINABASA MO ANG
Why Us?
Teen FictionKay daming posibilidad Na pwedeng daan na pwede nating nahakbangan Pwedeng sa ibang kalye ka lumiko, Pwedeng di na tayo nag tagpo. Pwedeng ding mag kaiba ang gusto mo sa gusto ko. Pwede namang hindi na nag katinginan ang mga mata nating dalawa, Pwe...