Chapter 6

364 6 0
                                    

PAGKALABAS ng building ay agad na pumara ng taxi si Patrick. Nakahawak pa rin ang kanang kamay niya sa kaliwang kamay ng dalaga. Karamihan ng taxi na dumadaan ay may sakay kaya naghintay sila ng walang laman. Tulala pa rin si Danica. Ilang minuto na rin silang magkahawak ng kamay at hindi niya maintindihan kung tama ba ang pinapakita niyang reaksyon. Dapat ay agad siyang bumitiw sa pagkakahawak ni Patrick ngunit hinayaan niya lang ito. Halo-halo ang kanyang nararamdaman. Kaba. Saya. Takot. Lahat iyon ay nasa loob niya. Matapos ang ilang minuto ay may humintong taxi sa harapan nila.

            “Danica, halika na,” yaya ni Patrick at agad silang sumakay sa likuran ng taxi.

            “Saan po tayo, sir?” tanong ng taxi driver.

            “Sa Gateway na lang ho,” agad na tugon ni Patrick.

            Napatingin naman ang binata sa dalagang hindi umiimik. Tulala pa rin ito dahil hindi niya maipakita ng maayos ang saloobin niya. Napaka-iksi pa nga naman kasi ng dalawang lingo para sa mga kaganapang ito.

            “Danica, ok ka lang?”

            “O—oo naman. Bakit mo naitanong?” agad niyang nilingon si Patrick sa kaliwa mula sa pagkakatingin niya sa bintana ng taxi.

            “Wala. Kanina ka pa kasi hindi umiimik. Parang hindi ako sanay.”

            “May iniisip lang ako.”

            “Anong iniisip mo?”

            Napangiti siya. Napansin niyang masigla ang aura ni Patrick at nakakahiya naman kung pakikitaan niya ito ng di-kanaisnais na reaksyon dahil lang sa nangyari sa conference room. Hindi na nakasagot si Danica dahil agad na nagtanong muli ang binata.

            “Oo nga pala, sa Gateway na lang tayo ha. Para malapit. Ayos lang ba sayo?”

            “Oo naman, ayos lang sakin.”

PAGKABABA ng taxi ay agad na nagtanong si Patrick kung saan niya gusting kumain. Nahihiya pa siyang magsalita dahil parang hindi normal ang ginagawa ng lalaki sa kanya. Pero aminado siyang nagugustuhan niya ang kinikilos nito.

            “Anong gusto mong kainin? Sige na, wag ka na mahiya. Libre ko naman eh,” he gave another killer smile.

            Isang ngiti mo pa, matutunaw na ako. Ngumiti rin siya. “Sige, ito na lang sakin,” tinuro niya ang gusto niyang kainin sa menu ng Sizzling Plate. “Salamat Patrick, ha?”

            “Ano ka ba, wala iyon. Thank you ko na ito sa’yo for showing me around the building and for being my first friend sa Purple Cinema. Ang bait mo kasi sakin.”

            “My pleasure.”

            “Isa nga po nito, saka nito. Pa-add na rin ho ng extra rice and mushroom soup,” sabi ni Patrick sa nagtitinda.

            “Next time, ako naman ang magtitreat sayo.”

            “Wag na. Nakakahiya naman na babae pa ang manlilibre sakin.”

Promise of my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon