Chapter 1

2.3K 18 4
                                    

NAGLALAKAD sa kahabaan ng Seaside Boulevard sa Mall of Asia si Danica pagkagaling niya sa opisina dahil naging matindi na naman ang tensyon sa pagitan nila ni Cleo Benavides.

            Gusto niyang alisin sa isipan niya ang mga masasakit na salitang sinabi nito sa kanya dahil mayroon pang mas malaking problemang dapat niyang problemahin kaysa dito. Bumili siya ng isang stick ng hotdog sa isang hotdog stall, at naghanap ng bakanteng upuan. Mag-isa siya. At iyon ang masakit. Mag-isa na lang siya.

            Ilang taon na rin siyang walang nobyo, matapos silang magkahiwalay ng kababata niyang si Andrew. They were perfect for each other. People say that they were a match-made-in-heaven. They thought that they will both have their happily ever after. Pero hindi pala. Sa fairy tales lang pala nangyayari iyon.

            She sat on a white bench near the carousel. She looked around. Maraming tao. Karamihan, mga magkasintahang magkakahawak ang kamay, magkayakap, naglalambingan. Naalala niya, she was like them four years ago. She can’t help but to be teary eyed when all those memories come flashing back in her head. She remembered him again. Those cute puppy eyes, those soft lips, everything about Andrew.

            Akala niya, hindi na matatapos ang lahat sa kanila. But she was wrong. Kahit gaano pala kaganda ang naging love story niyo sa umpisa, kung hindi kayo para sa isa’t-isa, maghihiwalay at maghihiwalay kayo. No matter how you fight for your relationship, if destiny makes way, all those happy moments will vanish. And so it happened to them. Apat na taon na niyang kinikimkim ang sama ng loob sa binatang nagwa siyang ipagpalit sa ibang babae. Kaya naman sa loob rin ng apat na taon, ibinuhos niya ang oras niya sa pagtatrabaho.

            Tatlong taon na siyang writer sa Purple Cinema, isa sa mga bigating movie industry sa bansa. Sa kanyang pagiging isang movie writer, nakasulat na siya ng apat na pelikulang nakilala at pumatok sa takilya. Unang pasok pa lang niya sa kumpanya ay nakitaan na siya ng angking galing sa pagsulat dahil na rin MassComm ang tinapos niya. Magaling siyang humanap ng butas sa mga storyang sinusulat niya ngunit hindi nga lang niya ito madiskartehan dahil sa kontrabidang si Cleo Benavides.

            Matandang dalaga ito. Head ng Writing Department sa kumpanya. Palagi nitong pinag-iinitan ang mga empleyado kapag hindi niya nagustuhan ang gawa o kaya naman ay hindi sinunod ang gawa niya.

            “I tell you Miss Agustin, I am the boss here! If you don’t want to follow me, you resign! You should be ashamed of yourself! Akala mo siguro por que gusto ka ng ibang direktor ay uubra na sakin ang pagmamagaling mo! Look at this! Ganito ba ang sinabi ko sayong gusto kong takbo ng storya?” sermon ni Cleo kanina sa meeting.

            Sa totoo lang nakakabobo naman talaga yang pinapagawa mo eh. Walang bago. Walang sense. Bakit ka ba naging Head ng writing department?

            Sabi niya sa sarili niya. Narealize niyang dapat na niyang kalimutan ang mga sinabi nito sa kanya dahil wala rin naman itong patutunguan. She finished her hotdog and started looking around again.

            Everybody seems to be happy. Alas nwebe na ng gabi. Ni hindi niya namalayan. Gusto niyang alisin sa isipan niya ang lahat ng mga bagay. Kaya siya nagpunta rito ay para magrelax. Ngunit hindi niya rin ito nagawa dahil sa tuwing mag-isa siya, doon niya naaalala ang mga pinagsamahan nila ni Andrew. No matter how much she avoid it, all the memories are turning back. Binuksan niyang muli ang huling litrato nila ni Andrew bago sila magkahiwalay. She still have it on her phone.

            Noong high school sila, palagi silang napagkakamalang magnobyo ng mga teacher nila. Everyone sees that there is something special in their relationship. Kaya naman nang magtapat si Andrew sa kanya nung prom night nila, tila ba nasagot na ang mga pinapanalangin ng iba na magkatuluyan sila. It was the sweetest night for her. The night when her knight-in-shining armor rescued her from falling. That night marked a new page in their lives. She became his girlfriend and he became her boyfriend.

Promise of my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon