Chapter 2 - Dancing in the moonlight

4 1 0
                                    

Ano ba naman to? Pagkatapos ko syang makita, dabundok na mga papeles na naman ang hinaharap ko ngayon. Walang katapusang students files at mga kaylangang permahan na projects. Presidente lang po ako ng paaralang ito di po ako ang presidente ng bansa.

"Wow saya natin ah? First time ata kita nakitang nakangiti habang nag aayos ng paper works Ms. President? Anong meron?" Biglang sambit ni Lucas the student council vice president. Bigla namang nawala ang ngiti ko at napataas ang aking kilay. Masyado nga bang halata ang saya ko?

"Paki mo ba? " Pag tataray ko sa kanya. Ewan ko wala naman siyang ginagawa sa akin pero ang init ng dugo ko sa kanya ever since. Never ko itong kinakausap maliban na lang kung regarding sa SC, pero we never had casual talks like this before.

"Wala lang. Ngayon lang kasi kita nakitang ngumingiti ng ganyan." -talaga bang ngumingiti ako kanina? Putcha, nababaliw na ata ako.
"-nakakapanibago lang, sana ganyan ka nalang palagi." -ani nyang nakangiti. Ngayon nga lang ba talaga ako ngumiti ng ganito? Siguro nga, wala naman kasing dapat ika-ngiti sa bawat araw. Pero ng dahil sa ngiti niya sa akin, pakikipag usap niya sa akin. Ganun ka-simple pero parang binuo niya ang araw ko. haay san--
"*nakakainlove*" -narinig kog bulong ni Lucas. Napatingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
"Anong sabi mo?" -di ko naman kasi maintindihan.
"Wala. Sabi ko ang ganda mo. Byee" - at lumabas na siya ng office. Kahit kaylan talaga ang wierd ng lalaking yun. Ewan ko sa kanya.

"O? Ba't nandito kapa Miss. President? May announcement raw ang women's org sa gymnasium. Di kaba pupunta?" -tanong ni Maam Cha, our SC adviser ng madatnan ako sa loob mg office. Ewan ko kung bakit pero parang nakaramdam ako ng saya. Siguro dahil... dahil makikita ko siya? IMPOSIBLE! Sa dinami-rami ng estudyante dito imposibleng makita ko siya! Pero sana nga...

"Uy Miss. President!!" napatalon ako sa gulat ng bigla nalang may sumulpot na mala-anghel na mukha, mapula-pula niyang labi at kumikinang niyang mata. Nakakalaglag PANGA*literally* ang angkin niyang kagwapohan. Gusto kong pisil-pisilin ang makinis niyang pag mu-mukha, ang mga buhok niyang nakakadagdag sa kagwapohan ng lalaking nasa harap ko. I involuntarily bit my lips as I am fantasizing his face.
Ang HOT niy--
"Ok kalang?" -nabalik ako sa realidad ng bigla siyang nag salita.
Nawala ang ngiti sa labi ko at tinaasan siya ng kilay.

"Next time Mr. Shin, wag kang nang-gugulat, pano kung may sakit pala ako at ikakamatay ko ang pang-gugulat mo? This isn't a place for pranks M--"

"Wow galing naman kilala mo na ako? Ganun ka dali? Waaw galing mo naman. Tsaka sorry kung ginulat kita. Alam ko naman kasing wala kang sakit kaya ok lang! -- sige byee see you around. " -ano raw? Alam niya na wala akong sakit? Pano nya naman nalaman? Kunsabagay, di naman ako mukhang sakitin.

"Makikilala talaga kita. I am the SC President and it's my responsibility to know all of the student enrolled here."-habol kong sabi nung paalis na siya. Ewan ko lang kung narinig niya dahil bigla nalang siyang nawala sa paningin ko. Sheet sana pala binigyan ko nalang siya ng detention order para alam ko kung saan siya makikita. --err wrong decision Pat!!

"--so as inlined with this celebration we, the women's organization will be conducting a show. That would be on, July 1, 3:00-8:00 pm here at the gymnasium. You can avail tickets at the Women's org office. All participants are not required to buy tickets. That would be all. Thank you for your time Northians Eagles, goodbye and good morning."--yun nalang naabutan ko pag pasok ko ng gym. Tsk late na nga talaga ako. Di ko na naabutang sabihin kung sinu-sino ang may parts sa show. I know what this is naman kasi, kami ang nag approve ng program na ito mg women's org.

*****

Pagkatapos ng lahat ng ginagawa ko sa office (take note: DI PA PO AKO NAKAPASOK NI ISANG SUBJECT) pumunta muna ako sa Dance studio. Through dancing, nailalabas ko ang excessive emotions ko. Could it be too much happiness, sadness, excitement, etc. Through dancing, I am able to control and regulate my feelings.
I know wala na masyadong students sa mga oras nato, it's late narin kasi.
And I am right, wala nang katao-tao kahit sa hallway.

Pagkarating ko, pinlay ko na ang speaker at unang tumugtog ay ang Gangster by: Kehlani pinakinggan kong mabuti ang tunog at sinabayan ng sayaw. It was more like of a Dirty Dancing, and I really love how my body grooved with it.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagsasayaw na di naman pinag aralan ang mga steps, may biglang humawak sa bewang ko kaya napaindak ako sa gulat, napalingon ako sa likuran at-- at nakita ko si--- si Marcos. Si Marcos na sinasabayan ang sayaw ko. Ewan ko pero- sinabayan ko siya at sa kalauna'y nagkasundo na kami sa bawat pag galaw ng aming mga katawan.
The whole time na sumasayaw kami, nakatingin lang ako sa maamo nyang mukha, mala rosas nyang mga labi, at kumikinang niyang mga mata. I'm addicted!

Sa di inaasahan ay natapilok ang paa ko at napakapit ako sa kanya. Ang lapit-lapit na ng aming mga mukha na tila isang maling galaw ay mag-aabot ang aming mg--- PAT! STOP IT!! BE PROFESSIONAL!

Umusog ako ng kunti para maiswasan ang mga di kaaya-ayang pwedeng mangyari. HINDI nga ba PAT? eh yan naman ang pinapangarap mong mangyari diba?

"Pasensya na!" walang ka emosyo-emosyon kong sabi sa kanya at pinalitan ang tug-tog. Biglang nanlamig ang boung katawan ko ng biglang Versace on the floor by: Bruno Mars na ang sumunod. Tangkang papalitan ko ito ng mahulog ang remote at natanggal ang baterya. Nandito ba su kupido sa silid na ito? Bakit parang tadhana na ang nag shi-ship sa amin? Shit, ba't ba kasi kinakabahan ako? Siguro dahil nak----- nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at iniharap niya ako sa kanya.
Napatalbog ang puso ko ng halikan niya ang mga kamay ko saka nag simulang sumayaw. Nanatili akong nakatayo, di ko alam anong gagawin ko. Hinawakan niya ulit ang nga kamay kong kanina pa nanlalamig at pinag papawisan. Iginiya niya ako sa sayaw at hinayaan ko naman siyang turuan ako. Hindi nag tagal ay sinabayan ko na siya.

So just turn down the lights
And close the door. Ohhh
I love that dress but you wont need that anymore.

 OhhhI love that dress but you wont need that anymore

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Di ko maipaliwanag ang sayang nadadama. Di maipaliwanag na ngiti ang lumabas sa aking labi habang siya ang kasayaw.
At parang may dumadaloy na elektrisidad sa tuwing nag tatama ang aming mga mata.

No you won't need it no more
Let's just kiss 'till we're naked baby
Versace on the floor.
Ohhhh Take it off for me, for me, for me now girl,
Versac--
napatigil kami sa pagsayaw ng biglang nawalan ng kuryente. Fudge! Parang ayaw ko nang umalis dito. Gusto ko nalang sumayaw kami palagi. I just wanna be in his arms forever.

Nagtatawanan kami habang nag ku-kwentohan sa loob ng dance studio. Nag ku-kwento sya ng mga nakakatuwang experiences niya sa pagsasayaw noon. Di ko alam pero parang napapalambot niya ang puso ko.
Napapasaya niya ang diwa ko.

Lumabas na kami ng studio dahil mas lumalalim na ang gabi at madilim na ang boung eskwelahan. Di naman namin basta-basta magagalaw ang electric generator dahil naka lock na ang power room.

Pagkarating namin sa Parking Lot ay sumakay na siya sa kotse niya at ako sa motor ko. Ngayon ko rin nalaman na di siya marunong magpatakbo ng motorsiklo. Nakakatuwa nga ang reaksyon niya nung malamang nag mo-motor ako, parang napaka big deal yun para sa kanya.

Nauna na akong umalis at sumunod naman siyang nag paandar ng kotse niya.
We are heading on the same direction kaya nakikita ko lang sya sa side mirror ko, nakasunod sa akin. Nakita ko na ang subdivision nila, nag dahan2 ako, pero di ako huminto, ayaw kong malaman niya na alam ko kung saan siya nakatira.
Nagulat ako nang hindi siya huminto o lumiko. Saan kaya siya pupunta, lumipat na kaya sila ng bahay?

Nakarating na ako sa bahay namin at nakasunod parin siya sakin.
Huminto ako at tumingin sa kotse niya.
"See you tomorrow, Pres." -aniya at lumagpas na siya sa bahay namin. Hinatid niya ba ako? Ilusyonada naman ako masyado.

*****

Why Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon