DTW~Kabanata 7

51 8 0
                                    

Pang Pito

Ang sarap talaga asarin ni ano na nga yun?

Laura? Lora? Sino na nga yun? Ah basta yung babaeng pikonin na yun.

Andito ako ngayon sa canteen kumakain mag isa peste naman kasi Eldwyn na to napakatagal kumilos kahit kailan. And guess what? Pinagkakaguluhan na naman ako dito ng mga babae haysssss pogi feels. May mga nagbubulungan, tumitili, yung iba naman pasimpleng kumukuha ng picture sakin. Hahahha akala siguro nila hindi ko napapansin but I don't care btw.

Habang inaantay ko dito si Eldwyn sa table namin agad ko na namang naalala yung babaeng pikonin na yun. I didn't notice na nakangiti na pala ako the heck.

"omg girls nginitian ako ni Niel oh"

"ang gwapo niyang ngumiti kyaaaaah"

Minsan natatawa nalang ako dahil ang assuming ng mga babae.

Hindi ko naman siya gustong inisin kanina ih kaso ang cute niya kasing inisin and you know what?  hindi ko ineexpect na sasampalin niya ako.

Siya lang kasi ang kaisa isang babaeng nakasampal sa akin pero laking gulat ko talaga nung sobrang pikon na talaga siya saakin kanina yung para bang sasabog na siya sa sobrang inis. Hahhahahahaha.

At dahil sobrang tagal ni Eldwyn dumating naiinip na ako kaya umalis na ako doon tsaka nakakairita na rin yung mga babae doon, tili ng tili kainis. Pumunta ako sa garden nagbabaka sakaling andoon siya, of you think na may gusto ako sa kanya wala, as in wala gago gusto ko lang siya asarin at hanggang doon lang yun, at hindi nga ako nagkamali kasama niya yung kaibigan niyang baliw na baliw kay Eldwyn. 

I still remember that girl ih, siya yung nag abot ng chocolates kay Eldwyn nung Valentines Day at halos mahimatay siya nung tinaggap ni Eldwyn yung binigay niya.

Habang papalapit na ako sa pwesto nila agad naman siya umalis at dumeritso sa may cr kaya I grab the opportunity na agad lapitan yung kaibigan niya.

biglang nanlaki yung mata nung kaibigan niya at halos hindi alam ang gagawin hindi niya siguro ineexpect na lalapitan ko siya. Girls nga naman.

"Pwedeng hingiin contact number ni Laura? Lora? I don't know basta yung kaibigan mo" sabi ko sa kanya bigla namang napataas yung kilay niya sa sinabi ko.

"wait what? Are you referring to my friend Lara ?" sabi niya, ah Lara pala kinginang yan.

"at bakit naman ko naman ibibigay huh? isa din ba siya sa mga target mo ngayon huh Niel?" dugtong niyang sabi at tinarayan pa ako, tinignan ko lang siya bago ako nag salita.

"No, don't be so assuming miss, nakakasakit yan" mariin kong sabi sa kanya, kaya napataas ang kilay niya.

"oh kung hindi, ano naman ang kailangan mo huh?" sambit nito, shit ang kulit hindi nalang ibigay.

"may sasabihin lang ako " sambit ko.

Ilang minuto pa bago siya nagsalita kingina namang babae ito oh ibibigay nalang pinapatagal pa alam naman niyang ayaw kong pinag aantay eh bweseeeeet.

"fine, i don't have any idea kung bakit mo hinihingi yung number ng bessy ko but one thing i will say to you, pag nalaman kong may ginawa ka swear yare ka sakin kahit kaibigan ka pa ng crush ko tandaan mo" mataray niyang sabi sa akin. Yun lang pala gustong sabihin pinatagal pa binigay naman niya yung number nung Lara na yun.

Agad namang binigay nung kaibigan ni Lara yung number niya at agad akong tumakbo paalis doon dahil nakita kong lumabas na si Lara sa cr.

Nung makalayo na ako doon naglakad at biglang sumagi sa isip ko na bakit ba ako tumakbo ih pwede naman akong maglakad hiningal tuloy ako.

Biglang nag vibrate yung phone ko kaya agad ko itong kinuha. Sino na naman kaya ito.

Eldwyn

(Bro! Tangina mo pumunta ako sa canteen pero wala ka hayop ka! Dito ako sa field ngayon pumunta ka daw may practice daw tayo para sa foundation dalian mo. )

Aba kingina rin nito ah, ih ang tagal ko ngang nag antay doon tapos may gana pa siyang murahin ako aba. Nakakatamad mang mag practice pero pumunta pa rin ako doon syempre captain ako ang panget naman kung nag pa practice sila tapos wala doon ang magaling captain haha. Kahit tinatamad ako pumunta ako tsaka babatukan ko din tong gagong Eldwyn na to.

"Captain!" sigaw nung isa member ng soccer tinanguan ko naman siya lumapit naman ako kay coach na nakatingin sa mga nag pa practice.

"Reyes" tawag ni coach nung makalapit ako sa kanya.

"Yes coach?" tanong ko sa kanya parang ang seryoso niya tumingin siya sa akin bago nag salita.

"Malapit na ang foundation at sana manalo kayo laban sa mga naka graduate na na player galing dito sa atin sana ayusin niyo yung laro niyo, then if we win ilalabas namin kayo at ilalaban for this coming soccer tournament. " Sabi sa akin ni coach tumango naman ako para makampante na siya.

"Sige na punta ka na doon maga start na tayo" tumango lang ako kay coach at pumunta na doon sa bench at nilagay ang gamit ko at agad na nag palit, hinanap ng mga mata ko si Eldwyn at agad ko namang natanaw at andoon na siya sa field kaya nung aalis na sana ako nang bigla akong napahinto nung may narinig akong nag uusap dahil wala naman akong pakialam sa pinag uusapan nila pero nung nabanggit nila yung pangalan ni Lara napa hinto ako.

"Bro! Kilala mo ba yung Lara Odette Lazo"

"Hindi Bro eh bakit?"

"Yun siya oh" tinignan ko kung saan yung tinuturo niya at hindi nga ako nag kamali si Lara talaga yung tinuro niya.

"Ang ganda diba?"

"Oo nga bro"

"ngayon ko lang yan nakita ah"

"Lapitan natin mamaya?"

"Sige Sige mamaya haha" nilapitan ko sila nagulat naman sila nung lumapit ako.

"Cap!" tawag nung isa sa akin tinignan ko lang siya bago nagsalita.

"Subukan niyong lapitan malilintikan kayo sa akin" mariing sabi ko sa kanila bago tumalikod. Narinig ko namang nag bubulungan sila tila bang nagulat sa sinabi ko.

Nang makarating ako sa field agad kong binatukan si Eldwyn dahil sa inis.

"aray!" daing niya sa akin akmang sasapakin ko siya pero agad siyang umiwas.

"oh ano? Inaano ka jan?" maagang magaan niya sabi kaya tinaas ko yung kamay ko sabay pakita sa kanya ng middle finger.

"Gago ka kahit kelan talaga ang gago mo" inis na sabi ko sa kanya.

"ooh bakit?" natatawa niyang sambit. Aba!

"gago tangina mo! Kanina pa ako nag aantay sayo sa canteen kahit kelan talaga tangina ka" sambit ko.

"soorry bro nakalimutan kong itext ka, wag kang mag alala sa susunod ulit" natatawang niya sabi.

"tangina mo! " sigaw ko sa kanya dahil sasapakin ko sana kaso tumakbo gaho talaga.

Tinawanan niya lang ako gago talaga, i don't know pero out of the blue tumingin ako kung nasaan si Lara ngayon.

Hindi ko alam, hindi ko maintindihan yung sarili ko pero One thing I'm sure there is something with that girl and that is what I want to know.

Dating the WOMANIZER (On-Going) Where stories live. Discover now