Tanghali na ng dumating si Danica sa opisina. The usual portrait people see on her, smiling and wearing cool and fashionable clothes remained. Ang taning nagbago lang sa lahat ay ang mga ngiting ipinapakita niya ngayon ay hindi na parte ng isang pagpapanggap. She’s real now. Wala na siyang kailangang itago sa likod ng mga makukulay na damit niyang isinusuot. Maayos na ang lahat para sa kanya.
Dumiretso siya sa studio 3. Naandoon ang department head na si Cleo Benavides at mukhang nais na naming puntiryahin si Danica sa init ng ulo. Instead of doing the same routines, she handed the finished manuscript to the department head. Sesermonan na sana siya nito ngunit natigilan dahil nagsalita ang dalaga.
“Ma’am here’s the final manuscript that you’re asking me to do. Anything else you want me to do ma’am?” she showed an annoying smile to her.
“Wala na,” napahiyang sagot ng department head.
“Okay then, I guess we’re done ma’am,” she walked away giving that annoying smile.
Purple Cinema launches big movies every five months. Apat na dito ang mga storyang isinulat ni Danica na kumita ng mahigit dalawampung milyon sa loob ng isang taon. Naka-set na ang mga gaganap sa shooting ng first scene. Sisimulan na ang pagbibigay-buhay sa manuscript na ginawa niya, ng iba’t-ibang kilalang artista. It wasn’t new for her. But what she feels right now is new. Unang beses niyang haharap sa movie staff na nakangiti at walang tinatagong lumbay. She has moved on, she guess. This time, it’s for the better.
Umupo siya sa isang monoblock chair na nakapwesto sa gilid ng cameraman.
“Ma’am Danica, coffee?” tanong ng isang assistant scriptwriter.
“Sure, get one for you too,” she smiled.
She crossed her legs and opened her fan. Wala na siyang masyadong gagawin ngayon dahil tapos na ang parte niya sa pelikula. Tutlong na lang siya sa pagsasabi kung ano ang expression ng karakter sa bawat dialog. Madalas ay kakailanganin talaga siya ng direktor lalo na at siya ang nagsulat at nakakaalam ng mga emosyon ng bawat karakter sa storya.
“Ah Danica, hija,” tawag ni Direk Rozel Alfaro. Binata pa ito, halos limang taon lang ang tanda sa kanya. Friendly ito sa lahat ng staff at may pagkakwela rin.
“Po, direk?”
“Tulungan mo naman ako mag-ayos ng mga scripts. Pakisabihan ang mga linemen to ready the idiot board, and for the props naman, yung mga nasa production, lilipat tayo ng set after this take.”
“Yes direk.”
Tinawag niya lahat ng staff na kakailanganin para sa first scene at ang iba pa para i-set up ang background sa sususnod na scene sa labas ng building.
“Rod, production, guys. Set up na daw sa labas for the second scene. Alam niyo na ba ang set up nun?”
“Yes ma’am Danica, nasabi na ni direk yung mga props na gagamitin. Ire-ready na lang po naming sa labas,” sabi ng isang production staff na dala ang ibang props.
“Yung mga linemen nga pala? Tell them to prepare the idiot boards for the next take.”
“Sige po, ma’am.”
“Ah ma’am, ito na po yung coffee niyo,” her assistant scriptwriter handed her the coffee.
“Thanks, Trish,” she took a sip on the cup of coffee. “Direk, ise-set up na raw po ng production yung props sa labas, pero mukhang uulan.”
BINABASA MO ANG
Promise of my Heart
RomanceI DON'T GIVE AWAY SOFT COPIES AS MY STORIES ARE COPYRIGHTED. Naniniwala ka ba na isa sa mga posible mong makatuluyan ay ang matalik mong kaibigan? Ang best friend mo na palaging nagmamahal sayo? Well, kung gusto mong maniwala sa happy ending, basah...