Chapter 4

446 5 0
                                    

Nakasakay siya ng bus pauwi ng Pasay. Gusto niyang matulog kaya hindi siya nag-MRT. Sigurado namang traffic pauwi kaya makakaidlip siya matapos ang isa na namang nakakapagod na araw sa studio. But she couldn’t sleep. Tumatakbo pa rin sa isip niya ang iba’t-ibang bagay. Mabilis ang mga pangyayari. Alam niya sa sarili niyang masaya na siya at kaya na niyang mabuhay ng wala si Andrew, so she told herself that she should finally move on. And she did. And while on the process of this moving on, Patrick came.

            Funny how time goes by as easy as that. Kung anong bilis ng pagtakbo ng oras at paglipas ng panahon ay siya namang bilis ng proseso ng pagmumove on niya. Hindi na niya ngayon alam kung dumating ba si Patrick sa buhay niya para bigyang kulay muli ang dati’y nababalot ng kadiliman niyang puso o ipinaalala muli sa kanya kung paanong magmahal ng sobra at pagkatapos ay masaktan rin ng sobra.

            She can’t think of any reason. She’s moving on and loving another guy isn’t easy. Nababaliw na naman siya sa kaiisip. She know that there’s more to life, that she have to go with the flow, and believe in second chances. Pero ayaw niyang maniwala. Matagal na panahon na ang nakalipas nang magkahiwalay sila ni Andrew. She needs a new life the same as Andrew has a new life.

            Alam mo, you’re pretty when you’re smiling.

            The sentence keeps resounding in her head. How could a total stranger make her smile as easy as that?

            Kung isa itong patibong, ayokong mahulog. Sabi niya sa sarili niya. She was hurt when she had to explain about her painful past but her conversation with Patrick feels like a new her. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang kakomportable ang kanilang usapan. She knew she’s ready to make friends, and she consider him as her new found friend.

PAGDATING niya sa bahay ay dumiretso siya agad sa kanyang kwarto. Tulog na ang parents at mga kapatid niya. Silence filled the house. She wanted to get some sleep but she just can’t. Maraming naglalaro sa isip niya na hindi niya maipaliwanag. She writes meaningful stories and they sometimes reflect on her personality and life. Pero minsan, may mga naisusulat siyang hinsi sumasalamin sa kanya. She could give advices to people as if she experienced a lot of things, but when it comes to herself, she can’t manage to fix her own problems. She decided to sleep. Pero hindi siya sigurado kung paggising niya ay mawawala ba ang mga gumugulo sa isip niya. Ayaw niyang pumasok sa trabaho na ibang Danica na naman ang makita ng mga tao. She prayed, and wanted a good sleep. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at niyakap ang isang malaking unan at binalot ang katawan niya ng isang makapal na comforter.

DUMAAN muna siya sa Ministop para mag-almusal. Maaga siyang umalis ng bahay at ipinagluto na lang niya ang kanyang dalawang kapatid na papasok. Maaga pa siya masyado para sa call time. Alas nwebe y media pa lang ng umaga at may isa’t-kalahating oras pa siya para magliwaliw. Dumiretso siya sa gazebo. She was alone. Again. Minsan nga ay inakala na ng nanay niya na doon na siya titira sa studio dahil kung hindi siya gabi uuwi ay umaga na siya aalis. Halos ibuhos na niya ang lahat sa trabaho niya ang oras niya para lang makalimutan niyang may mga masasakit na nangyari sa buhay niya. Ganun naman palagi ang nangyayari sa buhay ng mga tulad niyang brokenhearted. Ibubuhos ang oras para lang makalimot. But, after four years, she’s still standing on the same ground, alone.

            Nagtatrabaho nga siya, but all she had on her mind was misery, and the products that come up from these misery are bitter dialogs on her story. Hindi niya maidedeny yun. Every heartfelt dialog she’s writing on her manuscript was a piece of her. She was sure of that. She have written those words out of misery and bitterness. Hanggang ngayon, naiinggit pa rin siya sa tuwing makakakita siya ng mga babaeng kasama ang mga nobyo nila, magkahawak ang mga kamay, magkaakbay, naglalambingan. Sa tuwing may makakasalubong siyang magnobyo ay tila unti-unting dinudurog ang puso niya at bumabalik na naman sa kanyang ala-ala ang mga masasayang panahon na magkasama sila ni Andrew. She don’t know if this frustration will help her move on totally or it will just bring bitterness on her over and over again. Kung pwede nga lang automatic na pumikit ang mga talukap ng mata niya sa tuwing may makakasalubong siyang mga magnobyo ay matagal na niyang ginawa. Siguro ay kung may pain killer man para sa mga nasaktang puso ay matagal na siyang bumili sa drug store.

Promise of my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon