Chapter 3

468 7 0
                                    

It was a new day for her.  Same old routines in life. Nakaka-usad na ang storya, at halos tapos na ang unang limang scene. Hanggang ngayon, dala pa rin niya ang ngiting dala-dala niya simula nang sinabi niya sa sarili niyang naka-move on na siya. Naging maganda rin ang epekto ng desisyon niyang ito sa trabaho niya. Nagsimula siyang makihalubilo pa sa ibang tao at natutong palawakin ang kanyang mundo sa paraang wala nang taong mananakit sa kanya. She knew life would be better without Andrew.

            Naglalakad siya sa hallway papuntang studio 4 nang makasalubong niya ang isang lalaking tila naghahanap ng direksyon.

            “Miss, miss. Excuse me,” hinawwakan siya nito sa braso. “magtatanong lang sana ako,” napatingin si Danica sa braso niya. “Ah, pasensya na,” bumitaw ang lalaki. “Ako nga pala  si Patrick. Itatanong ko lang sana kung saan yung studio 4.”

            Nagulat si Danica. “Bakit?”

            “Nag-apply kasi akong extra para sa ilang scene. Tinawagan ako ng secretary ni Direk Alfaro na ngayon daw ang shoot.”

            “Ah, sumabay ka na lang sakin. Doon rin ako pupunta.”

            “Extra ka rin?”

            “Hindi, writer ako.”

            Nabalutan ng katahimikan pansamantala.

            “Gaano katagal ka nang writer?”

            “Matagal-tagal na rin. Apat na taon?”

            “Ano nga palang pangalan mo?”

            “Danica.”

            “Ah. Danica.”

            “Bakit mo naisipang mag-extra?”

            “Kasi kailangan ko ng pera. Yun naman kasi ang dahilan kung bakit naghahanap ng trabaho ang mga tao. Pera. Sa pera umiikot ang mundo.”

            “Nag-aaral ka pa?”

            “Tapos na, pero may kapatid akong pag-aaralin. Kaya rumaraket ako. Kahit anong trabaho, basta may sweldo.”

            Binuksan ni Danica ang pinto ng Studio 4 at inilapag ang kanyang gamit sa mesa.

            “Ah, ganun ba? Halika, ipapakilala na kita kay Direk.”

            Habang inaayos ng lahat ang set, kinausap ni Direk Alfaro si Patrick tungkol sa gagampanan niya. Nilapitan siya ng assistant niyang si Trish.

            “Good morning ate Danica, how’s your day?”

            “I’m good. Ikaw?”

            “Ayun, sinilip ko lang yung script ng story mo.”

            “So what can you say?”

            “Maganda. Kahit hindi ko pa nababasa ng buo, nagagandahan ako sa mga lines. Idol na talaga kita”

            “Alam mo, just like what I’ve told you lately, you just have to put yourself on the situation of the character. Hindi naman necessary na na-experience mo na siya. The only point there is you have to put your emotions to the maximum level. Kailangan, kung ano sa tingin mo yung dapat na emosyon sa ganung eksena, bigyang buhay mo siya through the lines and dialogs.”

Promise of my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon