Chapter 4 - It's you

1 0 0
                                    

•Patricia's POV•

Ang sarap ng tulog ko.
Ang sarap sa pakiramda---- ASAN ako?
"Miss Valdez, gising ka na pala." bati sa akin ni Nurse Kate. Nurse ng acad-- WHAAT nasa CLINIC ako?
"Ano oras na ?" dali dali akong bumangon at inayos ang sarili ko.
"It's almost 8. Napasarap nga ata ang tulog mo ah." -siguro.

Kinuha ko na ang bag ko na nasa gilid.

Teka-- wala akong dalang bag--
Wait ang natatandaan ko yung---yung- kina Shan at Marcos. Biglang nanikip ang dibdib ko nang maalala na naman ang mga nakita ko kanina. Ang sakit parin isipin.

"Teka, Nurse Kate!" -tawag ko sa kanya na nag aayos ng higaan.
"Sino nag dala sakin dito?" -kasi wala naman akong natandaang nagpunta ako dito para matulog.
"Ah. Si Lucas. Akala ko nga nahimatay ka, sabi niya naman nakatulog ka lang raw kaya pinabayaan nalang kitang magpahinga." -oo nga pala. Siya nga ang nakausap ko kanina. Nakatulog ako habang kasama ko siya?

Lumabas na ako ng clinic. Madilim narin sa hallway. I wonder bakit nandito pa si Nurse Kate ng ganitong oras. Bakit di niya ako ginising ng maaga? Pano pala kung bukas na ako nagising?

Nadaanan ko dance studio. Bigla nanaman nanikip ang dibdib ko nang maalala ang mga nangyari sa loob ng studio nayan na sinundan ng mga nangyari kanina. Panandaliang saya lang pala.

*****

Pagkauwi ko sa bahay ay tinititigan ko ang numero niya sa cellphone ko. SHOULD I CALL HIM? Baka natutulog na siya o baka may ginagawang importante.
Nakakahiya naman kasing makipag usap don eh sinusungitan ko nga yun araw-araw.

Huminga ako nang malalim bago ko pindutin ang button ng cellphone ko.

*riiii--*
"Pat?"- ang bilis niya naman makasagot. Dapat pina ring niya muna para may time pa ako na mag hung up.

"..."- di ako makapag salita. Nakakahiya. Bakit ba ako kinakabahan. Magpapasalamat lang naman ako.
" HELLO? Pat naririnig mo ba ako? HELLLOOO.." -sigaw niya sa kabilang linya. Akala niya siguro di ko siya naririnig.
"Ah-----"
"Tang-ina namang cellphone to e---*tot-to-tot*"- Bat di ako nakasalita? Eh sanay naman akong sinusungitan yun? E text ko nalang kaya siya...

"Ciaaa.. "-tawag ni manang Sheena. Isa sa mga kasambahay namin. Binuksan ko ang pinto ng kuwarto ko at inabot niya sa akin yung landline namin.
"Para sayo daw." -sabi niya at umalis na sa harapan ko.

"Hello?" -bati ko sa tumawag.
"Pat? Hello? Naririnig mo na ako?"
"Oo.?" -medyo confuse ang tono ko.
"Haay salamat. Bakit ka na pala tumawag?"- napahiga ako sa kama ko. ,

" hmmm."
Katahimikan ang namayani sa magkabilang linya. Di ko alam pano sisimulan.

"Pat? Still there?" - pagbabasag nito sa katahimikan.
"lucas.." -halos pabulong kong tawag sa pangalan niya. Di ko sya narinig na sumagot. Tanging kaloskos lang ng telepono niya ang naririnig ko.
"--tha--thank you.."- mahabang katahimikan. Nakaka-awkward ng ganitong scenario. Di ako sanay, mas sanay akong awayin siya o taray-tarayan.

Papatayin ko na sana ang telepono ng bigla siyang magsalita.

" ah--ani ka ba. Okay lang no. Magkaibigan naman tayo diba?" -parang gumaan ang pakiramdam ko at, nawala ang hiya sa hangin naming dalawa.

"Sinong nagsabi sayo? Kaylan pa tayo naging magkaibigan?"- pang iinis ko. Ewan ko sa lahat ng pag-susungit ko sa kanya. Ngayon pang ako nagsungit na nakangiti. Gumagaan ang pakiramdam ko sa kanya



Why Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon