Chapter 9

355 3 0
                                    

It was a busy day again. Maraming revisions na nangyari sa unang parte ng manuscript niyang bago. They were having a hard time bargaining the story with the department head.

            “Eh di sana nung una pa lang hindi na niya inapprove yung story proposal natin kung hindi niya gusto! Hindi yung kung kalian nasimulan na, saka niya ipaparevise. Nakakainis!” she’s yelling while walking on the hallway wtih Flaire.

            “Easy ka lang, Danica. Baka marinig ka ni ma’am,” suggestion ng concerned na kaibigan.

            “Eh di marinig niya! Hindi niya kasi alam yung salitang aesthetics eh. Hindi ko alam kung paano siya napunta sa posisyoong yan. Naku! Kumukulo ang dugo ko Flaire!”

            “Kumalma ka muna, friend. High blood ka masyado eh. Conference room tayo mamaya guys, para mapag-usapan natin yung tungkol sa revisions,” sabi ni Flaire na patungkol sa ibang staff. “Kuha kitang tubig, gusto mo?”

            “Sige nga, salamat.”

            She wanted to explode. Sunod-sunod na problema ang dumarating sa kanya at hindi niya alam kung hanggang saan na lang ang kaya niyang tiisin. The department head hated her for an unknown reason. Si Patrick na bigla na lang nanlamig at nawala sa kanya. Si Andrew na nakalimutan na niya pero pilit na ibinabalik ng tadhana sa kanya. She couldn’t handle all these at the same time. Kung pwede nga lang maglaho na lang siyang bigla para matakasan ang lahat ng problema ay ginawa na niya. But she have to face the real world. Ang tunay na buhay ay hindi tulad ng mga pelikulang sinusulat niya na kaunting problema lang mahahanapan niya na ng solusyon at happy ending.

            “O uminom ka muna, para kumalma ka,” binigay ni Flaire ang isang basong tubig sa kanya.

            “Salamat, Flaire. Grabe, hindi ko na alam ang gagawin ko. Andaming problema ngayon.”

            “Tinawagan ka na ba ni Patrick?”

            “Hindi. Isang linggo na kaming hindi nag-uusap.”

            “Bad sign na yan ah. Ano na kayang balita dun?”

            “Ayoko munang problemahin yan,” she started fixing her things. “Itutulog ko na lang ito.”

            “Mag-a-out ka na?”

            “I’m not in the mood today. Bukas na lang natin siguro pag-usapan yung tungkol sa revisions. Bye.”

            “Okay. Balitaan ka na lang namin.”

            She banged the front door. She feel so stressed right now and she needs refreshment.

DUMIRETSO siya sa skating rink ng Mall of Asia. Matagal na rin niyang hindi nagagawang mag-ice skating. Paraan niya ito para magliwaliw bata pa lamang siya. Kahit hindi na siya kasing bata ng ibang nasa skating rink, nagagawa pa rin niyang sumabay sa indak ng mga ito. She wanted to forget all the things that hurt for now. She allowed herself to be trapped on another dream. Masarap sa pakiramdam yung ginagawa niya ang isang bagay para sa sarili niya at hindi para sa iba. That sense of fulfilment filled her.

            She thought about what happened that night when she was with Andrew. She can’t imagine that she gave all of her to him. She loves Patrick, they love each other. But their commitment is not yet confirmed. Naisip niyang hindi nga nito nagawang sabihin sa kanya na may offer siya sa Singapore, bakit pa siya aasa rito? Gaya nga ng sabi ni direk Alfaro, technically, she’s not his girlfriend. So why hope? She’ll just drop it. Tutal, hindi na siya nakakakuha ng balita dito, naisip niya na baka hindi talaga sila para sa isa’t-isa.

Promise of my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon