•Someone's POV•
First subject, English. Wala pa yung teacher namin kaya medjo magulo pa ang lahat. Grupo-grupo kung mag kwentohan. Habang ako, nasa gilid lang, mag-isa.
Dumating na si Ms. Reyes at nagsimula na sa kanyang lesson ngayong araw.
Nakakaantok, kasi alam ko na naman yang tinuturo niya. I'm always reading, and learning our syllabus ahead of time kaya alam ko na.My head turned left nang biglang bumukas ang pinto ng classroom namin. It's our principal, Mr. Russ. He and Ms. Reyes talked for awhile, at umalis na rin siya. I see someone from behind him, it's a boy for sure.
"Okay, may I have your attention please. So class, we have a new student from East Academy--" napatungin ulit ako sa labas nang banggitin ni miss ang school nayun. Hmm, east academy....
Nang makita ko kung sino ang lalaking nandito, di ko na narinig pa ang iba pang pinag sa-sasabi ni maam. Parang sa mga pelikula, nag slowmo ang lahat sa paligid ko. Nakasentro lang sa kanya lahat ng attensyon ko! Marcos Shin.. Parang nanlalambot mga ang tuhod ko. Wala akong lakas para labanan itong nararamdaman ko.
*****
•Patricia's POV•
Late na ako. Kingina naman kasi, di ako maka tulog ka gabi! Kakaisip. Binabalikan ko yung nangyari sa amin kagabi. Nagka insomnia ata ako dahil don. Kahit pilit kong pinipikit ang mga mata ko, mukha niya parin ang nakikita ko. Tangna, napapa spoke poetry ako ng di oras.
Di ko aakalaing, hanggang ngayon, after 3 years, ganun parin ang epekto niya sa akin. Walang pagbabago, yun at yun parin. Kung pano niya ako binaliw noon, ganun parin ako kabaliw ngayon. Pero di dapat ito ang maramdaman ko. Diba, nangako na tayo na di na tayo magpapakabaliw sa lalaki? Lalong lalo na sa kanya. We've been there Pat, and it's not nice.Tiningnan ko ang schedule ko para malaman ang first subject ko and good thing mabait 'tong si Maam Reyes. Hindi ako mapapagalitan dahil late ako.
First time kong pumasok sa klase ngayon dahil kahapon, whole day akong di pumasok dahil sa mga ginagawa sa SC Office. At alam kong maiintindihan yun ng mga teachers ko.
*room 426*
" Good morning maam." Bati ko kay maam pagkarating ko sa pinto.
" too busy ms.president? Get inside and find a place to sit."Isang bakanteng upuan nalang ang nakita ko, katabi ang isang lalaking nakayuko sa lamesa. Natutulog? Hmmp I feel bad for him, magigising siya at hindi na makakaulit dahil ako ang katabi niya.
Napahinto ako sa pag lalakad ng hawakan ni Shan ang kamay ko. Nandito na pala siya di ko siya agad napansin.
"Dito ka nalang sa seat ko." nakangiti niyang pag sa-suggest sakin. Sabay ayos ng gamit niya at tumayo.
"No thanks. Bulag ka diba? Bat ka naman uupo sa malayo?" -kaya nga siya nakasalamin kasi di siya nakakakita ng maayos tapos sa likuran siya uupo? Nababaliw na naman to. Lalakad na sana ako nang higpitan niya ang hawak sa kamay ko at bahagya niya akong hinila.
"No! I insist! You can easily oversee everyone pag nandito ka sa harap, kaya you of all people should sit here." sasagot pa sana ako nang biglang nag salita si maam, umalis si Shan, kaya wala na akong nagawa at umupo sa upuan niya. Bahala siyang mag dusa don. Siguro ayaw niya sa katabi niyang nerd. Kasi di niya to makukulit. On the other hand, mas gusto ko na ito ang katabi ko para tahimik lang.
Nag patuloy na si maam sa discussion niya. For the meantime, nawala sa isip ko si Marcos, I think it's a good thing para di ako masyadong ma distract.
BINABASA MO ANG
Why Us?
Fiksi RemajaKay daming posibilidad Na pwedeng daan na pwede nating nahakbangan Pwedeng sa ibang kalye ka lumiko, Pwedeng di na tayo nag tagpo. Pwedeng ding mag kaiba ang gusto mo sa gusto ko. Pwede namang hindi na nag katinginan ang mga mata nating dalawa, Pwe...