Chapter 5 - Your Love

3 0 0
                                    

•Patricia's POV•

Tima check 4:50 pm nandito pa ako sa office. Chineck ko lang ang report tungkol sa mga school projects ng SC at aalis na ako. Nag hihintay narin si Marcos sa studio kaya binibilisan ang mga ginagawa ko. Am I being pathetic?

Wala ring nangyaring exciting sa boung araw. As usual ganun lang. Magkasama si Shan at Marcos buong klase at breaks. Syempre masakit pero I managed to hide my feelings. Wala naman kasi akong karapatan mag selos o magalit kay Shan kasi WALA NAMANG KAMI! Kahit na alam ni Shan na may gusto ako don, she is not obliged to stay away from him. I think I'm gaslighting myself...

Simula nung nagsimula silang mag sama ni Marcos, di na kami nagkausap. Gusto ko sana siya kausapin pero di kami nabibigyan ng pagkakataon.
Ayaw kong mag isip ng masama sa kanya. Kaibigan ko siya. At mananatili yung ganun kahit anong mangyari.

"
Kain tayo? Libre ko" - pag aaya ni Lucas na todo ngiti sa harapan ko. Mukha siyang batang nanghihingi ng candy.
"LIBR--" ang saya na sana kaso naalala kong may practice pala kami ngayon. This past days naging mas close na kami ni Lucas, di ko na sya masyadong sinusungitan at inaartehan.
"Oh bakit? May lakad ka?" -at nag pout pa talaga siya! Kala mo naman cute. Eh cute naman talaga pero para siyang tanga.
"Me-ron. Haays sayang yung libre!"- pag aalinlangan ko. Sayang naman talaga kasi.
"Bibilhan nalang kita. Dito ka lang ah. Babalik ako." -napakalaki ng ngiti ko nang sabihin niya yun. Palagi nalang ganito. Whenever nandito si Lucas sa tabi ko, feeling ko prinsesa ako. Ang gentleman niya kasi masyado tsaka ang dali niyang pakisamahan.
Nagsisisi tuloy ako na inaaway ko siya dati, nakakakonsensya ngayong alam ko na kung gaano siya kabait.

Ilang minuto na ang nakalipas wala parin si Lucas, nag text narin si Marcos na nasa studio na siya, kaya nag nag desisyon na ako na mag iwan nalang ng note sa table niya na umalis na.

Dumaan muna ako sa girls locker room para mag bihis. I am still wearing my uniform, so kaylangan kong magbihis.
Sinuot ko ang PE pants namin at sleeveless pang-itaas.

Paalis na sana ako nang mahagip ng paningin ko ang isang locker na bukas. Lumapit ako don at bahagyang isinara ng may nahulog na maliit na kulay pulang envelope.
Di ko sinasadya. Pero nakita ko na! Wala na akong magagawa.

Frm: Marcos To: Shan

Hindi ko namalayang, binabasa ko na ang nakasulat sa loob. Alam kong mali, pero di ko napigilan ang sarili ko.
Literal na nanghina ang mga tuhod ko nang basahin ko ang sulat. Nanghina ang tuhod ko na napa upo ako sa sahig.

Tumayo ako at tumakbo palabas ng locker. Wala akong pakialam kung may mga nakakakitang estudyante sa akin. Wala akong pakialam kung nakikita nila akong umiiyak.
"I LOVE YOU SO MUCH" -limang salita, pero parang milyong kutsilyo ang binaon sa puso ko
Ang sakit! NAPAKASAKIT. Napakasakit na sa lahat ng pwedeng magustohan ng taong gusto ko, don pa sa kaibigan ko.
Sa taong pinagkatiwalaan ko.

Di ko alam sa mga paa ko bakit niya parin ako dinala dito.
Nag dadalawang isip ang mga nerves ko, ang utak at mga kamay ko, kung bubuksan ko ba o hindi.

Nilakasan ko ang loob ko at dahan-dahang binuksan ang pinto ng studio. Maliit paman ang nabubukas ay lumalabas na ang ingay ng tugtug. "Say you won't let go", habang palaki ng palaki ang pagbukas ng pinto at lalo ring lumalakas at bumibilis ang kabog ng puso ko, sabayan pa nga paro-paro sa tiyan k----

My heartbeat is raising. Ang sakit sakit. Parang isa isang tinatanggalan ng ugat ang puso ko.

Ang sakit na makita silang ganito.

Sumasayaw sila. Nakayakap si Maros kay Shan na nakasandal ang ulo sa dibdib ni Marcos.
Kung ibang babae lang ako at nakita ang eksenang ito. Siguro kikiligin ako. Pero hindi eh. MAHAL KO ANG LALAKING ITO AT KAIBIGAN KO ANG MAHAL NIYA! IMPOSIBLENG KILIGIN AK---

*boogsh*

Napalingon silang dalawa sa direksyon ko. Pati ako ay nagulat nang tingnan ko ang doorknob na hawak ko. Door knob na sira na. Natanggal ito sa pinto, di ko alam kung bakit at papaano, pero yun na yon.

"Uy! Nandyan ka na pala!' -halatang di sya komportable na kausapin ako. Naawkward siya na baka nakita ko? Goosh Pat stop thinking things deeply! Masasaktan ka lang!!

"Well kakarating ko lang. Sira na pala ang knob! Bakit di ko to napansin dati. Mmh.- pag sisinungaling ko. Nagkunwari ako na wala lang sa akin lahat. Ayokong maging dahilan ng pagkaudlot ng pagmamahalan nila. Ayaw kong kaawaan.

"Anyways, pumunta lang ako to let you know that I can't be your dance partner tomorrow. I have some stuffs to do. SC stuffs."- I manage to smile in front of them. Even deep inside... I'm dying...

".. Sorry." -habol ko saka lumabas ng studio.
Pagkalabas ko sa studio nakita ko si Lucas na nakasandal sa pader at may hawak na supot ng isang fast food.

"Hi" I smiled bitterly at di ko napigilang lumabas lahat ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Hinila niya ako sa kanya at niyakap. Hinaplos haplos niya ang likod ko. Para akong bata pero mas mabuti narin to. Nababawasan ng konti ang sakit na nararamdaman ko.

" ano? Kakain ka ba? O ako nalang ang kakain nito?" -panunukso niya sakin.

"Syempre kakain ako." -nagsimula na kaming maglakad paalis sa lugar nayun. Sa loob kami ng kotse niya kumain dahil mabango raw sabi niya.
At tama nga sya mas fresh dito kaysa sa labas. Amiy lavander, nakakarelax ang amoy.

Habang nginunguya ko ang pagkain ko. Napansin ko ang papalabas na sina Shan at Marcos.
Pinupunasan ni Shan ang pawis ni Marcos na walang ka emo-emotion.
Di nila kami napansin dahil tinted ang kotse ni Lucas. Thanks to this at malaya ko silang mapagmamasdan. Nasasaktan ako, pero mas mabuti naring saktan ko pa ang puso ko para ito na mismo ang umayaw hanggang wala na akong sakit na maramdaman.

Sumakay na si Marcos sa sasakyan niya naiwan si Shan. Alam ko May sariling kotse si Shan, kaya siguro di sila nagsama. Nakita kong napangiti siya. Ang swerte mo naman Shan, nasayo na ang taong pinapangarap ko.
Wala akong laban sayo. Kahit maligo pa ako nga buong magdamag di ko ata malalampasan ang ganda mo. Napakaswerte mo.

"So? San ka ngayon?" - tanong ni Lucas nang mapansing kanina pa ako nakatulala.

"Di ko alam. Wala naman akong appointnment sa ngayon."

"Alam ko na!"- pinaandar niya ang kotse niya.

"Hooy ki-kidnap-in mo ba ako?" -gulat kong tanong.

"Basta. Relax ka lang jan." -aniya. Wala na akong nagawa pa, at hinayaan na lamang siyang mag maneho.

"Pano na yung motor ko?" -Pero bigo akong makatanggap ng sagot. Sa halip ay nagpatugtog siya at nagpatuloy magmaneho. Di ko nalang siya pinansin at sinimulan nang kainin ang binigay niyang pagkain kanina.

Go take me somewhere far, Lucas. Far from here...

Why Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon