DTW~Kabanata 16

22 5 0
                                    

Labing Anim

Naghiyawan muli ang mga tao sa field dahil naka goal si Niel, pero nakatayo pa rin ako ngayon dito dahil biglang bumaloktot si Niel dahil sa sakit, bulungan ang agad na bumalot sa buong field at lahat ng tao doon sa mismong pinaglalaruan nila ay agad na lumapit sa pwesto ni Niel.

"hala anong nangyare?"

"ano ba yan hindi mo nakita? Na sipa si Niel."

"omg ang baby kooo!"

Kanya kanyang sigaw ng mga babae doon, kung kanina ay halos maghiyawan sila dahil nanalo sila  Niel ngayon napalitan ito ng bulungan dahil konti lang ang nakakita doon sa nagyare.

"hoooy Lara." napalingon ako kay Gab dahil tinawag ako nito at ngayon ko lang napagtanto kung anong ginawa ko.

BAKIT AKO TUMAYO AT SUMIGAW?!?????

Agad akong naupo at tinignan si Gab. Tumingin naman sakin si Gab ng nag tataka.

"anyare sayo.?" tanong niya, hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya kaya tumingin nalang din ako sa kanya. Hindi na siya nagsalita pa at tumingin nalang doon sa may field at napatingin na rin ako.

Dumating na yung mga rescuer na may dala dalang stretcher at agad doon inilagay si Niel. May ibang umalis na at may iba namang nanatili dahil kahit nagkaroon ng accident ay ipinagpatuloy pa rin ang awarding at ng matapos na iyon ay isa isa ng umalis ang mga naiwan sa field.

"ano na kayang nangyari kay Niel?" biglang tanong ng katabi ko. Andito pa din kami sa field at hindi kami umalis hindi ko alam kung bakit.

"ayos lang kaya siya.?" out of the blue kong tanong kaya tinignan ako ni Gab.

"bessy ah, kanina nung nasipa si Niel over react ka may something.?" takang tanong nito.

"nagulat lang ako siguro sa nangyari kaya ganon ang naging reaction ko." sambit ko at iniiwas ang tingin sa kanya. Kahit ako hindi ko alam kung bakit ganon nalang ang naging reaction ko ng masipa si Niel.

Naka received kami pareho ng text galing sa driver namin na papunta na sila sa school upang sunduin kami kaya agad na kaming tumayo ni Gab at pumunta sa Gate.

Nag paalam na kami sa isa't isa at nangakong tatawag mamaya para sa mga info's na nangyari kanina. Nang makarating kami sa bahay agad akong sinalubong ni Manang ng ngiti sa mga labi. Bilang sagot ay nginitian ko din siya at nagpaalam na akong aakyat na muna ako sa taas at tumango naman siya.

Pagkapasok ko sa kwarto agad akong naghilamos ng mukha sa banyo at nagbihis ng pantulog at nahiga na sa kama. Kinuha ko ang phone ko at tinignan iyon.

Pumunta ako sa mga messenges at isa isa iyon tinignan.

"wala namang messenge." sabi ko, hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi para bang nag aantay ako ng text galing sa isang tao. Tinawagan ko nalang si Gab at agad naman niya iyong sinagot.

("besssssy!!!!") sigaw niya sa kabilang linya.

"ohhh?" takang tanong ko.

("wala naman hahahhahah.") tawa niyang sabi.

"bwisit ka! Anong balita.?" tanong ko sa kanya kaya agad naman siyang natigil sa pagtawa.

("wala pa din ih. Still waiting for the updates.") sabi niya.

Nadapa nalang ako nung sinabi niya iyon. Ilang oras pa kami nag usap ni Gab at pinutol ko nalang ang tawag nung tinawag na ako ni Manang.

"Lara anak, kakain na." tawag sa akin ni manang kaya tumayo na ako at inayos ko na ang sarili.

Dating the WOMANIZER (On-Going) Where stories live. Discover now