Chapter 10

516 8 0
                                    

Maraming tao at napapaligiran ng mga naghihiyawang mga fans at nagkikislapang camera ang Red Carpet Premiere ng pelikulang All for Love na sinulat ni Danica. Alas syete y media na ng gabi nang magsimulang magdatingan ang mga bigating artista na gumanap sa pelikula. Naandoon sina Gian Cruz at Rhea Paloma na siyang main star ng pelikula.

            Nakapasok na sa loob ng sinehan ang ibang movie staff at ang ibang fans ngunit si Danica ay tila may hinihintay pa rin sa labas. She’s waiting for Andrew. Kumuha siya ng dalawang ticket para sa kanilang dalawa. It will be the first time for them to watch a movie, written by her. Hindi na siya umaasang darating pa si Patrick kaya’t si Andrew na lang ang inimbita niya. Tutal, silang dalawa ay officially mag best friend na ulit. He wanted to show her how proud he is to have a best friend like her. Ilang minuto lang ay dumating na rin ito.

            She showed her Press ID and staff pass to the lady guard. Nakapasok na sila sa loob ng sinehan. Naghihiyawan pa sa loob ng sinehan dahil tinapatan pa ng malaking spotlight ang mga teen star na naandoon na siya namang nakaupo sa may harapan. Hinanap ni Danica ang reserved seat para sa movie staff at nang mahanap niya ito ay agad niyang sinalubong ng beso-beso ang mga kapwa niya writer.          

 “Ah, friends, si Andrew nga pala.”

            Natigilan si Flaire. Tila ba nagulat ito nang makita silang magkasamang dalawa. Bakit nga ba sila magkasama eh ang lalaking iyon ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay ng kaibigan niya sa loob ng apat na taon.

            “Ah, hi.... Andrew?” naiilang na bati nito. “Pwede ko bang mahiram saglit si Danica? Magpapasama lang ako sandali sa CR.”

Hinila palabas ni Flaire si Danica para pumunta sa comfort room.

“Bakit kayo magkasama? Akala ko ba—”

“Flaire, ano ka ba. Ayos na kami ngayon. Magkaibigan na lang kami. Wag mo na ituloy kung ano yang iniisip mo. Wala akong ibang maimbita, ok? Sayang yung ticket. Saka, wala naman si Patrick.”

“Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Parang walang nangyari pagkatapos ng apat na taon ah. Paano kung biglang bumalik si Patrick? Akala ko ba may mutual understanding na kayo?”

Natigilan siya. Paano nga kaya kung dumating ulit sa buhay niya si Patrick? Paano kung bumalik ito mula sa Singapore at naisip na nito kung ano ang iniwan niya sa Pilipinas? Paano kung mahal pa rin siya nito? Alam niya sa sarili niyang ang dahilan kung bakit sila muling pinagtagpo ni Andrew ay dahil maaaring ito na ang pangalawang pagkakataon para itama nila ang maling nangyari sa relasyon nila noon. If they’re meant to fall in love with each other again, she’ll let it—if that’s what destiny wants, if that’s what fate is telling. But what if they’re not really meant to be together again at naiisip niya lang ito dahil si Andrew ang kasama niya ngayon?

“Darating rin tayo diyan. In the mean time, I’ll settle for what’s available.”

“Ok ka lang? Do not settle for what’s available. Settle for what’s right for you.”

“Hindi ko alam kung sino ang mas mabuti para sakin. Kung kinakailangan ko mang mamili, madali na lang yun. Trust me.”

“I don’t know Danica. Tingin ko mahihirapan kang timbangin silang dalawa soon. Kapag tumagal na magkasama kayo ni Andrew, baka mahulog ka ulit sa kanya. You know, just a friendly advice. Mag-ingat ka sa pag-ibig. Wag kang padalos-dalos.”

“Oo na. Ito naman,” she laughed.

What if Flaire is right? What if Patrick came back and she have to choose between the him and Andrew? Ayaw na muna niyang mag-isip ng kung anu-ano ngayon. Ang importante sa kanya, kung ano ang meron sa kanya ngayon, iingatan niya.

Promise of my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon