Chapter 6

1 0 0
                                    

•Patricia's POV•

An daming pagkain sa kotse niya.

"Ginawa mo bang Ref ang kotse mo? Bakit andaming pagkain?" -wala sa isip kong tanong.

Pero imbis na sagutin ay nginitian nya lang ako, walang kwentang kausap naman to.
"Huy! Matatakot na na ako? Ba't di mo ako kinakausap, ha? -imbis na sagutin ay tumawa lang siya. Langyang tao to.

*****

Nag lalakad kami ngayon sa mall. Dinala niya ako dito para lumamig raw ang ulo ko. At siguro tama siya, kasi medjo nahimasmasan ako.

"Penge ako ng---Lucas??"-bigla ba namang nawala? San na naman kaya ang lokong yun?
Inikot ko ang paningin ko sa loob ng mall nang makita ko ang isang coaktail dress. Royal blue ang kulay at kuhang kuha nito ang attention ko.

Di ko na namalayan na papalapit na ako sa botique kung saan ito nakapwesto. Ang ganda ng mga laces. Its image is perfect. Pero di naman yan babagay sa aki---

" Ate. Kukunin namin to." - nagulat ako nang kinuha ng saleslady ang dress na tinitingnan ko at binigay sa counter. WtH!!

"Gusto mo yun diba?"- bulong sa akin ni Lucas. Bigla ako nakarandam ng init sa pisngi. Ang init ng hininga niya na nakakapagpatayo ng mga balahibo.

" pe-pero. Di naman bagay sa akin yan!"- pagtutol ko kahit na sa loob ko'y gusto ko nang tumalon sa saya na sa wakas mapapasaakin din yun. May pera naman ako pambili pero nasasayangan ako. Di naman kasi ako hilig sa mga ganyan. Mabuti nayung nagtitipid. Baka mamaya malugi ang negosyo namin at maghirap kami. Kung mangyari man yun ay may pera pa ako.

"Anong hindi? Akala mo lang."

Hinila niya ako sa kabilang botique ng mga sandals. Ilang pares na ang nasukat ko pero hanggang ngayon ay wala parin siyang napipili. Di raw kasi bagay sa damit. Tsss  edi sya magsout non! Ang taas kaya.

Sa wakas ay nakapili narin sya.
Bumili rin siya ng sa kanya raw para bukas. Oo nga pala kaylangan pala kaming mag formal bukas kasi SC officer kami. Pano ko yun nakalimutan?

Pagkatapos naming mamili ay kumain kami sa isang fastfood sa loob ng mall.
Daldal lang siya ng daldal. Pero ngayon di na ako naiirita sa halip ay naging mas interesado ako sa kanya. Nag kwentohan lang kami hanggang sa lumalim na ang gabi kaya napagdesisyonan namin na umuwi nalang.

__________________

PIMPLES... wag ka nang bumalik please.
Nasiyahan akong tumingin sa salamin nang malamang wala na ang pimples ko sa ilong at noo. Haaay goodbye, wala nga talagang forever.

"Iha? May naghahanap sa'yo sa baba." -tawag sa akin ng katulong. Sino naman kayang pupunta dito sa bahay ng ganito kaaga?

"Lucas?"-takang tanong ko. Anong ginagawa niya rito?
Oo nga pala alam alam na niya kung saan ako nakatira dahil hinatid niya ako kagabi. Wala narin kasi akong makitang taxi kaya nagpahatid narin ako sa kanya.

"Sinusundo ka."- nakangising sagot nito habang prenteng prenteng nakaupo sa sofa. Wow feel at home.

"Bakit?"-umupo ako sa tabi niya kaya napaayos siya ng upo.

"Nakalimutan mo ba? Nasa school ang vehicle mo at kung mag co-commute ka male late ka sa program mamaya sa school."-oo nga pala. Di din ako pwedeng gumamit ng sasakyan kasi pano nalang ang motorsiklo ko don?

"Pero ang aga pa. The program will start at 10 eh 6 pa naman ang aga mo naman."- eh walang isang oras makakarating na kami sa school, aside kung traffic matatagalan talaga. Lalo na't di kami makakasingit kasi kotse gamit namin, iba naman kasi kapag naka motor no.

"May pupuntahan pa tayo.^_^"- nakangiting tugon nito. Ano raw? Pupuntahan? San naman?

Tinulak niya ako paakyat.
"Bilisan mo ang pagligo!"

"Kapal mo. Ikaw nanga BWESITa ikaw pa manunulak?" -pagtataray ko sa kanya. Kompara noun di na sya nadadala sa mga pag tataray ko. Parang nasanay na ata o baka nasa mind set na niya na biro nalang to dahil "FRIENDS" na kami. Oo friends na kami wala naman kasing masama diba?

Dinalian ko ang pag aayos kasi kanina pa sya sigaw ng sigaw sa baba. Wow feel at home. Di marunong mahiya, feeling ko tuloy ako ang bisita rito sa BAHAY KO!

"Antagal mo naman!" -napakamot siya sa batok niya ng makita akong lumabas. Kaya nataasan ko siya ng kilay.
"Paki mo ba? " -nilagpasan ko sya nauna nang lumabs ng bahay.

"Anong nililingon lingon mo jan sa likod?" -pasulyap sulyap siya sa akin kasi nag mamaneho sya. Mahirap na baka ikamatay pa namin to.

Di ko siya sinagot at dumiretso ang tingin sa labas. Haays walang pagkain sa likod. Walang chocolate*sad:(*

Nabigla ako ng may binuksan siya sa harap. O__O chclts!!
Di ko na nacontrol ang sarili ko at napaindak sa saya at kumaha ng marami.

"Hoy hinay-hinay lang." -awat niya sa akin pero wala akong pakialam!

Ilang minuto pa ang lumipas at nakapark na kami. Lumabas ako binabalak niya ata akong pagbuksa eh marunong naman akong lumabas mag isa!

Nasa isang salon kami. Ano naman kayang ginagawa namin dito?

"Good Morning ma'am, sir Welcome to Beauty Plus Salon, we offer *churva churva*"  -tsss marunong naman kaming magbasa.

"Nandito ba si Ching?" -tanong niya don sa staff ng salon.

"Yes sir." -sagot niya na malapad parin ang ngiti. Saka pumasok sa isang silid. Siguro tatawagin niya yung Ching na hinahanap ni Lucas.

"LUKE!!" -napalingon ako sa gawi ng babaeng lumabas mula sa isang pinto kung saan pumasok yung staff kanina. Maganda siya, matangkad, malakin yung ano, yung.... Basta alam niyo na yun. Lumapit si Lucas sa kanya at nag yakapan sila. Girlfriend niya ba ito? Siguro nga.

Nag usap sila sandali at sinusulyapan ako ng babae na nakangiti.

"Hi Im Kate. You are Patricia right? Lets go?" -hindi ko alam pero hinila niya ako sa isang silid. Puro ito salamin mga make ups at mga pampaganda. Why am I here.

Tumalikod ako at tangkang aalis nang biglang pumasok si Lucas may dalang paper bag.

"Here. Wear this after." - nakangisi niyang sabi. Tiningnan ko ang laman ng paper bag at tama nga ang hinala ko. Ito yung pinamili namin kahapon. Nakalimutan ko nga pala tong dalhin kagabi.

"Are you ready Patricia?" -tanong nung babae habang nakatingin sa salamin para nakita ako. E mamasacre ata nila ang katawan ko. Goodluck Pat..
Nag nod ako at Asdfghjkl. Wala akong ideya sa mga pinag gagawa nila sa buhok at mukha ko. Sa kamay ko. Torture ba to?

Why Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon