DALAWANG buwan ring nagpatuloy ang magandang samahan ng dalawa. Nasimulan na ni Danica at ng writing staff ang storyang pinapagawa sa kanila ni direk Alfaro at matatapos na ang taping ng naunang manuscript niya. Napagdesisyunan ng kumpanya na kuning commercial model si Patrick at sunod-sunod naman ang offer ng iba’t-ibang advertising companies ditto.
Dahil sa mga kinita niya sa iba-ibang advertising companies ay nakapagpadala na rin siya ng kaunting pera sa kanyang ina para sa pag-aaral ng kapatid. Di rin naman mapantayan ang ligayang bumabalot sa dalaga dahil sa natatamong respeto at pagpapahalaga ni Patrick.
“Alam mo, mukhang maganda ang epekto ng pagdating ni Patrick sa buhay mo,” turan ng kaopisinang si Flaire.
“Paano mo naman nasabi?”
“Ate Danica, hindi mo ba napapansin na ilang buwan ka nang sobrang sipag sa trabaho at palaging nakangiti?” sabat ni Trish.
“Ano na ba ang balita sa inyo ni Mr. Hot Guy?” agad na tanong naman ni Flaire.
“Samin? Bakit? Magkaibigan pa rin naman kami.”
“Kaya pala may pa-dinner dinner pa kayong nalalaman. Nako Danica, don’t you dare deny. Kabisado ko na yan.”
“Bakit, masama bang mag-dinner ang magkabigan?”
“Nakakakilig kasi ate Danica.”
“Nako kayo, kung bumabalik kayo sa trabaho niyo, diba? Mamaya nakagat na nung tao yung dila niya kababanggit ng pangalan niya,” nakangising sambit ni Danica na halatang kinikilig sa mga sinasabi ng kasama.
“So, sinabi na ba niya sayong gusto ka niya?” ani Flaire.
“Oo. Sinabi niya na sakin.”
“Sinabi mo na ba sa kanyang gusto mo siya?”
“Hindi.”
“Bakit?” sabay na tanong ni Flaire at Trish.
“Ayoko. Baka mag-iba ang pakikitungo niya sakin pag sinabi ko.”
“Pero gusto mo siya?”
“Alam niyo na naman ang sagot sa tanong na yan.”
“I knew it. You have no choice but to fall.”
“I want to try to love again. Tutal, ito na naman. Naandito na. Ayoko na maging choosy. Choosy people ends up being alone, right?”
“Right,” sabay na sagot ni Trish at Flaire.
“Pero buti na rin at hindi mo pa sinasabi. Para hindi niya isiping easy to get ka,” dagdag ni Flaire.
Napangiti siya. She didn’t expect that this time will come where she will start to love once again. Malaki na rin ang naiambag ni Patrick sa pagbuong muli ng kanyang puso. She herself don’t know the reason why it came to this point. But there’s no stopping anymore. Ito na nga siguro ang panahon para sa kanilang dalawa.
ILANG lingo pa ang lumipas at dumating ang high school reunion ni Danica. All her high school friends were there. Inimbita niya rin si Patrick na sumama. They look like a perfect couple already. Lalo na kapag nakaakbay si Patrick sa kanya. Maganda ang ayos ng kanyang buhok pati na rin ang make up niyang bumagay sa kanyang pink cocktail dress. Lahat ng bisita ay naka semi-formal at sa isang kilalang hotel ginaganap ang engrandeng high school reunion. She saw familiar faces. Some looks the same as they were still on high school and some looked older. She sat on the chair together with Patrick.
BINABASA MO ANG
Promise of my Heart
RomanceI DON'T GIVE AWAY SOFT COPIES AS MY STORIES ARE COPYRIGHTED. Naniniwala ka ba na isa sa mga posible mong makatuluyan ay ang matalik mong kaibigan? Ang best friend mo na palaging nagmamahal sayo? Well, kung gusto mong maniwala sa happy ending, basah...